Nang maayos na ang lahat sa kaniyang bagong telepono, inilapag muna ito ni CJ sa ibabaw ng kama. Umupo siya sa gilid nito at naramdaman ang banayad na antok dulot na rin ng busog at malamig na aircon sa loob ng silid. "Ano palang gusto mong gawin ngayon?" tanong ni Arkine habang nakatayo sa kaniyang harap, malambing ang mga mata at nakatitig nang husto sa kaniya. Nag-isip nang ilang sandali ang dalaga. Pagkatapos ng nangyaring tensyon kay JM sa dining area, tila mas gusto niya muna ng katahimikan at malayo sa mapanuring mga mata ng mga tao. "Hmm... siguro dito muna ako sa kwarto mo..." wika naman ni CJ, naging natural na sa kaniya ang tawaging "kwarto mo" ang silid na ito dahil dito niya nararamdaman ang tunay na proteksyon. "Gusto mo samahan kita?" agadd na tanong ni Arkine, hindi pina

