#BoDChapterOO
“Mary please don’t leave us! Kaya mo yan, please! Wag mong ipikit ang mga mata mo!” sigaw ni Grachell habang patuloy na humahagulgol. Kalong niya ang duguan at wala ng lakas na isang babaeng naliligo sa sarili nito dugo.
“Oh my, God! Mary anong nangyari!?” mangiyak ngiyak na bulalas ni Jelliane nang makita ang kalunos lunos na sinapit ng kaklase at kaibigan narin.
“J-Joyce, call for help! Police, Medic, Ambulance o kung sino man na pwedeng tumulong! Dali!” Agad na sigaw ni Prince na nakasunod kay Jell. Aligaga namang sinunod ni Joyce ang sinabi nito at lumuluha habang tumatakbo.
Nagdatingan na rin ang iba pa nilang kaklase at halos hindi sila makapaniwala sa nakita. Napuno ng hagulgulan at iyakan ang buong silid. Parang binaha ng sari’t saring emosyong ang bawat sulok dahil sa kanilang nararamdaman. Tila nasa isa silang pagluluksa ng kanilang mahal sa buhay.
Ilang sandali pa ay nagkumahog na lumapit si Erish kahit na halos panghinaan ito ng loob dahil sa sinapit ng kaibigan. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang pulsuhan ni Mary kung saan may mga bahid pa ng dugo. Pikit matang pinakiramdaman niya ang papulsuhan nito ngunit ilang sandali pa ay umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Grachell.
“No! Mary, open your fvcking eyes! Please!”
Kasabay ng pagkabitaw ni Erish sa papulsuhan nito ay ang tuluyang pagpikit ng mga mata ni Mary.
“Hell! Tell me na prank lang ‘to!? Parang awa niyo na! Prank lang ‘to di ba!?” Grachell pleaded. Wala namang nagawa ang iba kung hindi ang lumampasay na lamang sa sahig at magdalamhati sa sinapit ng kaibigan. Kaibigan na tinuring nilang pamilya. Minahal at inalagaan tulad ng mga magkakadugo at kapatid.
“Mary, open your eyes please?” pabulong na pakiusap ni Grachell sa taong kalong kahit na napuno na ng dugo ang suot niyang putting uniporme. Her tears streaming down her face as she touch Mary’s face.
Lakas loob na nilapitan naman siya ni Prince para ilayo na sa yumaong kaklase. Lubos na nalulungot man sa nangyari ay alam niya na wala na silang magagawa.
“Magbabayad ang gumawa nito! Papatayin ko ang taong gumawa nito!” Nagulat ang lahat ng galit na galit na sumigaw si Erol at mabilis na lumabas sa silid. Nagkatinginan ang lahat at saka ito sinundan. Alam nila kung gaano kahalaga sa klase si Mary, lalo na para kay Erol. Dahil simula’t sapul, mahal na ng binata ang dalaga, tanging ang pagiging torpe lamang nito ang nangunguna sa kaniyang sistema.
“Erol!” tawag ni Daivy at mangiyak-ngiyak na sinundan ang kaklase.
“They will pay for the consequences of killing one of us. They’ll be cold as a dead meat.” Seryuso at walang buhay na saad ni Grachell.
End of Chapter 00 - Thank You for Reading<3