Chapter 18

959 Words
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kliere kay Ken "May plano pa talaga kayong mag drama pagkatapos ng ginawa nyo sa aking kasama?" Galit na sabi ni Amartha "Tanggapin mo to" sumugod si Amartha kay Kliere Sinipa niya si Kliere sa ulo pero na block ito ni Kliere gamit ang kanyang isang kamay pagkatapos ay umikot si Kliere ng isang beses sabay sipa ng malakas pero nakailag itong si Amartha. Nagdidilin ang paningin ni Kliere ng marinig nya ang sinabi ni Ken. "Hindi pa ako tapos" sabi ni Amartha at sumugod itong muli "Wind buff" Lumakas at bumilis itong si Kliere Habang sumusugod si Amartha ay biglang nawala itong si Kliere "Special Magic: Wind as one" Napatingin tingin sa paligid si Amartha pero wala pa din syang makitang kahit ni anino ni Kliere Biglang may tumamang isang napakalakas na sipa na nangagaling sa likoran ni Amartha at tinamaan sya sa ulo at tumilapon sya ng malayo Pagkabagsak nya sa lupa ay pinaulanan agad sya ng napakaraming suntok pero hindi makita ang physical na anyo ng suntok, parang sinusuntok sya ng isang bagay na hindi nakikita, walang kalaban laban itong si Amartha at naalala nya ang sabi ni Braxin nung silay unang magkita "mag ingat kayo". Pero huli na ang lahat dahil hindi sya tinantanan ng suntok hanggang sya ay nawalan na ng hininga Unti unting lumalabas ang physical na katawan ni Kliere mula sa hangin at sya ay pagod na pagod na dahil sa paggamit ng Forbidden Magic "Kliere" sigaw ni Ken "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Ken "Sa palagay mo ayos lang ba ako?" Biglang tumulo ang luha sa kanyang mata "Pagkatapos mong sabihin na may nangyaring masama sa kaibigan ko tatanungin mo kung ayos lang ba ako?" Dagdag pa nito habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata "Alam mo, hindi ko alam eh, kung galit ba o lungkot tong nadarama ko" "Ilang taon na rin yun nung huli kaming magkita ng aking kaibigan" "Bago kamo naghiwalay sabi nya sakin na gusto nyang mag travel sa buong mundo kasama ako" "Naniwala ako kasi alam kong kakaiba sya" "Na magagawa nya kung anong gusto nya" "Na balang araw sasabihin nya sakin na, alam mo kaibigan ko ang ganda pala ng mundo, gusto ko samahan moko at ating lakbayin lahat ng lupain, tingnan lahat ng mga magagandang tanawin, kumanta ng magagandang kanta at tumawa kasama ka dahil nagawa mo na yung gusto mong magawa" "Alam mo, sya ang nagbigay ng lakas sakin, binigyan nya ako ng inspiration na balang araw magagawa ko rin yung mga gusto kong gawin" "Alam mo ba kung ano yung mga gusto kung gawin ha?" "Gusto kong gawin yung mga gusto ko at higit sa lahat gusto kong ipadama sa kanya na sya ang naging dahilan kung bakit ko yung nagawa" "Pero..." Umiiyak na Kliere "Bat ka ba umiiyak?" Tanong ni Ken "Sabi mo may nangyari na sa kanya" tanong ni Kliere "Sinabi ko lang naman na may nangyari sa kanya pero di ko sinasabing wala na sya kaya nagtataka ako kung bat ka umiiyak" sabi ni Ken "Walang hiya ka, sabihin mo kasi ng malinaw" sabi ni Kliere "Tingnan mo mukha na akong katatawanan" dagdag pa nya "Ano ba kasi talagang nangyari kay Merra?" Tanong ni Kliere "Buhay pa sya pero nakahiga nalang palagi, kailangan kong hanapin ang gamot na makakapagpagaling sa kanya" "Kung ganun...." "Oo kasalanan ko ang nangyari sa kanya, kaya nga gagawin ko ang lahat upang hanapin ang gamot na makakapagpagaping sa kanya" sabi ni Ken "Pero hindi ako papayag na tingnan nalang na nahihirapan ang taong mahal ko at hayaan nalang na maging masaya ang mga may kagagawan nito sa kanya" dagdag pa nya "Alam kong importante na mahanap ko kaagad ang gamot pero nasa alanganin din ang kanyang buhay kapag hindi nabura ang mga taong yun dito sa mundong to" "Naghahanap lang ako ng tyempo upang pabagsakin ang kahariang to pero nalaman ko na hindi ko pala ito magagawa ng mag isa lang" "Kaya lubos akong nagpapasalamat sa inyong dalawa ng kasama mo at humihingi din ako ng kapatawaran dahil akoy naging isang iresponsabli sa iyong kaibigan na sya ring aking minamahal" "Hinding hindi kita mapapatawad pag hindi mo nahanap ang gamot na makakapagpagaling sa kanya" sabi ni Kliere "Hahanapin ko yun kahit kahit maubos ang aking buhay at kukunin ko yun maging buhay ko man ang kapalit" sabi ni Ken "Kung ganun, saan ba matatagpuan ang gamot na tinutukoy mo? Di ba pwedeng ipagamot nalang sya sa mga doctor dito?" "Sinubukan na naming ipatingin sya sa doctor pero ang sabi nila ay hindi nila ito kayang gamutin sapagkat marami sa kanyang mga ugat ang naputol at mahina na ang kanyang puso" paliwanag ni Ken "Nagtataka nga daw sila kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa itong si Merra" dagdag pa nya "Kung ganun delikado na pala ang lagay nya, dapat magmadali tayo at hanapin ang gamot na makakapag pagaling sa kanya" "Sabi ng iba makikita daw ang mga mysteryusong gamot na nakakapagpagaling ng kahit na anumang karamdaman sa ibang bahagi ng mundo pero yun ay bali balita pamang pero naniniwala akong totoo yun" "Alam kung nakakapanghina ito ng loob at alam kung iniisip mo na baka hindi na kayang maghintay ni Merra ng ilang taon bago ko pa mahanap ang gamot" "Pero, ang karamdaman niya ay dahil sa paggamit nya ng ipinagbabawal na mahika at habang akoy humihinga ay hinding hindi sya mamamatay sapagkat ang aming buhay ay naging konektado na kaya hindi sya maaring mamatay pag akoy buhay pa" "Nahihirapan sya, alam ko yun, gusto kung mamatay nalang ng matapos na ang paghihirap nya pero hindi sya payag na mangyari yun dahil malaki ang tiwalang binigay nya sakin tulad ng tiwalang binigay ko para sa kanya"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD