Lumipas ang ilang oras at unti-unti nang nagdidilim ang kalangitan sa labas, hudyat na malapit na ang gabi. Nanatiling himbing si CJ sa kama, tila doon lang sa malalim na tulog na iyon nakahanap ng tunay na katahimikan ang kanyang isip. Samantala, si Arkine ay hindi pa rin umaalis sa kanyang desk. Kahit pagod na rin ang kanyang mga mata sa kakaharap sa laptop, seryoso pa rin siyang nagtatrabaho. Paminsan-minsan, tumitigil siya para uminom ng kape, pero mas madalas ang kanyang pagsulyap sa gawi ni CJ. Bawat galaw ng dalaga sa kama, kahit maliit na pag-unat lang, ay napapansin niya. Gusto niyang matapos ang lahat ng pending na paperworks para mamaya sa bonfire, wala na siyang ibang iisipin kundi si CJ lang. Habang nagta-type, hindi mapigilan ni Arkine ang mapangiti nang maalala ang pag-ami

