"Nailigtas mo ba ang babae?" Tanong ni Kliere kay Braxin
"Sabi niya sayo maraming salamat daw" sabi ni Braxin
"Halata namang ikaw yung pinasalamatan eh ayaw mo pang tanggapin sus" sabi ni Kliere
"Paano ngayon yan? Malalaman ito ng Hari at marami na namang inosente ang mawawalan ng buhay bukas" sagbat ni Ken
"Oo nga, ano na gagawin natin ngayon Braxin?" Tanong ni Kliere
"Nasa plano ang lahat" sabi ni Braxin
"Ano nga ang plano?" Tanong ni Kliere
"Simply lang" sabi ni Braxin
"Puro ka naman simply pero hindi mo naman sinasabi kung ano talaga ang yung plano natin"
"Ken tatanungin muna kita? Mga ilang bantay ang kaya mo?" Tanong ni Braxin
"Mga 40 siguro or depende hanggang sa mapagod ako"
"Ilan lahat ang bantay ng kaharian?" Tanong ni Braxin
"Mga nasa limampu"
"Yung mga kawal ng hari?" Tanong ni Braxin
"Mga nasa tatlong daan siguro"
"Yung gang?" Tanong ni Braxin
"May isang gang na naka back up sa kaharian binubuo ito ng mga tatlumpo dala na ang mga bandido na kasapi nila na nasa tabing dagat naka pwesto" sagot ni Ken
"Sa palagay mo, ilan sa kanila ang may pantay na lakas sayo?" Tanong ni Braxin
Dalawa siguro ang may kapantay sakin ng lakas tas mas malakas sakin yung kanilang pinuno tas yung iba parang mga bantay lang"
"Sa palagay mo anong oras sila pupunta dito para paslangin ang mga inosenteng mamamayan kapalit ng mga bantay na napaslang ko kanina?"
"Basta maaga, pagkatapos siguro nilang mag agahan"
"Magaling, magpahinga na tayo ng maaga dahil mamayang madaling araw lalakad tayo at dapat makarating tayo dun sa insaktong pagsikat ng araw" sabi ni Braxin
"Maliwanag" sabi ng dalawa
Pagakalipas ng ilang oras ay madaling araw na nga, lumakad na silang tatlo papunta sa kaharian, walang ka tao tao sa paligid, tulog pa lahat ng mga tao, tumatahol ang mga aso na kanilang nadadaanan at pagkasikat ng araw ay nakikita na nila ang nakapalibot na malalaking pader pero hindi nila nakikita ang Kaharian.
"Ken, asan ba ang Kaharian dito? Wag mo sabihin na nasa loob ng mga pader na yan ang Kaharian?"
"Nasa loob ang Kaharian, sabi nila na magkaparehas daw ng pwesto ang Kaharian ng Ngagishta at Kaharian ng Sawat, nasa gitna daw ito ng isang napakalaking crater kaya hindi natin makikita mula dito sa labas ang Kaharian" paliwanag ni Ken
"Kung ganun, hintayin nalang natin na buksan nila ang gate ng makapasok na tayo" sabi ni Braxin
"Okey hintayin lang natin na may lumabas" sabi ni Ken
Habang sa loob ng kaharian ay maagang gumising itong si Prinsipi Silventhis dahil excited na siya sa kasal nila ni Princess Kliere
"Ano kaya ang magandang regalo para sa aking mapapangasawa?" sabi ng Prinsipi habang hindi mapakali
"Magandang umaga po mahal na Prinsipi" pagbati ng mga alagad ng palasyo
"Magandang umaga din sa inyong lahat, pwede bang marinig ko mula sa inyo kung ano ang magandang regalo para sa aking mapapangasawa?" Tanong niya sa mga katulong ng palasyo
"Paumanhin po mahal na Prinsipi pero para sa akin ikaw po ang pinakamagandang regalo para sa inyong mapapangasawa" sabi ng isang katulong na babae
"Wala kang dapat ipag paumanhin, alam kung ang sinasabi mo ay pawang katotohanan lamang at dahil dyan makakatanggap ka ng mas malaking sahod mula sa akin"
"Maraming salamat po mahal na Prinsipi"
"Ano pa ang ibang magandang i regalo maliban sa sarili ko?" Tanong ulit ng Prinsipi
"Mamahaling pabango po mahal na Prinsipi, kami kasing mga babae mahilig kasi kami sa mabango" sabi ng isa
"Magandang suggestion, at dahil dyan makakatanggap ka rin ng malaking sahod mula sa akin"
"Maraming salamat po mahal na Prinsipi"
"Ano pa?" Tanong ulit ng Prinsipi
At biglang dumating ang Hari
"Oh anak ko, bat ang aga mo atang gumising?" Tanong ng hari sa Prinsipi
"Magandang umaga po mahal kong ama, napag isip ko po kase kung ano ang magandang regalo kaya nagtanong ako sa mga katulong natin"
"Ha ha, hindi mo na kailangang magdala pa ng kahit na anumang regalo mahal kong anak, dahil simula bukas sa mismong kaarawan at kasal ninyo ng Prinsesa ng Sawat ay mapapasaatin na ang lahat ng meron sila kaya wag kana mag sayang ng oras"
"Pero ama, siya po ang aking magiging asawa"
"Hindi na importante yan anak, wala ding ipinagkaiba sa katulong ang iyong asawa pag tayo na ang nagpapatakbo ng kanilang kaharian, mas lalakas pa ang ating kapangyarihan at salamat sa tulong nila"
"Tama ka nga aking mahal na ama"
"Ha ha, matagal ko na itong pinagplanohan mahal kong anak, at heto na ang ika labing tatlong taon na aking paghihintay ha ha ha ha" malademonyong tawa ng hari
"Labing tatlong taon?" Tanong ng Prinsipi
"Oo mahal kung anak, nuong araw kasi, nainlab ang tatay mo sa reyna ng Kahariang Sawat pero di ko inakalang may mahal na siyang iba kaya hindi niya tinganggap ang aking pagmamahal"
"Pero ngayon, makikita niya kung tama bang hindi ako ang pinili niya hahaha"
"Congrats mahal kong ama, sa inyong matagumpay na plano at paghihigante" sabi ng Prinsipi
"Maraming salamat mahal kong anak, ikaw ang aking susi ng paghihigante"
"Opo, mahal kong ama"
"Hahahaha" tawa ng hari
"Humanda ka Fiere, tingnan mo ang anak mo na maging isang kawawang alipin ng aming pamilya"