Chapter 01

2270 Words
#BoDChapter01   “Seryuso ba kayo?” Tanong ni Joyce, ang President ng klase namin. Tulad ko, marahil ay nababahala rin siya sa gagawin namin. Ni hindi pa rin nga ako makapaniwala sa naiisip ni Matt.   “Kung naduduwag ka Joyce, pwede ka ng umalis.” Sambit naman ni Ashlie na nagkibit balikat pa. She rolled her eyes at Joyce. Kaya wala naman ng nagawa pa ang huli at manahimik na lamang.   Napabuntong hininga ako.   Tinignan ko ang bawat isa sa amin. Lahat sila ay baon sa mga napakalalim isipin at mababakas sa kanilang mga mukha na kulang sila sa mga tulog. Marahil ay dinadamdam parin nila ang pagkamatay ni Mary. I can’t blame them, though. Mary is one of a kind and full of humor sa aming lahat. Pero sa kabila ng mga ngiti nito, hindi mo aakalaing may mabigat itong pinagdadaanan.   We protected Mary and treated her as our own sister. Hindi lang dahil siya ang pinakabata sa aming lahat kundi dahil siya ang nagbibigay ngiti sa aming mga labi. Masaya kami dati dahil sa kaniya, ngunit ngayong wala na ang taong nagbigay kulay sa madilim naming buhay, wala na rin kaming pagasang lumigaya pa.   “Found it!”   Bumaling ang atensyon ko sa taong nagmamadaling pumasok sa aming silid hawak ang isang boteng kulay itim. I feel something starting to build inside me. I know, once he put that bottle between all of us, everything will be ruin. Lahat ng mga pinaghirapan namin maaaring mawala sa amin sa isang iglap.                                                                                                                              But we have no choice, kailangan naming gawin ito kung gusto naming makaganti.   “Ano ba kasing gagawin d’yan, Matt?” Abi asked and I saw how her face crumpled as if she were so confused. Nagbaba ako ng tingin sa boteng ngayon ay inilapag na ni Matt sa gitna naming lahat.   Yes, the black bottle is now in our between. At kahit na may ideya na ako kung ano ang gagawin namin, I still want to clarify it. So I asked him.   “Are we gonna play spin the bottle?”   Nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Lahat ng atensyon ng mga kaklase ko. Oo, nasa loob kami ng classroom namin at tapos na ang mga klase. Naguwian narin ang ibang mga estudyante at tanging masasabi ko nalang. Tanging ang klase nalang namin ang naiwan sa buong paaralan. But we don’t care, as long as magawa namin ang kailangang gawin.   “Spin the bottle? Really, Matt?” Monica asked while giving me and Matt a look. I know what she was thinking kaya nagsalita na ako.   “Hindi ko sinabing iyon ang gagawin natin, okay? Nagtatanong lang ako, saka ano pa bang ibang malalaro using that bottle?” Saad ko saka iwas ng tingin. Spin the bottle is my favorite game. I used to play truth or dare when Mary was still alive. And they all know that, lagging yun ang suggestion ko kaya nagsasawa na sila. And not to mention na halos lahat ng sekreto nila ay nabunyag na, and I don’t have any dares to give so Spin-the-bottle is a no-no.   Pero teka, ano nga bang gagawin namin dun sa bote? Maglalaro ba kami?   “Pare, bakit nga uli bote ang kailangan?” marahil ay hindi narin nakatiis pa si Rahizen. Alam kong lahat kami ay naghihintay na masagot ang tanong na iyon kaya halos magdiwang kami ng nagsalita narin sa wakas si Matt.   “Grachell’s right. We’ll gonna play spin-the-bottle but it’s not an ordinary game.”   Napuno ng bulungan ang bawat sulok ng silid. Kanina, hinawi namin lahat ng upuan at inilagay ang mga ito sa bawat gilid. Saka kami ng form ng bilog sa gitna. Just like the usual do’s kapag maglalaro ng spin-the-bottle.   “Nagbibiro ka ba, Matt?” si Terrod naman ang nagtanong, ang worship namin. Alam kung naguguluhan sila at hindi ko maiitangging maski ako ay ganun din.   Isang malamig na tingin lamang ang isinukli sa kaniya ni Matt bago iginala ang tingin sa bawat isa sa amin. Natahimik naman ang lahat, that is the effect of the cold-genius guy. Cliché? Nope, Matt is cold but he smile sometimes. Matalino pero hindi mayabang, nananahimik lang yan sa isang tabi at minsan lang makipagusap.   “Hindi pa ako tapos. As I’ve said, we’ll gonna play it but-“ muli niya kaming tinitigan sa mga mata. Naghintay lang kami sa susunod niyang sasabihin.   “But what? Bakit kasi pinuputol mo pa? Tuloy mo na, pabitin naman eh, gusto ko ng umuwi.” Reklamo ni Ashlie na prenteng naka-angel sit at nakasandal sa isang monoblock sa likudan. Agad namang siniko ito ni Jelliane.   “What?” dinig ko pang sabi nito pero agad namang nagsalita ulit si Matt na ikinatahimik ng lahat.   “Kung sino ang unang tinapatan ng nguso ng bote, siya ang pipili kung sino ang gusto niyang unahin. At sa pangalawang ikot ng bote, kung kanino ito tumapat, siya na ang bahala sa taong iyon. Naiintindihan niyo ba?”   No one dared to utter a word or to even blow a sigh. Parang napigil ang hininga naming lahat sa napakinggan, including Ashlie and Joyce. Ilang sandali pang namayani ang katahimikan bago ito basagin ni Fresh.   “Let us begin, shall we?” Tanong niya na tanging tango lamang ang naisagot namin.   Dahan dahang niyang dinampot ang itim na bote at saka nagtungo sa gitna naming lahat. Saka pa lamang ako nakapagpakawala ng buntong hininga nang bigla niya itong sinimulang paikutin. Namamawis ang mga kamay ko habang nakatanaw sa mabilis na pagikot nito. Pagkatapos nun ay mabilis na bumalik si Fresh sa kaniyang pwesto at lahat kami ay makapigil hiningang hinintay ang paghinto ng bote.   Hanggang sa huminto ito at tumapat sa aking direksyon. A-ako? Sa akin tumapat, ibig sabihin ako ang pipili kung sino ang uunahin.   I swallowed the lump in my throat at aramdaman ko na agad ang pagbabayo ng dibdib ko. Para bang gusto ng kumawala ng puso ko sa sobrang kaba, o kaba nga ba? Hindi ko alam, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang tanging gusto ko lang mangyari ay matapos na ang lahat ng ito.   “Grachell, sino?” tumingin ako sa nagsalita. Nagsalubong ang tingin namin ni Matt na lalong nagpanerbiyos sa akin. Para akong nahihilo na gusto ko nalang masuka. Ganito ba ang pakiramdam na nakasalalay sayo ang buhay ng isang tao? Pero ginusto ko ‘to kaya paninindigan ko.   “Si Mrs. Benedicto. Siya ang gusto kong mauna, bakit? Remember when we asked for help? Mrs. Benedicto refused to call an ambulance or even report everything to the police. At ano ang isinagot niya ng tanungin natin siya kung bakit?” Huminga ako ng malalim saka pumikit.   I feel my tears stream down my face as I opened my eyes again ang spoke.   “D-dahil hindi mahalaga ang buhay n-niya…” and by that, tuluyan na akong napahagulgol. Naramdaman ko na lamang na inaalo na ako ni Erish at Daivy.   Sige nga, sinong taong hindi halang ang kaluluwa na masaya pa sa pagkamatay ng isang napakainosenteng tao? Ni hindi niya kami pinayagang ireport ang nangyari kay Mary dahil lang baka masira ang image ng school? At dahil hindi naman ganun ka importante ang buhay ni Mary? What the hell, lahat ng tao importante ang buhay!   Fvck her! Mas masahol pa sa isang gutom na tigre ang kaluluwa niya. Kaya dapat lang siyang mamatay. Yes, kung sino ang piliin ko ay siyang mamatay.   “Okay, Mrs. Benedicto, then.” Saad ni Matt at saka kinuha ang bote. Nagtaka naman agad ako ng iniabot niya ito sa akin. Anong gagawin ko dito?   Marahil ay napansin niya ang kalituhan sa itsura ko kaya agad siyang nagsalita.   “Go spin the bottle yourself.”   Tumango ako saka kinuha sa kaniya ang bote. Kahit medyo nagiging blurry ang paningin ko dahil sa mga luha ay tinatagan ko ang loob na paikutin ang boteng muli. Nang magawa ko na ay bumalik ako sa pwesto.   “Ayos ka na ba?” tanong ni Erish na tinanguan ko lamang. But truth is? I’m not fine and well, I will never be fine unless nagdudusa na lahat ng mga may kasalanan sa pagkamatay ni Mary. Gaya ng isang tunay na pamilya, walang pwedeng kalimutan at iwanan. Kaya ginagawa namin ito para sa isang taong minahal namin ng sobra higit pa sa pagiging kaklase o kaibigan man lang.   “Oh my, God!” Nagbalik ako sa huwisyo ng madinig ang matinis na boses ni Ashlie. Nang tumama ang mata ko sa direksyon niya ay agad na bumaba ang tingin ko sa boteng ngayon ay nakatapat na sa kaniya.   “Ashlie, ikaw ang papatay kay Mrs. Benedicto.” Pormal na wika ni Matt na ngayon ay nakatayo na at nagpapagpag ng kaniyang suot na brown slack.   “Fvcking Macaroni! How can I kill her!?” Mangiyak-ngiyak na ngayong tanong ni Ashlie. Knowing her, lahat ng bagay nakukuha niya lalo pa at mayaman sila kaya ang ipadispatsya si Mrs. Benedicto ay madali lamang para sa kaniya. Ni hindi madudumihan ang kaniyang mga kamay.   “Ashlie, you have to! Isispin mo na lamang na para kay Mary!” aligagang sinabi ni Monica, kaibigan ni Ashlie, pilit niya itong pinapakalma dahil halos mag hysterical na si Ashlie sa pwesto niya.   Akmang lalapit narin sana ako para mapakalma si Ashlie ng muling nagsalita si Matt na ikinatigil naming lahat.   “Papatayin mo o ikaw ang mamamatay. Tandaan niyo, hindi natin alam kung sino ang may gawa nun kay Mary. Baka isang araw isa na sa atin ang hindi na rin humihinga. Pagisipan niyo yan.”   Nilingon ko siya ngunit tanging likod na lamang nito ang naabutan ko. Pinagmasdan namin siya na nakapamulsang linisan ang silid sakbit ang bag nito.   Matt Traviz Alob, he really never fails us.   Pagkatapos ng nangyari ay agad naman na kaming nagsiuwian. Napagalitan pa kami ng guard na nagbabantay sa may gate dahil bawal na raw magtagal sa eskwelahan ng sobra. Ginawa na lamang naming palusot na gumawa kami ng project sa isang subject at bukas na ang passing. Thank God dahil naniwala naman siya sa amin.   “Bye, Mom!” I said as I stormed off the car. She say her goodbye and I immediately turned my back and proceeded to our classroom. Pero bago pa ako makarating sa classroom namin ay napansin ko na agad ang mga bulung bulungan ng mga estudyante. Ang iba ay nagmamadali pa na para bang may gustong puntahan. Or usisahin?   Sa una ay nagtaka ako ngunit sa huli ay hindi ko na iyon pinansin. Baka may isang estudyante na naman na pinagtitripan. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa marating ko na ang aming silid. But something is bothering me kung kaya’t mabilis na pumasok ako.   Nadatnan ko silang lahat na nagtatawanan habang may nagtitimbunan sa pwesto kung saan nakaupo si Ashlie. Dala ng kuryusidad ay mabilis na lumapit ako at nakipagsiksikan.   “Tang*na naman oh! Ang sarap palang makita ni Mrs. Benedicto na magmakaawa. Parang pusang kinakalbo ang putsa!” tumatawang sinabi ni Francis na lalong nagpakunot ng noo ko.   “Geez! Para lang akong nanonood ng carnival!” si Abi naman na para pang nandidiri ang bumanat.   “So, is this heaven? Oh, I like seeing her pleading just to stay alive!” Saad naman ni Nichole na ngiting ngiti habang may pinapanood sa cellphone na kapit ni Ashlie. Pansin ko na lahat sila nakangiti kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili at mabilis na inagaw ang cellphone.   Ramdam ko ang gulat nila ngunit parang ako ang nagulat ng sobra nang tuluyan ko ng makita, no, mapanood ang video. Para akong tinakasan ng kaluluwa habang nakatitig sa isang babae’ng naliligo sa sariling dugo. May mga lumalabas ding dugo sa bibig nito at halos mangitim na ang kaliwa nitong pisngi ganun din ang kanang mata nito.   Natulala ako at pawing hindi nakagalaw agad. Naramdaman ko na lamang na tumutulo na pala ang mga luha ko.   T-totoo ba ‘tong nakikita ko? Hindi ba ako nananaginip? Totoong si Mrs. Benedicto ba ‘tong halos maihi na sa pagmamakaawa mabuhay lang?   Nakaramdam ako ng awa at lungkot. Seeing her at this state makes me lie down in the cold floor. Hell, nakakaawa talaga siya!   Mabilis na tinignan ko silang lahat ng masama. Nagigting ang panga ko at saka dahan dahang inilapag ang cellphone sa teacher’s desk at ilang sandali pa ng malakas kong inihampas ang kamay ko dito.   “Who did that!?” sigaw ko ng malakas sa kanila sabay turo sa cellphone ni Ashlie. Kitang kita ko ang pagkagulo sa kanilang mga mukha ngunit sa huli ay tinuro nila ang kinaroroonan ni Ashlie. Mababakas ang takot sa mukha nito. Madiin ko itong tinignan.   “You did that?” may diin kong tanong sa kaniya na bahagya pang nanliliit ang mga mata. Yeah, they are all confused about my acts but hell, I don’t care!   “Y-yes? Bakit, ikaw naman may g-gusto nun di ba?” nauutal niyang sinabi. Ilang sandali pa ay nagbago ang reaksyon ng mukha ko. Unti unting sumilay ang ngiti sa aking labi kasabay ng paglapit kay Ashlie.   “Oh, God! Thank you!” bulalas ko saka mahigpit itong niyakap. Maluha-luha akong paulit ulit na nagpapasalamat sa kaniya habang halos hindi naman siya makagalaw.   “Huy, Grachell! Lintik kang babae ka! Akala ko naman hindi mo nagustuhan at makatingin ka kala mo papatayin mo kami!” Abi said but I ignored her. Labis ang galak at saya ang nararamdaman ko ngayon. Well, Mrs. Benedicto is finally out of the picture. Hindi ko na rin makikita araw araw ang pagmumukha niyang gusto ko na talagang isawsaw sa kumukulong mantika.   “You scared the hell out of me, you biatch!” singhal ni Ashlie ng kalaunan ay makarecover. Humiwalay ako sa pagkakayakap saka ngumiti ng sobrang pagkatamis-tamis.Binalingan ko din ng tingin ang iba ko pang mga kaibigang kaklase. Kung kanina ay mga nakalukot ang mukha at kunot ang mga noo, ngayon ay nakangiti narin ang mga ito.   Ngunit natigilan ako at pawing napawi ang ngiti sa aking mukha ng makita ko siya na seryuso lamang habang nakatitig sa akin. Nakipaglabanan ako ng tingin sa kaniya at sa huli ay siya ang sumuko.   Tsk.   I rolled my eyes and plastered a big smile in my face. God knows how much happy I am today.   End of Chapter 01 - Thank You for Reading
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD