Chapter 04

2150 Words
#BoDChapter04   Fresh POV   “Ah nga pala, just to inform you. Mr. Roxas is also found lifeless in his house.”   I keep silent for almost minutes. Mr. Roxas, ang pumalit kay Mrs. Benedicto ay natagpuang patay sa sarili niyang bahay? May kinalaman ba ang isa sa amin tungkol dun? But I shrugged the thought, hindi si Mr. Roxas ang target kahapon. It’s France and not him.   Who the hell killed Mr. Roxas!?   “If you’re wondering who killed him, shake it off dear. That asshole deserved that, plastic ang taong yun. Pera lang din pala at yaman ni Mrs. Benedicto ang habol.”   Natulala ako sa kaniya at nahulog sa napakalalim na iniisip. Hanggang sa dumating ang first subject teacher namin which is math ay lutang parin ako. Supposedly, dapat ay tutok ako sa itinuturo ni Ms. Gonzales sa harap ngayon. Pero hindi ko alam kung bakit parang naguguluhan ako sa nangyari.   Parang may mali. Hindi, may mali talaga. Hindi lang sa katotohanang sa isang secluded village nakatira si Mr. Roxas kaya imposibleng may makapasok na pagnanakaw o ibang pakay ang rason. Wala ring nakakaaway si Mr. Roxas, sa totoo lang, marami pa ang humahanga at pumupuri sa kaniya. Hindi lang siya tuwiran at mapagmahal na ama, mabuti at maaasaan rin sa mga kaibigan.   Kaya nagulat talaga ako kahapon sa mga binitawan ni Cesiah.   Cesiah, could it be her who–   Napadaing ako sa sakit ng may dumapong maalikabok at matigas na bagay sa mukha ko. Bahagya pa akong nabahing ng may pumasok sa aking ilong. Sino ba ang….   “Ms. Saldivar, can you please share with us what’s bothering you the whole time that even if I shout here in front you couldn’t notice?” Galit na galit na bulyaw ni ma’am sa unahan kung kaya’t tanging yuko na lamang ang nagawa ko dahil sa kahihiyan.   Ngunit kung sa iba ay maririnig ko na agad ang mga halakhakan ng kaklase ko? Sa amin iba, lalo na nang biglang tumayo si Gian, ang service namin. Hagip na hagip ng dalawang pares ng mata ko kung paano silang lahat tumingin ng masama kay Ms. Gonzales.   “Ms. Gonzales, do you know that you are not allowed to throw a chalk eraser to your students? We can report you in Guidance office for doing such thing. Teachers like you shouldn’t be tolerating by school, you can just approach her and tap her shoulder then ask instead of tossing that eraser that contains the dust from the chalk that could give irritation to her skin.” Seryuso at madiin ang pagkakasabi ni Gian habang naiwan namang nanggagalaiti si Ms. Gonzales.   “How dare you to talk to me like that, Mr. Pelaez! I am just teaching her a lesson for spacing out during my discussion here in front! Students like the two of you must have a punishment!” Sigaw niya kaya mas lalo lamang akong napayuko.   I hate myself for being stupid and dumb. Nadamay pa tuloy si Gian, dapat nanahimik na lamang siya.   “Everyone, get one whole sheet of yellow paper and prepare for our long quiz while you two, get out of my class! Now!”   Nanlaki ang mga mata ko sa napakinggan. For my four years of changing, this is the first time that I got kicked out of the class. At nadamay pa si Gian ng dahil sa katangahan ko. What have I done to deserve them all? They are all good to me and I’m sure that they will never leave me behind. That is our section, a very special section for me. We are all one because we are family.   “Excuse me, ma’am. I really don’t want to pry, but I think you’re being too much. Magpapaquiz kayo ng dahil lang galit kayo? And Oh, palalabasin mo sila ngayon na magpapaquiz ka? How unfair is that? I won’t take that quiz unless you let them take too.”   Hindi na ako nagulat pa ng tumayo si Ashlie na sinabayan naman ni Daivy, Joyce, Grachell, Monica at ng iba pa. Nope, mali pala, lahat na sila tumayo at kaniya kaniyang kuha sa gamit. Isa isa silang lumabas ng klase habang nakangiti pang nakikipagkwentuhan sa isa’t isa. Ni hindi na nila alintana si Ms. Gonzales na halos magtransform na sa sobrang galit.   “Tara na, biatch!”   Nilingon ko si Daivy, ang kakambal ni Dave. Pilit ang ngiti kong naisukli ng hablutin niya ang bag ko sa upuan ng mapansing hindi parin ako nakakilos dahil sa nangyari. She just rolled her eyes at me and storm off the room. Like the usual Daivy Marie Nava, laging atat makalabas ng klase.   I was about to get out too when I caught Matt staring at Ms. Gonzales intently. Mamaya maya pa ay lumapit siya kay ma’am at dumaan sa likod nito. May sinabi siyang kung ano na ikinalaki ng mga mata ni Ms. Gonzales and that made me curious about what he said. Malayo ako ng bahagya sa kanila dahil nasa likod ako kung saan ang door exit habang nasa pinakang una sila kaya malabong marinig ko ang sinabi niya.   Nang makalayo na si Matt na binigyan lamang ako ng malamig na tinging bago dinaanan ay muli kong binalingan si ma’am ng tingin. Ngayon ay nakatulala na siya habang dahan dahang napaupo sa upuang malapit lamang sa kaniya. She looks so bothered and gone was the angry Ms. Gonzales minutes ago.   Ang tanging mababakas na lamang ay ang kakaibang takot at pagaalala sa kaniyang itsura. Mabilis akong lumabas agad at hinanap si Matt ngunit hindi ko na siya nakita pa.   What did you just said to scare the hell out of Ms. Gonzales, Matt Traviz Alob?   *   Erish POV   Nang makalabas ako sa classroom dahil sa nangyaring commotion kanina ay agad akong nagtungo sa forest kung saan tanging mga naglalakihang puno ng mahogany at iilang puno ng manga ang nakapaligid. Benches are per kilometers away from each one.   I sat down right on the bench near the biggest manga tree among all of the trees here. This is my favorite spot and no one has to claim because they are all afraid to even go here. Pinaniniwalaan kasi nila na may mga kapre o nuno daw sa mga matatandang punong ito. But I don’t believe about supernaturalism or even paranormals, it is all made from humans big imaginations.   And God did not create such things to harm his people. Sabi nga sa bibliya, God wants best for all of us. He won’t create such creatures that would harm us in the end, kasi ang totoo? Tayo ang naglalagay ng sarili natin sa kapahamakan.   Mga pagsubok? Hindi yan totoo, kung ano ang nararanasan natin ay dahil iyon mismo ay kagagawan natin. We chose those things so why put God’s name on it? Sabi ko nga kanina, ang Diyos ay hindi magbibigay ng mga hamon sa kaniyang mga anak. God is our father, at lagi nating tandaan na hindi siya nagbibigay ng mga pagsubok na hindi natin nagugustuhan. Yung mga taong namamatay at sabi nila ay oras na ng mga iyon dahil kinukuha na sila? Again, God created humans to live here on earth. Kaya hindi totoo para sa akin ang mga sinasabi nilang dahil oras na ng isang tao kaya kinukuha na siya ng Diyos? For our information, people die because of natural diseases or unexpected accidences.   Huwag nating idadamay ang Diyos sa mga bagay na wala naman talagang kasiguraduhan. Iyan ang paniniwala ko, but like me, we have our different beliefs. So ang mga bagay na iyan ay mga paniniwala ko.   “I knew it, nandito ka lang pala ulit.”   Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran. Mabilis na napatayo ako at tinignan ang taong iyon. Tanging isang buntong hininga na lamang ang nagawa ko ng mapagtanto kung sino iyon.   “Dave, ikaw pala.” Sambit ko saka muling umupo. Naramdaman ko naman na lumapit siya sa akin saka naupo rin sa tabi ko.   “Would you if I sit here beside you?” tanong niya.   I fight the urge to roll my eyes.   “Nakaupo ka na.” Tamad kong sinabi saka muling pinagmasdan ang napakatahimik na kapaligiran. Tanging ang paghampas ng mga dahon sa bawat isa dahil sa hangin at ang mga ibong namumungad sa bawat sanga ang nagbibigay tangis sa paligid.   I love this kind of place. It relaxes my nerves and takes away all my problems and worries. I really worship God, napakagaling niyang gumawa ng mga nakakamanghang bagay. I appreciate his creations.   “I love this kind of scenery too. It makes my heart jump and if ever it could get out in my chest, it would probably capture this kind of moments.” Dave said that I automatically look at him and his deep black eyes welcome me. Okay, I will be lying if I tell him that he’s not eye-catching.   “Done checking me out, Rish?” Nakangiti na niyang saad na agad namang nagpabalik sa aking ulirat. I immediately drifted my eyes and just focus staring at the trash bin next to the mahogany tree. Gusto kong ikalma ang sarili ko ngunit tila ba may kung ano sa aking sistema at loob na nagwawala.   Anong nangyayari sa akin?   “It’s Erish.” Pagiiba ko ng usapan. Siomai, this guy is giving me a heart attack, ayaw ko pang mamatay!   Humalakhak siya na ipinagtaka ko, ngunit dahil si Dave naman siya, hindi ko nalang pinansin. Minsan kasi talaga, may sapaw ang lalaking ‘to. Pare-parehas sila nina Jelliane, Johan at Francis, sila yung pamilya ng mga baliw.   “Hay naku, mamaya talaga iisipin ko na buwan mo ngayon kaya ganiyan ka sa akin. Pero naalala ko, kamag-anak mo nga pala si Grachell. Baka dun ka nagmana.” Biro niya saka lalong humalakhak.   Napangiwi na lamang ako. This man needs a lobotomy therapy, I guess.   Ilang sandali pa bago ako tumayo at akma na sanang maglalakad palayo nang bigla siyang nagsalita. At hindi ako magkakamali na nakanguso ito, just like his stupid usual do’s.   “SIge, ganiyan ka na. Matapos kitang samahan, iiwan mo lang ako sa ere? Pero okay lang, as long as sasaluhin mo ako once na mahulog ako sayo?”   Mabilis ko siyang binigyan ng masamang tingin ngunit ang tao’ng ‘to ay nakangiti pa ng malaki. Abot tenga ang hiwa ng ngiti na akala mo eh kahit bagyo ang dumaan ay hindi matitibag.   Hindi ko na napigilan pa, I rolled my eyes at him and shrugged. Then I walk away leaving him there, smiling like an idiot. Tsk, boys.   *    “Okay, classes dismiss.” Anunsyo ni Mrs. Aguilar saka ayos ng kaniyang mga gamit. Pagkatapos ay kinuha na niya ang mga ito at nagmamadaling lumabas ng aming silid.   I heave a deep sigh before I fix my things too. Not minding my classmates who seem busy to have chit-chats with each other. Ganito naman kasi lagi, kada lalabas ang mga lecturer namin ay aarangkada agad ang mga walang katapusang kwentuhan nila.   They act normal.   “Babe, pangit ba ako?” Rinig kong pabebeng tanong ni Jelliane kay Prince, ang boyfriend niyang mukha namang walang pakialam sa kaniya. Tsk, ewan ko talaga kung bakit pa naging sila eh para lang namang napipilitan si Prince. Uhm, base on my observation lang yan.   “Sus, ang drama mo, Jel! Talagang inagawan mo pa si Liza ng line eh ‘no!?” pabalang na tugon ni Johan. Nangiti ako saka pinapatuloy ang pagsilid ng mga libro at gamit sa loob ng aking bag.   “KJ ka Johan! Alam mo ba yun!? Palibhasa wala ng lumalandi sa’yo! Saka ikaw ba si ‘babe’ ha!? Ikaw!?”   “Anong wala? Ang dami kaya, nakapila nga sa labas ng bahay namin! Sus, sino bang hindi maaakit sa napakagwapo kong mukha? Saka, nandiri naman ako sayo Jel, mukha kang kalyo sa pa akong natutong lumakad!” banat ni Johan at kung nakatingin lamang ako ngayon kay Jelliane ay malamang na uma-akto na itong nasusuka. Like the usual Jel.   “Ulol! Pakyu to the highest degree!” si Jel. Napangisi na lamang ako saka umiling para hindi mapigilan ang pagtawa.   “Tumigil nga kayong dalawa, kita niyong natutulog yung tao dito!” sabat naman ni Prince. Parang gusto kong bumunghalit ng hagalpak ng tawa dito sa pwesto ko. Mukha talagang wala siyang pakialam sa girlfriend niya kahit api-apihin na ito ng iba.   “B-babe? H-hindi mo ba ako ipagtatanggol sa mokong na’to?” malamang na nakangusong tanong ni Jel. Tsk, may mga sapaw nga talaga ang utak nila.   Akmang isasarado ko na sana ang zipper ng bag ko ng biglang may padabog na ng bukas ng entrance door ng aming silid. Nakuha noon ang atensyon naming lahat at bumungad sa amin ang humahangos na mukha ni Joyce. Mababakas ang malungkot na reaksyon niya ganun din ay hindi nakalatakas sa aking paningin ang maluhaluha niyang pares na mata.   “G-guys! Si Ashlie–“ hindi niya natapos dahil bigla siyang bumagsak sa sahig at saka napahagulgol ng iyak. Nagkumahog agad kaming lapitan siya para aluin. Ramdam na ramdam ko na agad ang kakaibang tension na namumuo sa bawat sulok ng silid.   “J-Joyce anong nangyari kay Ashlie!?” Kinakabahang tanong ni Monica. Medyo maluha luha narin siya at marahas na inaalog ang magkabilang balikat ni Joyce. I understand why she acted so desperate to know what just happened to Ashlie, magkaibigan sila simula pa nung elementary.   “Joyce!?” Paguulit niya nang tanging hagulgol lamang ang naisagot ni Joyce.   “Si A-Ashlie–na–natagpuang…..”   End of Chapter 04 – Thank You
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD