Chapter 33

779 Words

"Sorry, naistorbo pala kita," wika ni Arkine, habang pinapanood si CJ na ayusin ang kanyang robe. "Hindi naman, halos gising na rin ako bago ka kumatok," tugon ni CJ. Bagama’t may kaunting pagkailang dahil sa kanyang hitsura, hindi na niya magawang itago ang gaan ng loob sa presensya ng lalaki. Agad silang naupo sa mesa malapit sa malaking bintana na may tanawin ng asul na dagat. Hinawi ni CJ ang kurtina, hinahayaang pumasok ang sikat ng araw na nagbigay-liwanag sa buong kwarto—tila simbolo ng pag-asang unti-unting pumapalit sa dilim na iniwan niya sa Maynila. Nagsimula silang kumain sa gitna ng banayad na simoy ng hangin. "Arkine... pangalawang linggo ko na rito. Ngayon ang araw ng check-out ko," panimula ni CJ, ang boses ay may halong pag-aalinlangan. "Mag-eextend ka?" tanong ni Arki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD