Chapter 17

772 Words
Natapos na ding makipaglaban itong si Kliere sa mga kawal at naubos na niyang lahat ang mga ito "Ang lakas mo pala" sabi Ken at bumaba ito "Wag mo kasing minamaliit ang kakayahan naming mga babae" sabi ni Kliere "Pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat, kailangan nating makapasok ng palasyo upang mailigtas ang mga nadakip na mga babae" dagdag pa ni Kliere "Siguro kailangan lang nating sundan tong daan na to" sabi ni Ken Napatingin si Ken sa sombrero ni Kliere na suot niya sa kanyang likoran At nagpatuloy parin sila sa paglalakad "Kliere, diba sabi mo bigay ng kaibigan mo yang sombrero mo?" Tanong ni Ken "Ah oo, bakit?" "Kase ano eh" nang may biglang dumating na mga kalaban "Tingnan mo nga naman kung sinong nandirito" sabi ni Amartha Napatingin sina Kliere at Ken sa mga kalaban Galit na galit ang mukha ni Ken ng mga niya ang mga ito "Huy bata, diba ikaw yung binugbog namin nuong nakaraan?" Tanong ni Jhuns "Sya ba talaga yun Jhuns?" Tanong ni Amartha "Magkakilala kayo?" Tanong ni Kliere kay Ken Tahimik lang itong si Ken na nakatingin sa ilalim "Aba, hinding hindi ako nagkakamali, hindi ko akalainh buhay pa pala tong batang to" sabi ni Jhuns "Ano nga ulit pangalan mo bata?" Tanong pa nito Tahimik lang si Ken at parang galit na galit "Nakalimutan mo na ba pangalan mo dahil nasira nadin utak mo ng bugbugin ka namin ha?" Sabi pa ni Jhuns "Ah naalala ko na" sabi ni Amartha "Ikaw pala yung dahilan kaya nagkagulo ang utak ng Prinsipi" dagdag pa nya "Diba patay ka na?" Sabi pa ni Jhuns "Ken ano bang pinagsasabi nila?" Tanong ni Kliere kay Ken "At ikaw naman babae, sinamahan mo ba yang lalakeng yan dito para makapaghigante" tanong ni Amartha "Sino ba kayo ha?" Tanong ni Kliere "Kami lang naman ang nag iisang gang dito sa Kahariang to" sabi ni Jhuns "Kami ang Liver Gang" dagdag pa nito "Liver Gang?" Tanong ni Kliere "Oh bakit? Ngayon takot kana? Pero huli na ang lahat dahil dito mismo sa lupang ito kayo malilibing ng buhay" sabi no Jhuns "Takot? Ano? Tama bang pagkakarinig ko? Ako matatakot sa mga panget na katulad nyo?" "Kliere" sabi ni Ken "Oh bakit?" "Wag mo ng sayangin ang laway mo sa mga basurang yan" dagdag pa ni Ken "Sinong panget?" Galit na Tanong ni Amartha "Sinong basura?" Galit na Tanong ni Jhuns "Sugurin sila" sigaw ni Amartha sa kanyang mga kasama "Magsabay kayong lahat parehas naman kayong mahihina" sigaw ni Kliere "Ah ganun ba?" Sabi ni Amartha "Jhuns akin yang babaeng yan sayo yung isa" sabi ni Amartha "Wag mo ng sabihin sakin yan" sabi ni Jhuns "Wind Buff" "Hyaaa" "Ahhhh" Nakipaglaban sina Kliere at Ken sa mga kasama ng dalawang kalaban At hindi nagtagal ay napatumba na nilang lahat ang mga kalaban na mahihina "Diba sabi ko? Magsabay kayong lahat? Bat nakatingin lang kayong dalawa dyan?" Tanong ni Kliere Biglang nawala itong si Ken at bigla niyang sinuntok si Jhuns sa dibdib at napaatras si Jhuns "Inaamin ko, may taglay kang bilis pero aanhin mo ang bilis kung wala namang lakas" sabi ni Jhuns "Talaga ba?" Tanong ni Ken kay Jhuns "Ha ha, alam mo bata hindi dinadaan sa bilis ang laban, dinadaan yan sa lakas para maipanalo mo ang laban, masyado ka pa talagang ba.." ng biglang sumakit ang kanyang dibdib "Late impact" "Double Damage" Biglang namula ang mga mata ni Jhuns dahil nabasag pala ang mga sa kanyang didbdib at napasuka ito ng dugo "Jhuns!!!!" Sigaw ni Amartha Napaluhod si Jhuns "Mag iingat ka" pilit na sabi ni Jhuns at ito ay natumba "Anong.... Anong ginawa mo kay Jhuns?" Galit na tanong ni Amartha "Jhuns tatanongin din kita" sabi ni Ken "Anong ginawa mo sakin at sa mahal kong si Merra?" "Diba wala din syang maisagot?" "Merra?" Tanong ni Kliere kay Ken "Hayop ka!!!" Sigaw na Amartha habang sumusugod kay Ken "Magbabayad ka" sigaw pa nya "Wind buff" Tumakbo ng mabilis si Kliere at agad niyang hinarangan si Amartha sabay sipa pero nasalo naman ito ni Amartha at agad itong napaatras "Tumabi ka sa dadaanan ko" galit na sigaw ni Amartha kay Kliere "Sabihin mo nga sakin Ken kung yung Merra ba na tinutukoy mo ay may dala dalang sombrero?" Tanong ni Kliere Biglang tumulo ang luha ni Ken "Pasensya ka na Kliere pero hindi ko nagawang protektahan ang iyong mahal na kaibigan" sabi ni Ken habang tunutulo ang kanyang luha "Alam kung kasalanan ko ang lahat at alam kong hindi mo ako mapapatawad" "Dahil alam ko na mismo sa sarili ko ay wala yung kapatawaran" dagdag pa nya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD