
St. Charles Borromeo 10. Ano bang meron sa section namin? Nangyayari sa loob ng classroom namin?
Sa totoo lang? Wala naman, gaya ng iba, mga normal na estudyante lang din kami. Nagkakatuwaan, nagkakaasaran, nagkakamabutihan, ulitan, minsan nagkokopyahan, nagkakaroon ng away at bangyan, nagpapataasan ng grado bawat subject pero makikita mo kung paano namin pahalagahan ang bawat isa. Tinuring namin na pamilya ang sinuman sa amin.
Hindi man kami ang nasa pinakamataas na section, nasa isip at puso naman namin na malakas ang pagmamahalan namin sa bawat isa. Walang pwedeng maapi ng iba, walang maiiwan, walang masasaktan ng iba at higit sa lahat, walang trayduran.
Ngunit nagbago ang lahat ng walang awang pinaslang ang isa sa amin.
Hindi sila naawa na kantihin ang buhay ng isa sa parte ng pamilya namin. Ni wala kaming ginagawang masama sa kanila. Hindi namin sila pinapakialaman o pinapatulan man lang kahit api-apihin na nila kami. Pero sa kabila ng lahat, ni hindi sila naawa.
Isa mang buhay ang kinintil nila, hindi na mababago ang desisyong patayin sila isa isa.
And that is when we played the Bottle of Death. Dadanak ang dugo at lahat sila ay mauubos, yan ang naging bago naming motto.

