CHAPTER 9

1111 Words
LALO LAMANG nadaragdagan ang inis ko kay Lionel dahil sa tuwing magrereklamo ako at may sasabihin ay hindi niya ako tinantanan ng halik kahit pa nasa gitna pa kami ng biyahe. Saglit lang kaming tumigil sa dinaanang kainan saka umalis na rin agad. Hindi ko alam kung bakit pumayag si Dad na isama ako samantalang hapon na ay nasa biyahe pa rin kami. Wala na yatang katapusan ang kalsadang tinatahak namin kaya naman tuluyan na akong nainip. “Why don’t you just take a nap? Sa tingin ko ay naiinip ka na.” Umirap lang ako saka ibinaling ang pansin sa daan. Wala akong lakas na makipag-usap pa sa isang lalaki na hindi rin naman maayos kausap. Wala rin namang saysay ang ano mang nais kong sabihin. Isang malaking itinatayong bahay ang sumalubong sa amin nang itigil niya ang sasakyan. Hindi pa man ako nakakababa ay kapansin-pansin na ang malaking kabuoan niyon. Tila isang tirahan ng isang reyna at hari ang ginagawa dahil sa taas at lawak ng sakop. Maaari ring isang establishment na pangnegosyo ang itinatayo. Pero bakit narito kami? Inilahad niya ang kamay nang palabas na ako ngunit tinanggihan kong tanggapin. Malalim lang itong bumuntunghininga na ipinagsawalang bahala ko lang. Gusto ko na lang matahimik hanggang sa matapos na ang araw na kasama ko siya at makauwi na ako sa amin. Tatlong lalaki ang lumapit sa amin na mabilis akong sinipat bago bumaling kay Lionel. Nakahalukipkip kong pinagmasdan ang buong paligid. Tanging ang mga tao lang na nagtatrabaho ang naroon. Wala rin ibang katabing bahay man lang. Maganda, tahimik at presko ang kabuoan ng lugar subalit nakapagtatakang wala pang ibang naitayo na kahit na anong establisyemento. Marahil ay iyon ang una kaya siguro napakalaki. “We’re thinking of going home na sa pag-aakalang hindi ka na darating,” ani ng isang lalaki na pinakamatangkad sa lahat. “Now, we knew why.” Saglit akong tinitigan nito kasabay ng pagngiti. “Shut up, Marcus,” sagot ni Lionel. “Hi,” ani ng isa na maluwang na nakangiti sa akin. “You must be, Miya, right?” “Yeah,” matabang kong sagot. “I’m Vince. Kaibigan kami ni Lionel. Sila naman sina Marcus at Zein.” Turo nito sa dalawa pa. “Hindi namin alam na may isang magandang binibini palang kasama ang kaibigan namin.” “I actually believe that he’s punctual,” naiiling na sabad ni Zein. “Lunch meeting huh?” Natutop nito ang noo. “Anyway, nice meeting you, Miya. We’re so happy to finally meet you.” Inabot nito ang kamay ko saka hinagkan ang ibabaw niyon. Wait! Ano ang ibig sabihin niyang finally? “Zein…” malumanay na tawag ni Vince. “Sorry, na carried away lang ako.” Kinindatan niya ako. “I guess babalik na muna ako sa loob. See you later, Miya.” “Pagpasensiyahan mo na si Zein, Miya. Hindi talaga iyon marunong makiramdam,” giit na wika ni Marcus. “What do you mean?” Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa mga lalaking nasa harap ko na kulang na lang yata ay tunawin ako sa mga titig na ibinabato sa akin. “Let’s go,” singit ni Lionel saka mahigpit akong hinawakan sa braso samantalang mataman lang na nakatingin sina Vince at Marcus. “Where are we going?” “Stop talking.” Halos kaladkarin na niya ako. “Lionel, ano ba? Bitiwan mo nga ako!” Sa bilis ng paghakbang niya ay halos takbuhin ko ang bawat paghakbang. “Lionel, ano ba!” Saka lamang ito tumigil at hinarap ako. “Will you please stop talking, Miya? Hindi mo ba maintindihan?” “Why should I stop? Mali ba na magsalita ako? Ano, Lionel? Kaya mo ba ako dinala rito para lang sumunod sa mga gusto mo?” Marahas kong tinanggal ang braso ko na hawak nito. “Alam mo, tama ka. Hindi nga ako makaintindi kasi hindi kita maintindihan!” Tinalikuran ko na siya at tinalunton ang daan pabalik kung saan niya iniwan ang sasakyan. “Miya! Miya!” Wala na akong pakialam kung saan man ako dalhin ng dalawa kong paa. Balak ko lang sana na sa loob na lang ng sasakyan mag-stay ngunit mas lumakas ang loob ko na humakbang palayo nang marinig ang sigaw ni Lionel. I hate him. I really hate him. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan para pahirapan ako ng isang lalaking malapit kay Dad. Hindi ako tumigil sa paghakbang hanggang sa matanaw ko ang isang tulay. May ilog at ang linaw ng tubig! It’s so refreshing to look at! Unti-unti akong lumapit sa tulay at walang ingat na upo. Bago ko pa tuluyang mailaylay ang mga paa ko ay mabilis kong tinanggal ang suot kong sandals. Inilagay ko sa tabi ko saka marahang isinawsaw ang paa ko sa malamig na tubig. Unti-unti akong nakaramdam ng kaginhawaan. Atleast, lumuwag na ang aking paghinga. Ito na yata ang pinakamasayang bahagi ng pagsama ko kay Lionel. Kung gaano kainit ang ulo ng lalaking iyon, ganoon naman kalamig ang hatid ng tubig kung saan nakababad ang mga paa ko. “Miya? Lionel’s been looking for you. Nandito ka lang pala.” Papalapit si Marcus. “Can I join you?” “Paano mo nalaman na narito ako?” “Just a wild guess. Wala namang ibang lugar dito na maaari mong puntahan. Nag-away ba kayo ni Lionel?” Komportableng naupo ito sa tabi ko. “Nagwawala nang pumasok sa loob ng opisina niya.” “Paano ninyo ba naging kaibigan ang lalaking iyon? Parang bulkan kung magalit, e.” “Sa iyo lang naman ganoon iyon,” bulong nito. “Ano ang sabi mo?” “Wa-wala. Ang sabi ko, baka may problema lang siya. Pagpasensiyahan mo na.” “Kung ako sa inyo, hindi ko gugustuhin na maging kaibigan siya. Mabuti na lang at natatagalan ninyo ang ugali ng lalaking iyon. In the first place, hindi ko alam kung bakit sinama niya ako rito tapos bigla-bigla na lang magagalit at sisigawan ako. Ang sabi niya hindi ko raw ako makaintindi. Well, tama naman siya kasi hindi ko naman talaga maintindihan ang ginagawa niya sa akin!” “You’re really upset. Hindi naman kita masisisi.” Mahina itong tumawa na naag-echo sa paligid. “Wala ka ba talagang ideya kung bakit siya bigla na lang nagalit?” “Wala.” “I see.” “Anong I see?” “Hayaan mo na lang si Lionel. Mamaya lang, okay na ulit iyon. For the meantime, let me join you here. Masarap ba sa paa ang tubig?” “What do you think?” Sabay kaming napangiti saka masayang nagpaapadyak sa tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD