"Kliere" sabi ni Ken
"Oh, bakit?"
"Kaya mo ba talagang makipaglaban?" Tanong ni Ken
"Minamaliit mo ba ako dahil isa akong babae?"
"Hindi naman sa ganun pero.." hindi natapos sabihin ni Ken kasi biglang sumugod si Kliere
"Tss, may nag iisip na naman na mahina ako" sabi ni Kliere habang sya ay sumusugod sa kalaban
Napatayo at namangha nalang si Ken sa ipinakitang bilis at lakas nitong si Kliere
"Wind recharge"
"Wind buff"
"Wind blade: s***h"
"s***h"
"s***h"
"s***h"
Isa isang bumabagsak ang mga kawal
"Wag kayo matakot, sugod lang, isa lang yang babae" sabi ng pinuno ng mga kawal
"Pero kahit sabihin mong isa lang yang babae, halata namang wala tayong laban" sabi ng isa ang kawal
"Wag nyo hayaan talunin kayo ng isang babae, wag nyong hayaang matalo ang ating ipinaglalaban" sabi ng pinuno ng mga kawal
"Ano nga ulit yung ipinaglalaban namin?" Tanong ng isang kawal sa kanyang sarili
"Hyaaa" sabay sipa at pinalilipad ni Kliere ang iba pang mga kawal na lumalapit sa kanya
"Palibotan niyo sya ano bang pinag gagawa nyo mga wala kwenta" sabi ng pinuno ng mga kawal
At pinalibutan nga nila si Kliere habang nanunuod lang sa taas itong si Ken
"Hahaha, hanggang diyan ka nalang babae" sabi ng pinuno ng kawal
Napatingin si Kliere sa kanyang paligid at napatayo nalang sya dahil sya ay napapalibutan na ng napakaraming kawal
"Alam mo babae, sumuko ka nalang, baka magustohan ka pa ng aming mahal na Prinsiping Arinthis" sabi ng pinuno ng mga kawal
"Ha? Ano naman pake ko kung magustohan niya ako o hindi? At sinong may pake sa basura niyong Prinsipi?" Sagot ni Kliere
"Alam mo pinagbibigyan lang naman kita dahil sa maganda, pero ang pag iinsulto sa mahal na Prinsipi ay isang krimen at hahatulan ka kaagad ng kamatayan" sabi ng pinuno ng mga kawal
"Ano naman kung iniinsulto ko ang inyong mahal na Prinsipi? Sa totoo lang magkakaparehas lang siguro kayo na mga pangit ang pagmumukha kaya kayo nakasuot ng helmet" sabi ni Kliere
Lalong nagalit ang pinuno ng mga kawal
"Nasaan nga pala ang ipinaglalaban nyong mahal na Prinsipi? Bat ayaw nyong palabasin? Takot ba syang ipakita ang napaka panget niyang pagmumukha?" Dagdag pa ni Kliere
"Mga kawal inuutosan ko kayong paslangin ang babaeng yan ng hindi na yan makapagsalita" galit na sabi ng pinuno ng mga kawal
Sinugod si Kliere ng mga nakapalibot na kawal sa kanya
"Katapusan mo na" sabi ng pinuno ng mga kawal
"Kliere" sigaw ni Ken sa itaas
"Tsss" sabi ni Kliere
Tumalon ng malakas si Kliere at ginamit ang kanyang s***h skill upang patumbahin lahat ng kalaban na nakapalibot sa kanya
Nakatakbo ang pinuno ng mga kawal para tumawag ng reinforcement
Sa kabilang banda
Naglalakad lang ng mapayapa itong si Braxin
"Bat kasi hindi muna kami nag agahan" sabi ni Braxin
"Nagugutom na tuloy ako" dagdag pa nya
Habang nakita niyang naglalakad ang isang kawal na bulag ang kanang mata "Manong kawal kumusta" bati ni Braxin sa isang kawal at saka siya napansin ng kawal
"Naku, bat andito tong baliw na to? Paano to nakapasok dito?" Tanong ng kawal sa kanyang sarili at dahan dahang umaatras
"Ah eh.. hello maayos lang naman ako" aabi ng kawal kay Braxin at agad itong tumakbo pero naabot din siya ni Braxin
"Teka teka teka may naaamoy akong masarap" sabi ni Braxin sa kawal habang hawak niya ang abaga ng kawal
Tahimik lang ang kawal dahil sa takot ito kay Braxin
"Masarap?" Tanong ng kawal sa kanyang sarili "patay na talaga ako, mukhang nasasarapan talaga ata tong baliw natong mangbugbug ng tao" dagdag pa niya "tulong mga namayapang kawal"
"Magtatanong lang naman ako eh kung saan nangagaling yung masarap na amoy dito, bat ka tatakbo?" Tanong ni Braxin sa takot na kawal
"Alam mo bang masamang tumalikod pag may humihingi sayo ng tulong?" Dagdag pa ni Braxin
"Tulong mo mukha mo" sabi ng kawal sa kanyang sarili "at sinong humihingi ng tulong? Katapusan ko na talaga to huhu" dagdag pa nya
"Bingi ka ba?" Tanong ni Braxin
"Hindi po hindi po" rattle na sabi ng kawal
"Kung ganun saan nangagaling ang masarap na amoy?" Galit na tanong ni Braxin
At sinamahan ng kawal si Braxin kung saan nangagaling ang amoy ng pagkain
"Dito po sir" sabi ng kawal
"Maraming salamat sa paghatid sakin dito, akala ko talaga masasama lahat ng mga kawal hindi pala" sabi ni Braxin
"Aba tingnan mo nga naman yung nagsasabi ng hindi masama" sabi ng kawal sa kanyang sarili
"Kumain lang po kayo ng kumain sir" magalang na sabi ng kawal
"Paano ako kakain eh wala kapang sini serve na pagkain para sakin" sabi ni Braxin na nakaupo at handang handa ng kumain
"Ay opo sir pasensya napo kayo" at kumuha ng maraming pagkain ang kawal at ibinigay ito sa nagugutom na kalaban
"Ah sir"
"Oh bakit?" Sagot ni Braxin habang kumakain
"Hindi po ba kayo natatakot na baka nilagyan ko ng lason ang pagkain?"
"Bat naman ako matatakot? Diba magkaibigan naman tayo?"
"Kailan ba kasi tayo naging magkaibigan?" takang tanong ng kawal sa kanyang sarili
"At tsaka kumakain din ako ng lason kaya wag kanang mabahala pa aking kaibigan" sabi ni Braxin na kumakain at halatang nasarapan siya sa pagkain
"Anong klaseng baliw ba tong nakaharap ko?" Tanong ng kawal sa kanyang sarili "at sinabi nya pang kami ay magkaibigan" dagdag pa niya
Byron Ngmundo - 29 years old, isang kawal, marami siyang kaibigan ngunit walang ni isa sa mga ito ang rumerespeto sa kanya sapagkat tinuring lang siyang isang kagamitan para sa kanyang mga kaibigan.
Anim na taon na ang lumipas wala pang kahariang nakatayo normal lang na lupain itong Ngagishta nuon. At sa mga panaghong ito mayroong babae na natipohan itong si Byron ang pangalan ng babae ay Janeth. Kanya itong nakababatang kaibigan, sobrang close ng dalawa kaya para narin silang totoong magkasintahan. Walang ibang kaibigan itong si Byron maliban kay Janeth, marami talagang nagkakagusto nitong si Janeth dahil sa taglay nitong kagandahan. Pero dahil nga sa dami ng nagkakagusto sa kanyang mga lalake ay marami ding galit kay Byron dahil matalik silang magkaibigan ni Janeth.
Isang araw
"Byron kumusta?" isang random na lalake
Hindi ito pinansin ni Byron dahil hindi naman niya alam kung paano makipag usap ng maayos sa iba
"Byron ano kaba naman, matagal na kitang gustong magkaibigan" sabi ng lalake at lumalapit ito kay Byron
"Pasensya na pero mayroon na kasi akong kaibigan" sagot ni Byron
"Ano kaba naman, pwede ka naman magkaroon ng mas marami pang kaibigan"
Tumahimik nalang itong si Byron
"Simula ngayon magkaibigan na rin tayo Byron" sabi ng lalake "Rico nga pala"
Pagkalipas ng mga ilang buwan ay naging magkaibigan na nga itong si Rico at Byron at nagkaroon pa siya ng maraming kaibigan
"Byron ayaw mo na ba ako maging kaibigan?" Tanong ni Janeth
"Ha? Bat mo naman nasabi yan? Alam mo namang itinuring kita bilang aking tunay na matalik na kaibigan"
"Iba na kasi kinakasama mo eh, parang unti unting kanang lumalayo sakin" sabi ni Janeth "palagay ko nga parang iniiwasan mo na ako" dagdag pa niya
"Pasensya kana Janeth kung yan ang iyong nadama pero asahan mo, ikaw parin ang nag iisa at pinaka kyut kung kaibigan"
"Pero gusto ko kasi ako lang yung palagi mong kasama" sabi ni Janeth
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo, nakakapikon ka ng talaga" sabi ni Janeth
"Hindi nga kita maintin..." Hindi naituloy ni Byron ang kanyang sasabihin dahil niyakap siya ni Janeth
"Nagseselos ako" sabay yakap kay Byron
Nalilito itong so Byron, bumilis bigla ang pitik ng kanyang puso, humihina ang kanyang immune system, mukhang na energy gap "Ha? Ah eh ah eh ha?"
Yumakap ng mahigpit si Janeth at nagsabing "Kasi mahal kita" at ipinikit ang kanyang mata dahil matagal na niya itong gustong sabihin pero ngayon lang sya nagkaroon ng lakas ng loob
Ng mga araw ngang iyon ay naging sila na
Isang araw pumunta sa tambayan ng kanyang mga kaibigan itong si Byron upang ibahagi ang magandang nangyari sa kanyang buhay pero narinig niya itong nag ususap kaya gusto niya silang surprisahin
"Alam nyo mga pare, kailangan na nating kumilos" sabi ng isa niyang kaibigan
"Oo nga eh, mag iisang taon na tapos hindi pa tayo nakakalapit kay Janeth" sabi ng isa
"Alam nyo sa palagay ko kailangan na talaga nating iligpit itong si Byron" sabi pa ng isa
"Kaya nga, hindi naman sumasama si Janeth pag sumasama satin si Byron eh, para bang sinasadya nyang solohin ang grasya"
"Tama, kaya ngayon wala ng silbi satin itong si Byron, iligpit na natin ng maaga ng wala ng sagabal"
Nagulat si Byron sa kanyang narinig dahil ang kanyang mga itinuring na matalik na kaibigan ay gusto din pala siyang patayin
"Oh Byron anong ginagawa mo dyan?" Tanong ng isa pa nilang kaibigan na kakarating din lang
Narinig ito ng iba kaya hinuli nila si Byron at binugbog nila ng binugbog itong si Byron hanggang sa nabulag ang kanyang kanang mata at nawalan ito ng malay may biglang dumaan na mga tao kaya agad na nagsitakbuhan ang mga nangbugbog sa kanya at nakita ng mga taong dumaan itong si Byron kaya agad nila itong tinulungan at dinala sa pagamotan upang ipagamot. Ilang sandali ay may bumagsak na sinasabing isa dawng bulalakaw sa tinakbukhan ng kanyang mga pekeng kaibigan. Pero hindi talaga sigurado kung ano talaga ang bumagsak sa lugar na iyon at nakabuo ito ng isang napakalaking crater.
Pagkalipas ng isang araw ay alalang alala itong si Janeth habang naghihintay sa gate ng bahay nina Byron at isa pa magkapitbahay lang din naman sila kaya alam niyang umalis ito kanina at hindi pa ito bumabalik.
Umuga na ng makauwi itong si Byron at nakita niya sa gate ng kanilang bahay na nakaupo at nakayuko itong si Janeth dahil pati pala sa gabi ay naghintay talaga itong si Janeth sa pag uwi ng kanyang minamahal
Hinawakan ni Byron ang kamay ni Janeth "andito nako"
Pagkarinig ni Janeth sa boses ni Byron ay agad itong tumayo at niyakap si Byron
"Ah ah aray" sabi ni Byron dahil madami syang pasa sa katawan
"Alam mo nakakainis kanang talaga" sabi ni Janeth habang itoy umiiyak
"Nag alala ako sayo buong araw buong gabie tapos ngayon kalang uuwi? Tas makikita ko pang ganyang hitsura mo?" Dagdag pa nito
"Hindi mo ba talaga iniisip ang nararamdaman ko?"
"Alam mo bang sobra ang takot ko dahil may bulalakaw daw na bumagsak kahapon ng tanghali at dama ko dito ang pagyanig ng lupa at ingay na galing sa isang napakalas na pagsabog?" Dagdag pa nito at iyak parin ng iyak
"Alam mo, gusto ko sanang puntahan ang nasabing pagsabog tas alam mo ba kung ano ang naisip ko ha?"
"Inisip ko na baka tinamaan ka ng bulalakaw at alam mo naman na hindi ko kaya na mawala ka"
"Kaya alam mo ba kung anong ginawa ko?"
"Umiiyak ako dito sa buong malamig na gabi"
"Sinasabi ko sa sarili ko na napakadamot mong tao"
"Napakadamot mo kasi hindi mo binigay sa akin yung sayang gusto ko"
"Andami kong inisip, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin"
"Pero alam mo? Nag hintay parin ako dito, nagbabakasali na sana maka umuwi ka ng ligtas"
"Na sana masabi ko sayong muli na sobrang mahal kita kahit ganyan ka"
"Tapos ngayon bumalik ka?"
"Ano? Ha?" Umiiyak pa din ng umiiyak itong si Janeth
"Tahan na, mahal ko, hindi ko na uulitin, promise" sabi ni Byron
Umiiyak pa din si Janeth "yan lang ba sasabihin mo sakin?
Gusto sanang yakapin ng mahigpit ni Byron si Janeth pero masakit pa rin pala katawan nya hahaha
"Ano ba kasi gusto mong gawin ko para tumigil kana kakaiyak"
"Hayaan moko, total wala kanaman talagang paki sakin eh"
"Yan kana naman, umaarte ka na naman na parang bata"
At mula nuon ay palagi na silang magkasama