CHAPTER 8

1083 Words
ILANG SEGUNDO na siyang nakaupo sa backseat ngunit hindi pa rin umaandar ang sasakyan. Pinili niya na lang na tingnan ang mobile phone at saka nag-browse sa isang social media site. Minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin yatang balak na umalis. “Kung hindi tayo aalis, bababa na ako.” Ibinalik ko na ang mobile phone sa sling bag ko. Hawak ko na ang handle upang lumabas ngunit ayaw bumukas niyon. “Please unlock this. Bababa na ako.” “You can’t.” Nakatim bagang na sagot nito. “What? Ayaw mong paandarin ang sasakyan tapos ayaw mo pa rin akong pababain? What’s up with you, Lionel?” “Is it really hard to sit beside me?” Kaya ba hindi niya pinapaandar ang sasakyan dahil nasa backseat ako? Unti-unti akong kumalma. “Gu-gusto mo bang tabihan kita riyan?” Marahas itong nagbuga ng hangin nang hindi inaalis ang mga titig sa akin mula sa rearview mirror. “Kahit na ako ang nag-imbita sa iyo na samahan ako, you don’t have the right na gawin akong driver.” Lalong namilog ang kanyang mga mata sa narinig. The mighty Lionel San Miguel looked so down being a driver. Mayamaya pa ay napangiti ako. “Alright, lilipat na ako riyan sa unahan.” Nang pihitin ko ang handle ay bumukas na ang pinto. Gusto kong matuwa ngunit pinigilan ko na parang may bumubulong sa akin na bawal kong gawin ang bagay na iyon. Kusa ng bumukas ang pinto ng sasakyan sa harapan nang matapat siya roon kasunod ng paghila sa kanya papasok sa loob. Walang lakas na bumagsak siya sa upuan kasunod ng paghila ni Lionel ng seatbelt na agad na ikinabit sa akin. “Sinisigurado ko lang na hindi ka na makakaalis sa tabi ko,” mahina ngunit madiin na bulong nito sa taenga ko. “Hi-hindi ko naman alam na – “ May kung anong lumapat sa labi ko. His lips on mine! Ang kalambutan niyon ay marahang gumagalaw na tila nais buksan ang bibig ko upang makapasok. “Stop it – “ Muli na naman nitong pinigilan ang nais kong sabihin. Rinig na rinig ko ang matunog nitong halik na kulang na lang ay lamunin ang labi ko. Nang magsawa ito ay hinaplos pa ang magkabilang pisngi ko saka bumalik sa kinauupuan. “Hindi lang iyan ang gagawin ko sa oras na iwasan mo pa ako ulit.” Naramdaman ko na lang na umandar na ang sasakyan matapos ang ilang sandali. Pinaghalong pagkagulat at kaba ang nangingibabaw na damdamin sa aking dibdib. Wala ng naging ingay sa loob ng sasakyan kung hindi ang mahinang tugtog mula sa radio. Kusa ko ng ini-on iyon dahil pakiwari ko hindi ako makakahinga ng maayos dahil sa nakakaabinging katahimikan. Gusto ko siyang komprontahin ngunit hindi ko magawa. Natatakot ako na muli na naman niyang gawin iyon kapag may ano mang salitang lumabas sa bibig ko. I’m defenseless pagdating kay Lionel. Nag-uumapaw ang malakas nitong awra na hindi niya kayang pantayan. “Do you want to eat food?” Hindi ko ito nilingon na parang wala lang nangyari. “Malayo ang pupuntahan natin kaya naman mas mainam siguro na kumain tayo sa madadaanang kainan o restaurant.” “I’m not starving.” Sabay pa kaming nagkatinginan nang bigla na lang nagrambulan ang loob ng aking tiyan. Nakangiti itong bumalik sa pagmamaneho. “Now, you’re starving.” “Hindi nga ako gutom at kahit ano pa ang gawin mo ay hindi ako kakain. Mabuti pa, bilisan mo na lang ang pagmamaneho pa-para makarating na tayo sa pupuntahan natin. Kapag tumigil pa tayo ay lalo lamang tayo matatagalan.” Hindi na niya naitago ang pagkainis. “Hindi kita kayang tiisin, Miya. Sapat na ang narinig ko mula sa tiyan mo para mag-stop over tayo at kumain. No ifs, no buts. Maliwanag?” “Bakit ba ang kulit mo, Lionel? Sinabi nan gang hindi ako nagugutom e!” “Your words didn’t match with your eyes, sweetie. Hindi mo naman kailangang mahiya sa akin. It’s on me.” “That’s not what I mean!” “Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Arman kapag nalaman niyang pinapabayaan kita? Hindi ko kayang dumihan ang pangalan ko dahil lamang sa gutom na tinitiis mo.” “Paano naman ako magugutom? Baka nakakalimutan mong kumain tayo bago umalis ng bahay namin.” “That was hours ago, sweetie. Hindi maipagkakailang kahit ako ay nagugutom na rin.” Sinipat ko ang relong suot. Mag-aalas dose na pala ng tanghali! “Saan ba kasi tayo pupunta at ilang oras ka ng nagda-drive pero – “ “You’ll know when we get there.” “Alam ba ni Dad kung saan tayo pupunta? Hindi siya papayag kung sa malayong lugar mo ako isasama!” “Are you mad, sweetie?” Kanina pa ‘to sweetie ng sweetie, nakakainis na! “What do you think? And please lang, don’t call me sweetie. We’re not - ” “We’re not what, Miya?” “A thing!” “Oh!” Lumawak ang pagkakangiti nito. “Maybe you’re right.” “Bakit mukhang masaya ka pa yata?” “Gusto ko. Dahil…kasama kita.” Sabay na uminit ang magkabilang taenga ko pati na rin ang pisngi ko. This was so unlikely of Lionel. Hindi ako sanay. Hindi ako makapaniwala na sinabi nito ang mga salitang iyon sa akin. “You don’t what you’re saying, Lionel. This isn’t right! You heard me? Hindi tama ang mg sinabi mo. Mali ito, okay? Isa ka lamang sa kaibigan ni Dad – a business partner rather pero wala kang karapatan sa lahat ng bagay na ginagawa mo sa akin.” “You know nothing, sweetie.” “Stop calling me that! I am not your sweetie, okay?” Lumabas na yata ang lahat ng galit sa dibdib ko. Hindi ko alintana ang pagsigaw ko sa kanya. “You can’t stop me, Miya.” “Bakit mo ba ginagawa sa akin ito, Lionel? Am I just a thing to you na kaya mong paglaruan ng basta-basta na lang?” “You don’t understand what you’re saying, Miya.” “Then enlighten me!” bulyaw ko. May ilang butil ng luha ang humulagpos sa mga mata ko. Nasasaktan ako sa mga bagay na hindi ko maintindihan. Lalo pang bumigat ang dibdib ko dahil sa sama ng loob. “As you said so,” anito saka muli akong kinabig at mariing inangkin ang mga labi kong minarkahan na ng mga labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD