CHAPTER 10

1085 Words
“MARCUS!” Sabay kaming napalingon ni Marcus sa pinanggalingan ng boses. Madilim ang mukha ni Lionel na humahakbang palapit sa kinaroroonan namin. Lionel – “ Isang malakas na suntok ang pinakawalan nito sa kaibigan nang makalapit. Uundayan pa sana ng isa pang suntok ngunit natigilan dahil sa malakas niyang sigaw. “Tumigil ka nga, Lionel!” “Nandito lang pala kayong dalawa yet hindi mo sinasabi sa akin!” “Tama na, Lionel!” muli kong sigaw. “Ano ba ang problema mo? Bakit bigla ka na lang susugod at manununtok? What is wrong with you?” Nag-echo sa tahimik na paligid ang malakas kong sigaw. “Miya, it’s fine,” sabad ni Marcus. “Pasensiya ka na – “ “Anong pasensiya, Marcus? Bakit ikaw pa ang nagso-sorry e ikaw na nga itong nasuntok ng mabait mong kaibigan?” Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang ngumiti si Marcus. “Anong problema ninyo?” Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa saka tumayo. “Saan ka pupunta?” mariin na tanong ni Lionel. “Uuwi na ako.” “Hindi pwede.” Pinigilan niya ang kamay ko. “You’ll come with me.” “Ano ba?” Hindi na ako nakahuma pa nang hilahin niya ako at dalhin sa kung saan. “Lionel, will you please stop? Hindi ko na kayang maglakad pa!” Sa halip na sagutin niya ako ay walang kahirap-hiraap na binuhat niya ako. Nagmistula akong isang magaan na papel na nasa mga bisig nito. “You’re not going anywhere.” “Uuwi na ako! Ano ba?” Hindi niya ako pinakinggan kahit na malakas akong nagpupumiglas. Tila bato ang katawan nitong hindi matinag. Kalat na ang dilim kaya hindi ko maaninag kung nasaan na kami. Masyadong mabilis ang bawat paghakbang ni Lionel na pati paghinga ko ay hinahabol ko. Biglang bumukas ang isang malaking pinto at sumara rin agad nang makapasok kami. Tinalunton namin ang hagdan na walaa yatang katapusan. Oh, God! What he’s up to now? Ilang silid ang nakita kong dinaanan naming hanggang sa may muli na namang bumukas na pinto at saka kami pumasok. Mayamaya pa ay walang ingat niya akong ibinagsak sa malambot at malapad na kama. “Where are we? Bakit dito mo ako dinala?” “Para mailayo kita – damn!” Sinuntok nito ang pader kasunod ng pagdaloy ng dugo nito sa kamao. “Lionel!” Dinaluhan ko siya ngunit mabilis siyang umiwas. Lumabas ito ng silid kasunod ng nakakabinging paglagabog ng pinto. Sinundan ko siya subalit hindi ko mabuksan ang pinto! s**t! “Lionel, buksan mo ito! Mag-usap tayo! Ano ba, Lionel!” Helpless na bumalik ako sa kama. Wala akong naiintindihan sa lahat ng nangyayari. Paanong naging ganito ang kinahinatnan ng weekend na dapat ay nagpapahinga ako? Dapat sana ay nasa loob ako ng sarili kong silid at nanonood ng drama series na sinusubaybayan ko. Pero heto ako ngayon at nasa loob ng ng estrangherong silid dahil kay Lionel. Paanong naging kaibigan ni Dad isang lalaking tulad niya? At bakit niya ako tinatrato ng ganito? Pinagmasdan ko ang kabuoan ng silid. Kulay krema ang kulay ng pader na binagayan ng kulay na mga kurtinang kulay gray. Very manly tingnan. Malinis at maayos ang mga gamit. Triple ang laki niyon kung ikukumpara sa sarili niyang silid. Hindi biro ang magpatayo ng isang malaking bahay na malayo sa siyudad. Kung sabagay, hindi ko naman saklaw ang isip ng isang Lionel San Miguel kaya hindi ko maiintindihan ang takbo ng utak nito. Kailangan kong makontak si Dad. Gusto ko na talagang umuwi ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang mapagtantong wala na ang sling bag ko. Pag minamalas ka nga naman. Madilim na sa labas aat bahagya na rin akong nakaramdam ng gutom. Kung nasa bahay ako ay tiyak na kinakatok na ako ni Manang Carlota upang maghapunan kasama si Dad. Pagod na akong makipagtalo pa kay Lionel. Hindi siya marunong makinig sa sinasabi ko at sa huli ako pa ang hindi makaintindi. Si Marcus naman na kaibigan nito ay tila masaya pa na nasapak ng kaibigan niyang may sayad na yata sa utak. Hay, what a bunch of fools. Marahan akong kumilos upang pumaloob sa kumot at saka ipinikit ang mga mata. Susulitin ko na ang manatili sa mala-palasyong bahay na ito dahil hindi na ako makakapayag na maaulit pa! Sisiguruduhin kong hindi na muli pa akong madadala rito ng Lionel na iyon! Napakislot ako nang maramdaman ang marahang paghaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat. Ilang oras na ba akong nakatulog? Tumambad sa akin si Lionel na nakaupo sa gilid ng kama. May kakaibang kislap ang mga mata nitong nakatunghay sa akin. Gloomy. Bakit parang malungkot ito? “Lionel?” Unti-unti akong bumangon. Bigla itong nag-iwas ng tingin. “I know you’re starving. Get up and we will eat dinner.” Nakunot ang noo ko nang may mapansin sa mukha niya. May dugo! “Ano ang nangyari sa iyo? Bakit kaa may dugo?” “Just don’t care about it.” “Nakipagsuntukan ka ba?” Bakit ko nga ba pinakikialaman ang lalaking ito? “Bahala ka nga sa buhay mo!” Hindi pa rin ito sumagot hanggang sa tumayo. “Handa na ang hapunan. “They are all waiting for you.” “They? Sino?” “Matagal pa ba kayo riyan?” anang boses mula sa pinto. It’s Vince voice. “Nagugutom na kami, Lionel.” “So, nandiyan pala ang mga kaibigan mo.” “Come on, let’s eat. Ayaw kong malipasan ka ng gutom.” Akma pa niya akong aalalayan ngunit umiwas ako. Kusa na akong bumangon at saka inayos ang sarili. Pagkatapos ay nauna pa akong humakbang patungo sa pinto. “Miya, I’m sorry.” Natigil ako sa paghakbang. Ilang beses ko na nga bang narinig ang salitang iyon mula sa lalaking hindi ko maintindihan ang laman ng isip? Napalunok ako nang makitang nakatungo ito at bahagyang ginagalaw ang isang paa. Nasa loob ng bulsa nito ang dalawang kamay. What’s wrong with him? “I was wrong to bring you here. I’m so – “ “Tama na, Lionel.” Sunud-sunod akong napalunok. Tila hindi ko gusto ang nakikita ko sa anyo niya. “Kumain na tayo. Nai-inip na ang mga kaibigan mo.” Hawak ko na ang seradura ng pinto nang bigla may humatak sa akin at ikinulong ako sa mga bisig nito. “I can’t help it, Miya.” Bumaba pa ang ulo nito sa kanang balikat ko saka mahigpit akong niyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD