Hindi nagtagal ay natapos na ring kumain itong si Braxin at sya ay busog na busog na
"Salamat nga pala sa masarap na pagkain kapatid" sabi ni Braxin sa kawal
"Kakakakapatid?"
"Oo kapataid, binigyan mo ako ng pagkain kahit ngayon lang tayo nagkakilala, ano ba ibang ibig sabihin nun?" Takang tanong ni Braxin
"Ha ha, Oo nga kapatid"
"Sya nga pala kapatid, alam mo na siguro ang pasikot sikot dito sa palasyo? Maari bang ituro mo sakin ang daan upang akoy makapasok sa palasyo?"
"Pasensya na kapatid, gusto sana kitang tulungan pero isa kasi akong tapat na kawal ng Kahariang ito kaya hindi ko kayang tuparin ang iyong hinihiling"
"Ah ganun ba kapatid? Sige maraming salamat nalang" sabi ni Braxin
"Sya nga pala kapatid? Bat mo gustong pumasok sa loob ng Kaharian?" Tanong ng Kawal
"Ay yun ba? Ganto kasi yun, kahapon kasi habang kami ay napadpad sa lupaing ito ay may isang mabait na mama at binigyan kami ng pagkain" sabi ni Braxin
"Tapos?" Tanong ng kawal
"Naawa kami sa matanda kasi sabi niya dinakip daw ng mga bantay ang kanyang anak at pinatay ang kanyang asawa ng mga bantay"
"Kaya andito kami ngayon upang humingi ng hustisya, ay hindi gusto pala naming pabagsakin ang walang kwentang kaharian na to" dagdag pa ni Braxin
"Kami? Diba mag isa kalang?" Tanong ng kawal
"Mali ka" sabi ni Braxin
"Andito ang buong gang ko ngayon" sabi ni Braxin
"At ako ang kanilang pinuno" dagdag pa niya
"At kami ang tinatawag na Silent Gang"
"Andito pala lahat ng mga kasama mo? Kung ganun bakit ikaw lang mag isa ang nakita kung sumusugod kanina" tanong ng kawal
"Malalaman mo rin maya maya" sabi ni Braxin
At limang segundo ang lumipas tumatakbo ang pinuno ng kawal papunta sa kung saan naroroon sina Braxin at ang kalahating mata na kawal
"Pinuno bat ka po tumatakbo ng mabilis?" Tanong ng kawal
Huminto ang kawal dahil sa pagod na itong tumakbo kaya nagpahinga muna sya ng kunti
"Hah hah hah, ikaw? Bat andito ka?" Sabi ng pinuno ng kawal
"At sino naman tong kasama mo?" Dagdag nya pang tanong
"Bilis humingi ka ng tulong sa Liver Gang" sabi pa nya
"Sabihin mo, may nakapasok na mga kalaban at hindi na namin sila kaya pang pigilan" dagdag pa nya
"Kailangan natin silang mapigilan bago pa ito malaman ng mahal na hari" dagdag pa ng pinuno ng kawal
"Magpahinga kana muna dito tatawagin ko lang ang Liver Gang" sabi ni Byron the kawal
Tumakbo itong si Byron para humihingi ng ng tulong sa sinasabing Liver Gang
"Kapatid bat ka nga pala sumusunod sa akin?" Tanong ni Byron kay Braxin habang sila ay tumatakbo
"Hindi ko kasi alam ang pasikot sikot dito eh kaya susunod nalang ako kung saan ka pupunta" sabi ni Braxin
"Total tatawagin mo rin naman yung mga kalaban"
"Mas madali ko na ring matatapos ang aking plano" dagdag pa ni Braxin
"Pasensya kana kapatid pero kailangan na nating maghiwalay dito" sabi ni Byron
"Ha?bakit naman?"
"Baka kasi sabihin nila na kasabwat ako ng kalaban" sabi ni Byron
"Ano naman problema dun? Total magkapatid na naman turing natin sa isa't isa at tsaka ang sama ng hari dito" sabi ni Braxin
"Hindi ko rin naman gusto ang pamamalakad ng hari eh kaso wala akong magagawa" sabi ni Byron
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Nagtatrabaho kasi dito sa kaharian ang aking kasintahan" sabi ni Byron
"Ayaw kong syay mapahamak lalo na at sobrang mahalaga sya para sa akin"" dagdag pa nya
"Naiintindahan kita kapatid" at huminto si Braxin
Patuloy parin sa pagtakbo itong si Byron
"Sana maging masaya kayo ng iyong minamahal, aking kapatid" sabi ni Braxin sa kanyang sarili
Pagkalipas ng ilang minuto ay may paparating na isang grupo ng mga tao at hindi ito mga kawal o bantay
Naghintay lang din naman itong si Braxin sa daan kung saan sya iniwan ni Byron
"Kayo ba ang tinatawag na Liver Gang?" Tanong ni Braxin sa grupo
Liver Gang - binubuo ito ng tatlumpot tatlong myembro habang labing lima nalang dahil namatay na ang iba nilang mga kasamahan sa kamay ng Silent Gang, ang kanilang leader ay tinatawag na Barako (P15,000) sapagkat nagtataglay sya ng hindi ordinaryong lakas habang pumapangalawa naman ay si Amartha (P7,000) at pumapangatlo itong si Jhuns (5,000) at naging wanted ang mga ito dahil marami na silang krimen na nagawa kagaya nalang ng pagpatay.
"Oo, kami nga? Bakit may problema ka bata?" Sabi ng kanilang leader
"Wala naman kaso meron eh" sabi ni Braxin
"Huh? Isa kaba sa mga nakapasok dito sa palasyo para makatikim ng sakit ng katawan?" Sabi ni Barako
"Amartha, Jhuns, mauna na kayo sakin at ako ng bahala sa batang ito at isama mo rin ang lahat ng ating mga kasamahan upang turuan ng leksyon ang mga batang ito" sabi ni Barako
"Yes Boss"
Dinaanan lang nila itong si Braxin
"Subukan mong tumagal ng mga ilang minuto bata" sabi ng isa nilang kasamahan
"Hahahaha" tawa pa ng iba nilang kasamahan
"Huy kayo" sabi ni Braxin
"Mag ingat kayo" dagdag pa ni Braxin
"Napaka maalalahanin mo naman bata pero wag kang mag alala babalian lang namin ng buto ang mga kasama mo" sabi ni Jhuns
"Hahahaha" tawa ng iba nilang mga kasama
"Hindi" sabi ni Braxin
"Mali naman yung pagkakaintindi nyo sakin eh, ang ibig kung sabihin kayo ang mag ingat" dagdag pa ni Braxin
"Ha?" Sabi Amartha
"Ang sabi ko ingatan nyo sarili nyo habang buhay pa kayo dahil di natin alam baka pagkalipas ng ilang minuto nasa hukay na kayo" sabi pa ni Braxin
"Anong sabi mo?" galit na tanong ni Amartha
"Kalma kalang" sabi ni Jhuns kay Amartha
"Hayaan nyoko babalian ko lang ng dila tong batang to" galit na sabi ni Amartha
"Amartha" galit na sabi ni Barako
"Yes Boss" at tumalikod nalang itong si Amartha na galit na galit
At nagpatuloy nalang sila sa paglalakad