Chapter 07

2514 Words
#BoDChapter07   Erish POV   “Mary is waiting for you my dear.”   Tila nagtaasan lahat ng balahibo ko sa narinig. How can granny know her when in fact she’s dead?   Pero agad akong nakahinga ng maalala ko na nakilala na nga pala ni granny si Mary. Mary and I, dati kaming naging malapit. Dumating pa sa point na lumalabas kami dati ng gabi para lang maglibot sa park dahil fiesta noon. Kasama namin sina Grachell, Cesiah, Joyce, Freshue, Ashlie, Monica at iba pa.   Laging si granny ang naaabutan ni Mary sa labas ng bahay namin tuwing sinusundo niya ako. Then she would ask granny kung nasaan ako at siya rin ang magpapaalam sa akin kina mom and dad. Kaya tuwing bumababa ako lumalabas, granny used to say those words. That Mary is waiting for me and she would ask me why I did to take me that long.   I would just answer her saying I have hard time choosing what to wear. Tapos pagsasabihan ako ni granny na masamang pinaghihintay ang isang tao. Pero I always end up making Mary wait dahil masiyado siyang maaga dumating and I was just done washing the dishes.   “Ma!”   It was mom. Lagi niyang sinusuway si granny dahil alam niya na matagal ng wala si Mary at iniisip niya na may malaking impact iyon sa akin since Mary became one of my best friend. Close siya sa lahat ng tao so hindi malabong maging malapit din si mom sa kaniya. I remembered too when I saw my mom shed a tears when we attended the funeral of Mary.   Tumawa si granny at naiiling na lumapit ako sa kaniya. Nag volunteer naman si Hella na ilagay ang gamit ko sa aking kwarto kaya hinayaan ko na lamang ito since mananatili pa ako sa kwarto ni granny until she sleep.   “Erish, do you know that your grandpa and Mary are talking? Jolo told me he talked to Mary, and she’s asking if how are you?” sabi ni granny.   Kung hindi ko lang alam ang sakit niya ay baka natakot na ako. Granny has Mania. It is a mental state characterized by excessive excitement, exalted feelings, delusions of grandeur, elevation of mood and psychomotor overactivity. Ang sabi ng doctor ay marahil dala ito ng mga emosyong nararamdaman ni granny. It all started when grandpa died.   Granny keeps on blaming herself, ang sabi niya ay nagalit daw siya kay grandpa noong mga araw na iyon. But the doctor clarified that it was because grandpa has a heart attack.   “Granny, I have a new story to tell. Do you want to hear it?” I asked, pilit kong inaalis ang topic sa mga sinasabi niya. Kitang kita ko ang pagbabago ng kaniyang reaksyon, napalitan ito ng ngiti at saya na hindi na katulad ng kanina na may halong sakit at pait.   “Sige apo, kwentuhan mo na ako! Kanina pa kita hinihintay! I want the same story as what you had told me yesterday!” she said and I just nodded my head. I look at my mom who’s seriously staring to granny with teary eyes.   I held his hand and squeeze it. Nakuha ko ang atensyon niya kaya mabilis niyang pinunasan ang kaniyang pisngi na tuluyan ng napatakan ng butil ng luha. Pagak siyang ngumiti saka tumayo. I let go of her hand.   “Ah! Ma, alis na muna ako. Magpahinga ka na pagkatapos niyan ah? And Erish, eat after this and take a rest. I know you’re tired.” She said. Lumapit siya sa akin then she kissed my forehead and say, “Goodnight, anak.”   “Goodnight, mom.” I replied and she hugged me once again.   Parang lumambot ang puso ko doon kahit na ilang beses na iyong ginagawa ni mom. She’s always like that, unlike sa mga napapakinggan ko na most of the families doesn’t have good connections with the family member. Minsan nga parang hindi sila magkakapamilya.   Take this an example, I’ve watched true to life story ng magina sa My Story channel.   Hindi sila close ng nanay niya and her mother always compared her sa mga anak ng ibang tao. Na bakit hindi ganun yung anak ko hindi tulad ng anak ni ano. Iyon ang lagi niyang naririnig sa bibig ng kaniyang ina. She’s not good just like somebody else, pero alam niyang ginagalingan niya talaga mapuri lang ng nanay niya. But not until her mother committed suicide, mahirap lang sila at baon sa utang. Namatay ang tatay niya sa by bust operation ng mga pulis at sangkot ang tatay niya sa mga iyon. Hanggang sa hindi na nakayanan ng ina niya dahil maraming mga taong hinuhusgahan din sila. Nakulong sa depresyon kaya nagpakamatay. At kahit sa huling hininga ng kaniyang ina ay hindi man lang niya nasabihan ito ng I love you.   See? Kung tatanungin ako, ang swerte ko na sa lagay na ito. Wala na akong mahihiling pa.   “Ano ba ang story mong bago, apo?” tanong ni granny na nakapagpabalik sa aking ulirat. Umayos ako ng upo at mas lumapit pa sa kaniya.   “This time will be different, granny. My story is about a guy who chooses the wrong girl over his girlfriend.” I said and granny sat down firmly showing me how interested she is about my story. I clasped both of my hands and start my story.   “It was James and Anna’s anniversary, sa halos tatlong taon na magkasama ay kilalang kilala na ni Anna ang boyfriend niya. It was her who always take a first move kasi kung aasahan niya lamang si James ay walang mangyayari. There are rumors too about her boyfriend but she ignored it thinking that it all wasn’t true. And her unconditional love is enough to trust James.   Then the very special day came and that was their anniversary. Anna prepared a big surprise for James that time and she really organized everything. Walang palya, sinigurado niyang maayos at maganda ang lahat. Ginawa niya iyong perpekto kahit na kailangan niya pang maghintay hanggang sumapit ang gabi dahil iyon ang uwi ni James.   She did everything all by herself, ni hindi siya humingi ng tulong kasi alam naman niya na kaya niya at talagang pinaglaanan niya ng effort ang lahat.   She cooked every all the cuisine and it all has perfect taste dahil bilang isang culinary art student ay napapagaralan nila iyon. Pero mas ginalingan niya pa upang magustuhan lamang iyon ni James. Everything was all done, the only missing thing is her boyfriend.   Sa paghihintay ay nakatulog siya, she fell asleep for almost three hours and was awakened when the doorbell rang. At alama niya na agad kung sino ang taong iyon, ang ipinagtataka niya lamang ay bakit kailangan pang magdoorbell. But she just shrugged the thought, it’s James anyway.   Sa pagbukas ng pintuan ay hindi na maalis ang ngiti niya sa labi. Bumungad sa kaniya ang walang karea-reaksyong mukha ni James but she knew that it was all because he is tired. Halos araw araw na ganun kung masasaksihan niya ang nobyo.   “Babe, do you remember what day is today?” masaya niyang tanong. She thought that James remembered it but when the guy stared at her face with boredom on it, alam niya na agad na hindi nito alam kung anong meron. Saglit na nawala ang ngiti niya nun but then muli siyang ngumiti. Naisip niya nalang na dala iyon sa pagod.   Matapos nun, iginaya niya ang nobyo sa kanilang kwarto, at ng bumukas ang pinto kasabay ng pagliwanag ng buong paligid,bumungad sa kanila ang surpresa ni Anna. Pero imbes na matuwa at mahabag, nakaramdam ng inis si James kaya mabilis siyang humarap kay Anna na mababakas ang sobrang saya sa mukha.   “Bakit kapa nagsayang ng pera para lang sa walang kwentang ito!?” galit na sinabi ni James na labis namang ikinagulat ni Anna. Mabilis na nanubig ang mga mata niya at para bang tinutusok ang kaniyang puso sa nakuhang reaksyon ng binata sa kaniyang surpresa. Akala pa naman niya matutuwa ito ngunit isa lang palang walang kwenta ang mga pinaghirapan niya para kay James? Ang sakit isipin.   Pagud at pawis ang inalay niya sa lahat ngunit iyon lamang ang makukuha niyang sagot pabalik?   “Walang kwenta!? Ni hindi mo nga naalalang anniversary natin ngayon tapos walang kwenta?  Sabihin mo nga sa akin ngayon James, mahal mo pa ba ako? O ginagamit mo nalang ako?” Lumuluhang tanong niya ngunit hindi iyon nasagot ni James ng biglang may nagtext sa kaniyang teleponong inilagay niya kanina sa side table ng kanilang kwarto. Kitang kita ni Anna ang mensaheng natanggap ni James mula sa isang pangalan ng babae.   ‘baby, I’m alone, can you come here and be with my side, please? I already miss you kahit kaaalis mo lang   Lalong napaluha si Anna at ng kukunin niya na sana ang cellphone ay mabilis na kinuha iyon ni James. Tinignan niya ito ng punong puno ng hinanakit.   “K-kkaya ba?” nahihirapan niyang sabihin sa gitna ng kaniyang mabibigat na hikbi. Pinunasan niya ang kaniyang pisngi ngunit wala iyong nagawa dahil patuloy lamng ang kaniyang luha.   “K-kaya ba ganiyan ka na sa’kin, ha? Kaya ba nagbago ka dahil meron ka ng iba!? Hayop ka James! Ginawa mo pa akong tanga! Bakit hindi mo nalang sinabi para sana hindi na ako umasang may ikaw at ako pa! Sana sinabi mo nung maaga pa hindi ngayon na ang sakit sakit na! Napakawalang hiya mo! I always find a way not to give up on you but heck! You just brought me to the peak of my grave!”  Buong lakas niyang sinabi ngunit hindi man lang natinag doon si James. Sa halip ay nagiwas lamang ito ng tingin at saka mabilis na umalis.   “But you know, even if you just kill me right now? This?” Natigilan siya ng muling nagsalita si Anna. Nang tignan niya ito ay punong puno na ng luha ang mukha nito, naabutan niya itong nakaturo sa kaniyang dibdib.   “My heart will only beat for you. You’re the owner of this heart even if you cause too much pain and scars. Kung san ka sasaya, sige ayos lang. As long as you find your own happiness, it’s the only thing that matter.” Saad ni Anna saka tulalang linagpasan ang nobyo. Naiwan mang hindi makapaniwala ay tuluyan ng umalis si James. He left Anna dying just to be with another girl he just met twice.   It took him two hours bago makarating sa bahay ng babae. Pansin niya rin ang paulit ulit na pagtawag ng numero ni Anna sa kaniya, ganun din ang kaibigan nitong si Mia. But he chose to ignore it all since hindi niya pa kayang kausapin ang dating nobya ganun din ang kaibigan nito. When he reached the girl’s house, napansin niya ang isang kotse doon na wala naman kanina nung nanggaling siya dito bago umuwi. Oo, sinabi niya lang kay Anna na gabi ang tapos ng kaniyang trabaho kahit alas singko lang naman talaga.   He has already a key of the house dahil binigyan siya kanina nito. But his phone keeps on ringing that’s why he decided to on the airplane mode saka pumasok sa bahay. Pero ang bumungad sa kaniya ang tila ba nakapagpasiklab ng kaniyang galit. Galit at sakit. Not only that, but he feel betrayed too.   “Fvck!” Rinig niyang ungol ni Jasmine, ang babaeng pinagpalit niya kay Anna. And there, he saw Jasmine having s*x with a guy. Wala ng parehas na saplot ang dalawa. Mabilis siyang lumapit doon at inambahan ng suntok ang lalaki, hindi niya alintana kahit wala itong saplot. Agad na sumalampak sa sahig ang lalaki at gulat namang natulala si Jasmine sa pangyayari. When she recovered, she tried to held James hand pero mabilis na winkaksi lamang ito ng huli.   “You fvcking w***e, I left my girlfriend who loves me so much just to be with you and this is all I’ll get!? Fvck you all!” Sadd niya sa dalawa at saka mabilis na umalis. Tila doon naman na siya natauhan sa maling desisyong nagawa. He took his phone out of his pocket and turn off the airplane mode.   He tried to dial Anna’s number but the line is already busy. Mabilis na pinaandar niya ang sasakyan pabalik sa kanilang tinitirhan. Takot, kaba, at pagsisisi ang naramdaman niya. Nagkamali siya ng taong pinili. Iniwan niya ang taong mas minahal siya ng sobra at pinili ang taong ni gatiting na pagaalala ay wala.   “I’m sorry babe, I shouldn’t have left you.” Paulit ulit niyang saad habang nagmamaneho.   Muli niyang sinubukang tawagan ang numero ni Anna pero ganun parin iyon. Halos kalahating oras lamang ng marating niya ang lugar ngunit ang bumungad sa kaniya ang lalong nagpakaba sa kaniya. He saw ambulance at police car outside their house.   Mabilis siyang lumabas ng kotse at sinubukang pumasok sa loob kung saan may mga SOCO at pulis na ang naroroon. Lalo siyang nagtaka at bumigat ang kaniyang nararamdaman sa labis na lito. Walang alam na dahilan siyang napaluha at nagsisisigaw.   “Let me in! Papasukin niyo ako, fiancé ko ang nasa loob ng bahay na iyan! Tangina, papasukin niyo ako!”   Ngunit pilit parin siyang pinapalabas ng mga pulis, ilang sandali pa ay nakarinig siya ng tunog ng bombero. Mabilis niya iyong nilingon at ng makita niyang sa kanilang direksyon ang tungo noon ay lumayo siya upang tingnan ang kabuuan ng kanilang bahay.   His heart sank the moment he saw their house with fire and full of dark shoddy smoke. Hindi na niya napigilang mapaluhod at matulala sa mga ideyang pumasok sa kaniyang isipan. Anna was inside the house when he left.   “Anna! Oh my God! Anna, please open your eyes! Please, God, Anna open the goddamn eyes!” Rinig niyang pagwawala at hagulgol ng isang babae na nasa loob na ngayon ng isang ambulansiya. At ng balingan niya ito ng mata ay doon na bumagsak ang kaniyang mundo ng makita ang punong puno na luhaang mukha ni Mia, ang kaibigan ng fiancé at taong totoo niyang mahal.   Dahan dahan at luhaan na rin siyang lumapit doon. Tila naging mabagal ang takbo ng oras habang nakatanaw siya sa isang katawan na halos nalapnos ang kalahating katawan. At ng tuluyan na siyang nakalapit ay napansin siya ni Mia. Dala ng sobrang galit ay pinaghahampas niya si James habang walang tigil parin ang pagdaloy ng luha sa mukha nito.   “This is your entire fault! You’re the fvcking reason why it all happen to her! Alam mo bang mahal na mahal ka ni Anna!? I know her so much to the point na ikamamatay niya kapag nawala ka! At kanina? She called me asking what to do with her useless life now that you left her! Buhay pa sana siya kung hindi mo siya iniwan! f*****g asshole, you could have save her if you were there when the gas stove exploded! Buhay pa sana siya, James! Pinagpalit mo ang taong walang ibang ginawa kung hindi mahalin ka ng sobra!”   James began to cry hard when he heard what happened. If only he were there, he could have save his fiancé. “   I ended the story after that and I saw how granny’s eyes tear up. She’s all crying and sobbing hard. But I know that she really like the story, gusto niya ang mga may ganoong ganap. And after this, my second thing to do is to plan how to kill Mary’s stepmother who really made her life as hell.   End of Chapter 07 – Thank You
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD