Sa gitna ng dagat, pinaharurot ni Arkine ang speedboat. Ang talsik ng tubig-alat at ang malakas na hangin ay tila humahawi sa katahimikan sa pagitan nila. Si CJ ay nakaupo sa kabilang dulo, nakatanaw lang sa malayo, habang ang kanyang buhok ay sumasabay sa ihip ng hangin. Maya-maya, itinabi ni Arkine ang bangka sa isang bahagi ng dagat na kulay turquoise ang tubig—sobrang linaw na kitang-kita ang mga corals sa ilalim. Pinatay niya ang makina. Biglang bumalik ang kapayapaan, tanging tunog na lang ng mahinang alon ang naririnig. "Bakit tayo huminto?" tanong ni CJ, hindi inaalis ang shades niya. "Masyado kang mabilis tumakbo, CJ," sagot ni Arkine habang sumasandal sa upuan. "Minsan kailangan lang huminto para maramdaman mo na nandito ka na talaga. Na wala ka na doon sa iniwan mo." Hindi

