Chapter 02

2363 Words
#BodChapter02   Third Person’s POV   Maagang dumating sa paaralan si Mrs. Benedicto, ang science subject teacher ng St. Charles 10. Hindi na ito bago sa lahat dahil araw araw itong pumapasok ng maaga. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ang isang pares ng mata na pawang nanonood sa bawat kilos niya.   Kalansing ng mga susi ang sumisira sa napakatahimik na kapaligiran habang hinahanap ni Mrs. Benedicto ang susi ng Faculty Room. Dahil medyo maaga pa at nasa alas singko palamang ng umaga ay tanging ang nagiisang ilaw sa taas ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.   “Asan na ba yun?” bulong niya habang iniisa isa ang mga susi. Nang mahanap niya ito ay mabilis niya iyong ginamit. Sa paglagitik ng pinto ay siya rin naman paglagabog ng isang mabigat na bagay sa likod ng Faculty Room. Dahil doon ay natigilan si Mrs. Benedicto at kunot ang noo’ng sinilip ang kinaroroonan ng ingay. Ngunit dahil nga masiyado pang madilim ay hindi niya iyon gaanong makita.   “It’s probably the ladder again. Bakit ba kasi hindi nila inaayos ng lagay?” inis na bulong nito saka kuha ng cellphone sa kaniyang bulsa at sa pagbukas ng flashlight nito ay agad na bumulaga sa kaniyang harapan ang mukha ng isa sa kaniyang estudyante.   Dahil sa gulat ay napahakbang paatras ang guro na siyang naging dahilan upang makalimutan niyang hindi pantay ang kaniyang aapakan. Dahil doon ay nadulas siya at nawalan ng balance sa sarili. Pabagsak siyang lumagapak sa semento at wala sa sariling nabitawan ang hawak na cellphone.   “Jusko po!” reklamo ng guro ngunit isang matamis na ngiti lamang ang isinukli ng estudyanteng naging dahilan sa nangyari.   Lalo pa siyang napangisi ng makita ang pagtulo ng kulay pulang likido sa gilid ng noo ng guro na naging sanhi ng pagkahilo nito. Tila ba nagbalik sa ulirat naman ang guro at saka humingi ng tulong dahil alam niyang may masamang balak ang estudyanteng kaharap.   “K-kuya Urban!” tawag niya sa pangalan ng isang guard na on-duty ngunit napakahina ng naging sigaw ng guro kung kaya’t hindi siya nito napakinggan. Lalo pa’t ang guard ay tila pa namamahinga marahil ay kulan ito sa tulog.   “Alam niyo ma’am, kung ako sa inyo ako na mismo papatay sa sarili ko. Bakit? Kasi hindi niyo gugustuhing makita ang demonyong nakakubli sa pagkatao ko.” Nakangisi ngunit seryusong saad ng estudyante na labis namang ikinatakot ng guro.   “Tumigal ka, hindi magandang biro ang bagay na ito!” nanginginig sa labis na takot na sabi naman ng guro habang umaatras sa estudyanteng ngayon ay papalapit na sa kaniya. Ngunit na imbes na makinig ito ay napahalakhak pa siya.   “Kahit kailan ka talaga, Ma’am! Hanggang ngayon ba namang mamamatay kana nagpapatawa ka pa rin!?” Tanong nitong tuluyan ng nakalapit sa guro na halos maihi na sa sobrang takot.   “A-anong kailangan mo!? Bakit mo ito ginagawa!?” labis mang natatakot ay pilit parin tinatatagan ng guro ang loob. Ngunit dahil sa kaniyang tanong ay biglang sumeryuso ang mukha ng estudyante at marahas na hinigit ang buhok ng guro dahilan para sumigaw ito dahil sa sakit.   “You still have the guts to ask me that huh!? But, okay! Since mamamatay ka naman na, bakit hindi ko pa sabihin yung rason?” Umupo sa gilid ng guro ang estudyante at saka tinignan ang dugong tumutulo sa gilid ng noo nito.   “Hmm, dahil trip ko lang? Nah! How about dahil mas maganda ka sa akin? Nah! My bad, mas maganda pala ako sayo. But, my reason is because ang pangit mo! Hmm, not only that, dahil isa kang demonyo at halang ang kaluluwa! Oo, dahil dun!” tumawa ang estudyante at mas kumabog naman ang dibdib ng guro dahil sa napakinggan.   “D-dahil ba kay M-mary? Y-Yung kaklase mo? Pasensya na, alam kong iyon ang tama at–“ she was cut off ng galit na hinila ng estudyante ang buhok nito. Dahil doon ay tuluyan ng napasigaw sa sakit ang guro.   “Pinapasabat ba kita!? Saka magtatanong ka pa eh alam mo naman na! Saka anong tama sa pvtanginang ginawa mo!? Tama bang palabasin na nagsuicide yung tao kahit na nirape na, pinahirap at pinatay pa!? Eh asawa mo ata ang demonyo ah!?” nanggigigil na inuntog ng estudyante ang ulo ng guro sa semento dahilan upang maiyak ang guro at mahilo.   “P-parang awa mo na! May mga anak pa akong naghihinta–“   “Oh!? May mga anak ka pala!? Eh ano kaya kung isunod ko sila para naman magkakasama kayo di’ba!? Total sabi nga nila, ang pamilya lagging magkasama!” humalakhak ang estudyante sa sinabi at lalo namang nagmakaawa ang guro.   “H-huwag ang mga anak ko! Pakiusap! Ang babata pa nila, parang awa mo na! Huwag ang mga anak ko!” humagulgol sa iyak ang guro ngunit tila ba isang napakagandang musika sa pandinig ng estudyante ang pagmamakaawa nito.   “Hay naku! Tumatagal na tayo, Ma’am! Paano ba yan? Any last words? It’s my pleasure na sabihin sa mga anak mo kung ano man yan.” Seryusong sabi ng estudyante ngunit tanging hagulgul lang ng guro ang sagot na nakuha nito. Para namang nagigting ang panga ng estudyante dahil hindi siya nito sinagot.   “Ma’am, kung wala ka ng sasabihin abah ipaalam mo sa akin ng mapatay na kita!” kasabay ng pagbitaw ng salitang iyon ay ang pagdukot niya sa pocket knife na nasa bulsa at walang ano anong ginilitan ang leeg ng guro. Mabilis na sumirit at tumalsik sa kaniyang  mukha ang dugo nito ngunit hindi niya iyon alintana. Bagkus, muling sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito bago pabagsak na binitawan ang pagkakahawak niya sa buhok ng guro. Tumayo siya saka napasulyap sa gintong relong nasa kaniyang papulsuhan.   Humikab siya saka muling isinilid sa bulsa ang pocket knife na ginamit sa pagkitil ng buhay ng guro. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa nangingisay na ngayong katawan ng guro.   “My business here is done.” Saad nito sa sarili saka tumalikod at prenteng naglakad na para bang walang nangyari. Tanging ang ngiti nito sa labi ang hindi mapapawi.   *   Joyce POV   Matapos mai-announce sa buong campus ang nangyari ay naging laman na ito ng usap-usapan. I can’t blame them,. Mrs. Benedicto is one of the most known among teachers in the whole campus. Not just because she’s beautiful but because she’s also smart and kind. But wait, kind? Nah, remove that from the list, binabawi ko na. Mrs. Benedicto isn’t kind, there’s a devil hiding in her skirt. But now that she’s dead, of course, wala na rin ang demonyo.   “Okay, class! From now on, I will be your science teacher. So by the way, what is the last topic Mrs. Benedicto tackled?” Tanong ni Mr. Roxas, ang bagong science teacher namin. Well, I can see how bothered he was about what happen to his co-teacher. Lalo na at magkababata sila ni Ma’am.   Pero bakit hindi sinuspende ang mga klase gayong may nataguang malamig na bangkay sa harap ng Faculty Room? It’s because they don’t care about her. Kasi alam nila na kapag lumabas ang balitang may natagpuang patay sa isang Private School ay malamang na masisira ang image ng paaralan. At paniguradong maraming mababahalang magulang at sure na ililipat ang kanilang mga anak sa ibang paaralan. And that is what the school staff fears of. Natatakot sila na baka mawala ang mga mayayamang estudyante na sobra sobra kung makapagbayad ng school fees.   Yeah, they only care about money. Yan sinasamba nila eh.   “Sir, about Chemical Bonding po.” Sagot ni Terrod, ang education namin. Wala naman ng nagawa ang iba kung hindi ang ilabas ang kani-kanilang mga libro at lectures. Mabuti nalang talaga at wala na si Ma’am, lahat kasi ng tinuturo niya pinapasulat niya pa kahit na may mga libro naman kami. Funny, isn’t it?   “Sir, hindi po ba kayo masaya dahil wala na si Mrs. Benedicto?”   Nagulat ako, no, kaming lahat ng biglang nagtanong si Cesiah. We all know her, minsan lang siya nagsasalita kapag mga importanteng bagay. She’s always quite but hot-tempered. Ni tatong beses lang yan magsasalita sa isang araw.   Nilingon namin siyang lahat. Kahit si Sir ay nagulat din sa tanong nito. Binaling ko ang atensyon kay Sir na ngayon ay kunot noong nakatingin lamang kay Cesiah. Pero ang ipinagtataka ko ay ang pagkabahala sa mukha nito, yung para bang may tinatago.   “Ms. Villafuerte, what a-are you talking about? Of course I’m not. Who would be happy to know that his childhood friend was murdered?” He asked stuttered and that confirmed my theory. Something’s wrong in him.   Biglang humalakhak si Cesiah na lubosan na naming ikinabigla. Anong nangyayari? Unti unting nagkaroon ng bulong bulungan. I know that we are all confused about what’s going on. So we wait for Cesiah to spill it out, and she did.   “Come on, Mr. Roxas. I know that you also wanted Mrs. Benedicto dead. Why? Di’ba childhood friend kayo? At ikaw lang ang naging kasangga ni Ma’am, pero ang totoo, gusto mo lang na makuha ang lupa at bahay niya di’ba?” Ows and what’ filled the whole room. Kahit ako ay nagulat at mukhang may ideya na ako sa nangyayari.   Mr. Roxas and Mrs. Benedicto was childhood friend. Naging orphan si Mrs. Benedicto nang parehas na maambush ang sinasakyan ng mga magulang niya. She then stayed at Roxas home and became part of the family. Napunta ang mga ari-arian ng mga magulang ni Ma’am sa pangalan niya since ang mga kamag anak nila ay nasa ibang probinsya. At kung tama ang hinala ko na gustong maako ni Mr. Roxas ang mga ari-arian ni Ma’am ay paniguradong matagal na niyang gustong mawala na rin ito.   “Now that she’s gone, sa inyo na mapupunta ang mga lupa di’ba since mapupunta sa custody mo ang kaniyang mga anak. Mrs. Benedicto’s husband died two years ago at matagal mo ng gustong mangyari ang ganitong bagay. Well, then, congrats sir. You have all her properties now.” Walang kare-reaksyong sinabi ni Cesiah saka tumayo at kinuha lahat ng gamit niya. Padabog siyang lumabas ng silid. Naiwan naman kaming lahat na hindi makapaniwala at tulala.   Just to mention, ang pinaka ayaw sa lahat ni Cesiah ay mga taong manggagamit. No wonder she always hate Mr. Roxas ever since she saw him. Siguro dahil alam niya na iyon ang pakay ni Sir kay Ma’am.   Mukhang hindi lang pala kami ang may beneficial sa pagkamatay ng taong yun, pati rin pala ang pinagkakatiwalaan niyang kaibigan.   *   “Wala na bang mga estudyante?” seryusong tanong ni Gian, ang service namin. Tanging tango lamang ang naisagot ni Carlo, ang treasurer namin.   Pagkatapos nun ay mabilis na hinawan namin ang gitna ng silid at itinabi lahat ng upuan sa bawat gilid. Saka kami nagform ng bilog at umupo. Maya maya pa ay inilabas na ni Matt ang itim na bote na siyang magpapasiya kung sino sa amin ang pipili kung sino ang isusunod at kung sino ang tatapos.   “I think I’m gonna love this game!” tili ni Monica. Ashlie rolled her eyes and sat on the chair while watching us. Bumaling ang tingin ko kay Grachell na seryusong nakaingin lamang sa bote. Yes, they are out of the game since napili na sila kahapon. Kaya kaming natitira na lamang ang mga selected na maglalaro.   “What are we waiting for!? Spin the bottle, b***h!” excited na saad ni Nichole sa tabi ko. Mabilis ko siyang siniko at nagreklamo naman ito.   “Sakit ha, Joyce! Parang hindi ka rin naman ready jan eh!” singhal nito na hindi ko na lamang pinansin. Sa totoo lang, hindi ako excited at mas lalong hindi ako pabor sa ganitong laro. Pero dahil para sa kaibigan namin, okay, game ako.   “Let us begin.” Cyron announce and we took that as a cue to start. Siya ang may hawak ng itim na bote habang hindi naman matanggal sa mga labi nila ang ngiti. Guess that they reall love this game already. Akala ko si Grachell lang ang adik sa larong ito. But just like Matt said, this is not an ordinary game. Dahil nakasalalay dito ang buhay ng isang tao.   “Shoot to kill!”   Namalayan ko na lamang ang sarili kong pinapanood ang mabilis na pagikot ng itim na bote sa gitna naming dalawampu’t tatlo. Yes, sa kabuuang bilang ay twenty five kami. But since wala sa laro sina Grachell at Ashlie, kaming twenty three lang.   Tinitigan kong maigi ang bote. Dahan dahan hanggang sa huminto ang pagikot nito at tumapat sa kung sino.. Alam kung hindi sa akin iyon tumapat, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit sobra akong kinakabahan na parang aatakihin sa puso? Pinagpapawisan na ako at nanlalamig ang mga kamay.   “Sino Christle?” Nagbalik ulirat ako ng tanungin ni Nichole si Christle, ang isa sa pinakatahimik sa aming lahat. Yumuko ito na mistulang nagiisip kaya’t nagulat kaming lahat ng lumuluha itong nagangat ng tingin at nagsalita.   “Si France! Si France ang gusto kong sunod na mamatay! Kilala niyo siya, gustong gusto siya ni Mary pero pinahiya niya lamang ito nung umamin si Mary sa kaniya! Pinagtawanan pa kami ng lahat at sinabihan ng mga masasakit na salita!” Bawat salitang kumakawala sa kaniyang bibig ay ramdam na ramdam ko ang galit dito.   Kilala ko si Christle, tahimik siya simula’t sapul. Tutok sa pagaaral at hindi palasalamuha ngunit nang makilala niya si Mary, naging kaibigan na rin namin siya. To be simple, hindi kami dati close, but when Mary arrived, siya ang nagdugtong ng mga wire para makonekta kaming lahat. Siya ang dahilan kung bakit kami nagkaisa.   “What if it was really France who killed her!? After all, galit siya kay Mary dahil napahiya siya noon nang kantahan siya nito sa stage! That son of a b***h, he deserve to die!” Sigaw pa nito na labis naming ikinagulat.   I forgot to say that Christle is known to be the calmest person among all of us. Kaya siguro nakakagulat talagang isipin na nagwawala siya sa harapan namin ngayon. Good thing at nasa pinakadulo ang classroom namin malapit sa forest kaya kahit magsisisigaw kami ay malabong marinig ng iba.   “Calm down, Chris! Okay, it’s France.” Alo sa kaniya ng katabing si Johan, ang escort sa amin. Unti unti namang kumalma si Chris at saka tahimik na humagulgol sa tabi.   Inagaw ni Matt ang atensyon naming lahat kaya bumalik ang atensyon namin sa ginagawa.   “Okay, the next will be the one who will kill him.” Wika niya saka agad na pinaikot ang bote. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil tuluyan ng nilamon ng kaba at takot ang sistema ko ng makita kong unti unting humihina ang pagikot nito. Hanggang sa–   End of Chapter 02 - Thank You
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD