Chapter 14

810 Words
Lumipas ang ilang saglit ay may lumabas na mga kawal sa gate ng mga naglalakehang pader "Ayon na may lumabas na nga" "Ako ang mauuna para maagaw ko ang atinsyon ng pinaka malakas sa kanila" sabi ni Braxin Tumakbo na si Braxin papunta sa gate na sumusugod "Sumunod kayo pagkatapos ng mga limang minuto simula pagkapasok ko ng gate" dagdag pa ni Braxin Ilang saglit "May paparating, mukhang kalaban" sabi ng guard ng gate "Wag kang mabahala, nag iisa lang yan, sa palagay mo ba makakapalag yan samin? Kahit yung pinaka mahina nga satin eh kayang kaya yan" sabi ng isang kawal na bulag ang kanang mata "Tingnan nyo nga hitsura, halatang mahina, baliw ata yan, ni wala ngang kadala dalang sandata" dagdag pa ng kawal na bulag ang kanang mata "Papalapit na sya ng papalapit" sabi ng guard ng gate "Sus, hayaan mong ipakita ang lakas ng isang kawal" sabi ng mayabang na kawal na bulag ang kanang mata "Huy ikaw, ituro mo nga sa baliw na yan kung saan ang lugar na nararapat para sa kanya" dagdag pa ng mayabang na kawal habang inoutusan ang isa pang kawal "Masusunod" sabi ng kawal na napag utusan Sinalubong ng kawal si Braxin pero sinipa lang ito ni Braxin at patuloy parin sa pagtakbo papuntang gate "Ayos lang ba talaga na sundin natin ang plano ni Braxin?" Tanong ni Ken kay Kliere "Wag kang mag alala, planado nyang lahat" sagot ni Kliere Sa kabilang banda "Wag nyong hahayaang makalapit ang baliw na yan dito sa gate, pigilan sya" sigaw ng mayabang na kawal kanina "Akala ko ba ipapakita nyo ang lakas ng isang kawal? Bat ngayon buong pwersa kayong susugod?" Tanong ng guard sa sarili niya "At isa pa tingnan mo nga yang sarili mo, may plano kapa talagang magyabang eh bulag na nga yang isa mong mata, ginagawa mo lang katatawanan sarili mo, feeling na mataas kana samin dahil lumakas ka lang ng kunti?" Dagdag pa ng guard "Hanggang diyan kana lang" sabi ng kawal nagyabang kanina na bulag ang kanang mata Tumilapon ang mga kawal pati ang kanilang sandata dahil sa hindi nila kayang pigilan ang rumaragasang si Braxin, sipa at suntok lang naman ang ginamit nito pero agad na natalo ang sinasabing lakas ng isang kawal. "Mga bantay ano pa tinitingnan nyo dyan? Tulungan nyo kami ditong pigilan tong baliw na to" sigaw ng kawal na mayabang "Masusunod" sigaw ng mga bantay Napaatras muna ang mayabang na kawal habang humahanap ng tsimpo upang atakehin ng pa sekreto itong si Braxin pero hindi siya makahanap ng tsimpo kasi parang nagwawalang aso itong si Braxin sipa dito sipa dun ang kanyang ginagawa. Sumugod na rin ang mga bantay at ganun din ang nangyari, wala paring kalaban laban kaya tumakbo nalang pabalik ng gate ang mayabang na kawal "Bantayan nyo ng maigi ang gate wag nyong hayaang makapasok ang baliw na yan, tatawag lang ako ng back up" sabi ng mayabang na kawal "Asan na yung lakas ng isang kawal?" Tanong ng guard ng gate sa kanyang sarili Hindi nagtagal ay bumagsak din lahat ng kalaban at sumugod na sa gate itong si Braxin "Hanggang dito ka nalang" sabi ng dalawang guard ng gate Pero pinatumba din ito agad ni Braxin ng walang kahirap hirap at pumasok na nga itong si Braxin sa gate Namangha si Braxin sa kanyang nakikita dahil sa loob pala ng nakapalibot na malalaking pader ay may isang napakagandang kaharian, pero nasa babang bahagi ito ng crater, may daan papunta sa kaharian pero kumaliwa itong si Braxin at hindi siya dumaan sa tamang daan at tumalon ng malakas at nakarating na sa ibaba, nagtaka siya kung bakit walang mga gwardya og mga kawal ang nakaharang sa kanya kaya mapayapa siyang naglibot sa labas ng kaharian. Limang minuto ang lumipas mula nung makapasok si Braxin sa gate "Ken tara na" sabi ni Kliere "Arat" tumakbo ang dalawa papuntang gate Pagkarating nila sa gate ay agad silang pumasok at nakita nila ang daan papuntang kaharian at pagkatingin nila sa ibaba ay paparating na nag grupo ng napakaraming kawal "Nasa loob na siguro si Braxin at nakikipaglaban na sa pinakamalakas" sabi ni Ken "Oo nga, kailangan nalang nating linisin ang mga tinira niyang mahihina para sa atin" sabi ni Kliere "Palagay ko binugbog niya na tong mga to at nakabangon lang muli pagkatapos ng limang minuto" sabi ni Ken "Teka bat parang may mali" sabi ni Kliere "Ha?" "Tingnan mo, bat wala silang pinsala na natamo at halatang hindi sila nabugbog" sabi ni Kliere "Oo nga no" Nagkatinginan sina Kliere at Ken na nasa itaas at ang mga kawal na nasa baba "Teka bat sabi ng nag report satin kanina isang baliw lang na lalake ang kalaban?" Tanong ng isang kawal "Oo nga, bat parang dalawa ata nakikita ko at may kasama pang isang babae" sabi pa ng isang kawal
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD