5 years ago
"Please go out with me!" Sabi ni Mr. Number 27 habang nakayuko sa harap ni Rie.
Napanga-nga na lang kami sa sinabi niya dahil
pinagtitinginan kami ng maraming tao. Nasa labas kami ng gym ngayon kasi kakatapos lang ng game at natalo kami ng FordAcademy. At nung palabas na kami bigla kaming hinabol ni Mr. Number 27 and alam niyo na kung ano yung sunod na nangyari.
“No” Seryosong sagot ni Rie. Nagkatinginan naman kami ni Nana tsaka sabay naming tinignan si Mr. Number 27 mula ulo hanggang
paa.
Hmmm. Gwapo naman. Magaling rin maglaro ng basketball. Mabait rin. Nga pala humingi siya ulit ng pasensya sakin paglabas namin and halata naman sincere siya. Nag mamadali lang talaga daw siya kaya hindi siya nakapag apologize agad.
“Hindi nga kita kilala eh! Bakit ako papayag makipagdate sayo?” Patuloy na sabi ni Rie dun kay number 27.
“Ha?” Sagot ni number 27 sa kanya.
“Ha?” Sagot din ni Rie sa kanya. Ano ba kasingnangyayari?!
“Hindi mo ko maalala?” Sabi ni number 27 sa kanya na parang anytime maiiyak na.
“Magkasabay tayo nag aantay ng bus. Minsan nga sabay tayong lumalabas ng subdivision eh. Magkatabi din tayo sa bus. Di mo ba talaga ako naalala?” Patuloy na sabi ni Mr. Number 27
Sabay namin tinakpan ni Nana yung bibig namin at nagpipigil ng tawa. Nagtataka naman na tumingin samin si Mr. Number 27 at si Rie naman napayuko na lang.
“Ah ano pangalan mo?” Tanong ni Nana dun kay Mr.Number 27. Habang pinipilit mag seryoso pero nagpipigil pa rin ng tawa.
“Stephen Reyes” Sagot naman niya kay Nana.
“Uhm ganito kasi yan Mr. Stephen. Eto kasing kaibigan namin sobraaaang labo ng mata. Kaya minsan lang siya makaalala ng tao kahit nakausap pa niya ng ilang beses makakalimutan niya pa rin yung mukha mo.”
Explanation ni Nana dun sa Stephen.
Inangat naman ni Rie yung mukha niya atsaka nagsalita.
“Sorry hindi ko talaga maalala mukha mo eh” Mahinahong sabi ni Rie sa kanya.
“Okay lang. Okay lang talaga. Pero ngayon kilala mo na ako diba? Maalala mo na ako?” Tanong naman ni Stephen sa kanya.
“Oo naman!” Nakangiting sabi naman ni Rie sa kanya. Wow ha mukhang may magkakajowa this year ha!
“So makikipagdate ka na sakin?” Tanong ni Stephen sa kanya. Lumingon naman kami kay Rie at hinintay yung sagot niya.
“Hindi pa rin” Nakangiti pa ring sagot ni Rie sa kanya. Napahawak na lang kami sa mga ulo namin. Minsan talaga si Rie ang hirap kausap.
“Susundin ko kahit anong gusto mo. Basta makipagdate ka lang sakin.” Sagot naman ni Stephen sa kanya. Wow pursigido talaga siya ha.
“Kahit ano?” Tanong ni Rie
“Opo. Kahit ano” Sagot naman ni Stephen sa kanya.
“Then dapat kasama ko mga bestfriend ko” Determinadong sagot ni Rie
“NO WAY!” Sabay naming sagot ni Nana.
“Excuse me? Ayaw namin maging chaperone no!” Sabi ko kay Rie.
“Sino bang may sabing magiging chaperone kayo? Mag ti-triple date tayo!” Excited na sabi ni Rie. Nababaliw na ata tong babaeng to.
“Since may boyfriend na si Nana. Pwede bang hanapan mo ng ka date si Ziel?” Tugon ni Rie kay Stephen habang tinuturo ako.
“Ano ba! Rie. Nababaliw ka na ba” Sita ko sa kanya sabay sampal ng hintuturo niya na nakatutok sakin.
“Sige. Sandali lang” Sagot ni Stephen tsaka nagmamadaling umalis.
“Hoy! Wag na- -” Di ko pa natapos yung salita ko nakabalik na kaagad si Stephen na may hinihila na lalaking matangkad.
“Makikipagdate daw siya!” Sabi samin ni
Stephen habang hinihingal.
“Hoy anong sinasabi! Anong makikipagdate? Hinila mo nga lang ako dito eh” Sabi nung lalaking hinila ni Stephen.
Naku po may nadamay pa nga sa kabaliwan ng aking kaibigan.
"Pumayag ka na pare. Ako bahala sa shift mo dun sa part-time mo next week." Bulong ni Stephen dun sa kasama niya pero rinig na rinig naman namin.
"Sino ba diyan?" Tanong nung isang lalaki tsaka tinuro naman ako ni Rie bilang sagot.
Tinignan niya ako from head to toe na parang isang judge.
ABA NAPAKABASTOS AH!
"Sige" Yun lang yung sinabi niya tsaka akmang aalis kaya sumigaw ako para maagaw yung pansin niya.
"BASTOS! MADAPA KA SANA!" Sigaw ko sa kanya pagkatapos ay umalis na.
Nakagigil! Anong tingin niya sakin? Isang bagay? Hays ewan! Basta ngayon pa lang ayoko na sa kanya!
AYOKO SA KANYA!!!
Narinig ko pa yung mga sigaw nila Nana pero di na ako tumigil. Badtrip na badtrip na talaga ako! Bahala na si batman kung ano mangyari ngayong sabado!