Makalipas ang ilang minutong katahimikan sa loob ng gazebo, bumasag sa hangin ang mahinang boses ng lalaki. "Ang sarap mo palang magbayad ng utang," bulong ni Arkine. Napatingin naman si CJ sa kanya. Alam ng dalaga na ang halik na pinagsaluhan nila kanina ang tinutukoy nito."Ang daya mo..." wika ni CJ. "Bakit ako madaya?" tanong ni Arkine. "Sabi ko ganti lang... pero bakit parang..." tumigil si CJ, hindi alam kung paano itutuloy ang sasabihin. "Bakit parang totoo?" dugtong ni Arkine para sa kanya. "Kasi CJ, hindi ako marunong magkunwari pagdating sa nararamdaman ko. Sinabi ko naman sa 'yo, special patient kita... at matagal na kitang gustong gamutin sa paraang hindi mo inaasahan." Ngumiti si CJ sa kabila ng tensyon. "Corny mo talaga, Arkine James." "Pero apektado ka," hirit ni Arkin

