Chapter 12

946 Words
Lumabas silang tatlo para tingnan kung anong nangyayari sa labas May umiiyak na babae at may mga taong nakapalibot at sobrang ingay ng paligid at hindi makita nila Braxin kung anong dahilan ng kaguluhan dahil sa dami ng tao "Ano pong nangyayari?" Tanong ni Braxin sa isang lalake na nasa likoran "Kanina kasi, pinasok ng mga bantay ang bahay ng pamilyang Hastika dahil nalaman ng mga bantay na mayroong dalagang babae na nakatira dun kaya nung pinasok na nila ang bahay ay wala silang makita pero nakita nila na may daanan pala sa likod ng bahay at pagkabukas nila ay nakita nilang tumatakbo ang kawawang dalagita at umabot siya dito at dito siya nahuli kaya labis ang pagkalungkot ng mga tao dito dahil mayroon na namang isang babae ang nabiktima" paliwanag ng lalake "Braxin tulungan natin yung babae, kawawa naman" sabi ni Kliere "Ako bahala" sabi ni Braxin "Huyyyy mga bantay" sigaw ni Braxin at natahimik ang lahat ng tao "Braxin... anong ginagawa mo?" Mahinang tanong ni Ken "May isa pang babae dito" malakas na pagkasigaw ni Braxin "Lagot" sabi ni Ken "Tumakas na tayo dito dali" rattle na sabi Ken "Teka lang, magtiwala ka lang sa lalaking to" sabi ni Kliere kay Ken sabay tingin kay Braxin Nalito si Ken at tiningnan ang mukha ni Braxin, nakita niya na parang excited itong si Braxin Napatingin ang lahat ng tao at napansin nila na mayroon ngang isang napakagandang babae Lumapit ang isang bantay at tumabi ang lahat ng mga tao at nakita ng bantay si Kliere "Ikaw magandang babae, halika dito at wag mo ng subukan pang tumakbo dahil wala ka namang iba pang matatakbuhan" sabi ng bantay "Hehe, tanga" ngiting sabi ni Braxin Biglang sumugod si Braxin at sinuntok ng malakas ang isang bantay at agad itong tumilapon sa malayo "Anong..." Sabi ng isa pang bantay na nasa medyo malayong bahagi kasama ang babaeng umiiyak at humihingi ng tulong "Sinong may lakas ng loob upang kontrahin ang utos ng kamahalan?" Sigaw ng lalakeng bantay "Pasensya ka na pero wala akong kilalang kamahalan oh kung ano man" sigaw ni Braxin at sumugod ulit ito sa mga bantay na nasa medyo malayo at binugbog ang mga bantay kahit may hawang itong mga espada at iba pang sandata "Ikaw..." Sabi ng isang bantay habang nakatingin kay Braxin habang may hawak ang lalake na isang espada at hawak din niya ang babae na umiiyak at ginawa niya itong hostage "Tulungan mo po ako" nagmamakaawang sabi ng babae habang umiiyak "Sige lumapit kapa ng makita mo kung paano ko hihiwain ng dahan dahan ang liig nitong babaeng to" sabi ng bantay habang nanginginig ang kanyang kamay sa takot habang hawak hawak ang espada "Hahahahaha" tumawa ng malakas si Braxin at sinipa ang isang bantay na nakahandusay sa lupa "Bat ka tumatawa? Hindi mo ba alam kung anong pwedeng mangyari sa babaeng to?" "Kaya nga ako tumatawa eh, alam mo bang pinuno ako ng isang gang? Ngayon sabihin mo sakin kung sinong maypake sa babaeng yan?" Sabi ni Braxin "Kasamahan ko yung babaeng sinubukan nyong hawakan ng madumi nyong kamay kanina at tungkol naman sa babaeng yan wala akong pake, gusto lang kitang iligpit kasama ng babaeng yan" dagdag pa ni Braxin Mas lalong natakot ang lalake dahil walang takot si Braxin at isa pa kahit maydala oa siyang sandata ay wala parin siyang laban "Ngayon sabihin mo sakin? Gusto mo bang paslangin ang babae at madagdagan ang mga kasalanan mo o sabay ko kayong paslangin ng matapos na to?" Sa sobrang takot ng lalake ay nawalan siya ng lakas upang paslangin ang babae at tumakbo nalang ito at itinapon ang dala niyang espada pero sa kasamaang palad madali parin siyang naabotan ni Braxin at tinapos ang walang silbinh buhay nito. Nilapitan ni Braxin ang babae "Wag nyo po akong patayin parang awa nyo na po, ibibigay ko po sainyo lahat ng gusto ko pati sarili wag nyo lang kunin sarili ko, ayaw ko pong malungkot ang aking mga magulang dahil sa wala akong silbing anak" nagmamakaawang sabi ng babae kay Braxin habang itoy umiiyak "Tumayo ka" sabi ni Braxin At tumayo ang babae "Ano pangalan mo?" Tanong ni Braxin "Thrisha po, wag nyo po akong patayin parang awa nyo na po" "Alam mo trisya, wala akong interest sa mahihinang babae na katulad mo, matuto kang tumingin ng mataas sa sarili mo, wag mong hayaan na maliitan ang buhay na meron ka at magpakatatag ka" sabi ni Braxin at umalis ito Napatingin si Thrisha kay Braxin "Ano pong pangalan nyo kuya?" Tanong ni Thrisha Napahinto si Braxin "Braxin at wag mokong tatawaging kuya" at nagpatuloy sa paglalakad "Maraming salamat Braxin sa pag ligtas sakin at asahan mo balang araw magiging malakas rin ako katulad mo" sabi ni Thrisha "Sige aasahan ko yan" sabi ni Braxin "At isa pa hindi kita iniligtas, inutusan lang ako ng kasama kung babae" sabi ni Braxin habang patuloy ito sa paglalakad papunta sa dalawa niyang kasama Pagkalipas ng ilang minuto "Anak nasaktan ka ba? Anong nangyari? May sakit ba sa katawan mo sabihin mo kay mama" sabi ng ina ni Thrisha na kakarating lang kasama ang kanyang asawa na pagod na pagod kakatakbo "Ayos lang po ako ma, pa, wag kayong mag alala iniligtas po ako ng isang napadaan na gangster at Braxin po ang pangalan niya" "Gangster? Anak ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ng tatay ni Thrisha "Basta ang gwapo nya po, pa" ngiting sabi ni Thrisha "Nasaan na ang nagligtas sayo anak ng mapasalamatan natin ng maayos" sabi ng ama ni Thrisha "Wag nyo na pong gawin yun pa, umuwi nalang po tayo ng maikwento ko po sa inyo ng maayos" sabi ni Thrisha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD