HINDI KO na nakita pa ang mga kaibigan ni Lionel matapos ang ilang minutong pagyakap niya sa akin. Tahimik na magkaharap na lang kami ngayon sa harap ng hapag-kainan. Ilang putahe rin ang nakahanda at pawang masasarap kaya naman wala na akong inaksaya pang oras. Gutom na talaga ako. Hindi na ako nag-abala pa na kausapin su Lionel dahil baka mawalan lang kami pareho ng gana sa pagkain.
Gabi na at alam kong hindi na rin kami makakauwi kaya naman might as well i-enjoy ko na lang ang sandaling iisipin ko na lang na napadpad ako sa malayong lugar.
“Tapos na ako.” Maingat kong inilapag ang kutsara at tinidor sa plato saka tumayo. “Pwede bang mag-request? Ma-masyadong malamig sa kwarto. Gusto ko sana mag-request ng isa pang kumot.” Wala itong kibo kaya iniwan ko na ito.
Lalo pa yatang lumamig sa loob ng silid subalit mas nanaig sa akin na tunguhin ang banyo. Hindi ako sanay na natutulog ng hindi man lang naglilinis ng katawan kaya naipagpasalamat ko talaga nang makita ang isang roba na nakasabit roon. Agad kong hinubad ang suot kong saplot at isinabit sa likod ng pinto. Sunod ko itong ni-lock. Isinara ko pa ang kurtina upang masigurado na safe ako sa loob ng banyo.
The whole bathroom is huge. Pwede ng gawing isang silid sa laki niyon. Tiyak na karugtong lamang ng mala-palasyong bahay na pinapagawa ng lalaki ang inookupa kong silid pero hindi ko talaga lubos maisip kung para saan ito. Kahit sino yatang titira sa lugar na ito ay isang takas… takas sa magulong mundo.
I’m not sure pero iyon ang sinasabi ng isip kong kakarampot lang kumpara sa isang katulad ni Lionel. He’s the heir of San Miguel Companies. Sa edad niya ay marami na itong napagtagumpayan while I am just a merely employee of my father’s small business. Sino ba naman ako para i-provoke ang isang Lionel San Miguel.
Malakas akong nagbuga ng hangin. Dad was right. Hindi magtatagal ay ako ang mamamahala ng negosyong pinaghirapan nito ng maraming taon. Wala akong ibang mapagbubuntunan ng obligasyong iyon because I am Arman’s only child. A daughter.
But how can I be positive on looking forward to it kung si Lionel ang gustong gawin ni Dad na trainer ko? Hindi ako nagdududa sa kakayan niya pe-pero… sa nangyayari ngayon, tila wala akong matututunan kung hindi ang awayin siya. So, ano ang mapapala ko?
Wow! This is amazing! Ang sarap sa pakiramdam ng maligamgam na tubig sa aking katawan. So refreshing! Ito ang pinakamasarap sa feeling. Ipagsasawalang-bahala ko na lang muna ang inis ko kay Lionel. Susulitin ko ang kaginhawaang hatid ng pagbabad sa ilalim ng shower. Nakakapaagod ang isang buong araw na walang nangyari kung hindi ang pakikipagtalo ko sa lalaking kulang na lang yata ay ampunin ng sarili kong ama.
“Argh, this feels so good!” Balot na ako ng roba sa katawan. I’m totally satisfied with its service. Bigla akong natawa. Mabuti pa ang shower napagaan ang loob ko unlike him. Bakit ba lagi ko siyang naiisip? Ah, basta! Naiinis ako sa kanya!
Kinuha ko ang towel na nakasampay sa isang upuan. Pinunasan ko ang basa ko pang buhok nang mapansin ang isang bulto na malayang nakahiga sa kama. Na-nakahubad!
“Hoy! Nakahubad na lalaki! Ano ang ginagawa mo rito? Tumayo ka nga riyan! Umalis ka nga sa silid ko!” Nang makalapit ako sa kanya ay hinablot ko ang unan at hinampas sa nakapikit na bastos na lalaking ito! “May balak kang gawin sa akin, no? Well, hindi ka magtatagumpay! Over my dead body!” Nanlaki ang dalawa kong mata. Nakangisi si Lionel! “What are you doing here?” Nahawakan nito ang magkabilang braso ko. “Bitiwan mo ako!”
“You attack me first, sweetie. Paanong hindi ko tatanggapin ang alay mo?”
Napalunok ako. Ilang saglit na naghinang ang mga mata namin. Nakangiti ang mga mata niya habang ang nakataas ang isang bahagi ng labi. Nanunuot ang bawat titig nito sa kabuoan ng mukha ko. “Bi-bi-tiwan mo ako, Lionel.”
“Pagkatapos ng lahat ng sinabi mo sa akin, sa tingin mo ay pakakawalan kita, hmmn?” Nakakaloko pang kinagat niya ang ibabang labi.
“A-akala ko kasi ay m-may ibang tao na nakapasok dito. Hi-hindi ko alam. Please, Lionel, bitiwan mo ako.” May kung anong nagbabaga sa mata nito na hindi ko yata kayang tagalan. Nawawalan ako ng lakas. Unti-unti akong natutunaw.
“Maraming namamatay sa maling akala, sweetheart.”
Nagkadabuhul-buhol na ang paghinga ko lalo pa nang halos wala ng distansiya ang pagitan ng mukha namin. Paanong nakalapit ito nang hindi ko namalayan?
“Don’t call me that. Hindi ako – “ Ang isang daliri nito ay nasa labi ko.
“Please, don’t say anything.” Masuyong pinaglandas ng daliri sa hugis ng labi kong kusang sumarado. Mariin itong suminghap ng hangin kasunod ng pagsuyod ng kabuoan ng mukha ko. May kung anong hinahanap ito.
“Lionel, this is not right.”
“Are you sure? Bakit hindi ko nakikita sa mga mata mo ang sinasabi mo, Miya? Are you really true to yourself, sweetie?”
“Lionel, hindi kita maintindihan. Please, let me go.”
“No! You’re not going anywhere!” Bigla niya akong binitiwan saka ni-lock ang pinto. “Ipapaintindi ko sa iyo, right here, right now!”
Nabuhay ang takot sa dibdib ko. Nag-transform si Lionel into a ferocious wolf. Huli na para mapagtanto ko na nasa ibabaw ko na siya at sakop na ang mga labi kong nagpapaubaya. Ramdam ko ang mabilis na paggalaw niya kasabay ng pagpasok ng dila sa loob ng bibig ko. Wala akong alam sa nangyayari bukod sa nasa ilalim ako ng lalaking ilang araw ko pa lang nakilala at kinaiinisan ko pa!
Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang tumigas sa bandang ibaba ko. Ang isang kamay ni Lionel ay nagsimula ng humaplos sa leeg ko patungo sa dibdib kong nakahantad na! Hindi ito tama! Wala kaming relasyon para mangyari ito sa amin! Inipon ko ang buong lakas ko upang itulak ang malaki niyang katawan. Dumapo sa pisngi nito ang malakas na sampal ko. Halos maiyak ako sa kahihiyang bumabalot sa damdamin ko. Sa buong buhay ko, hindi ko pa naranasang takasan ng sarili kong dangal.
“Why are you doing this to me?” Humagulhol ako dulot ng pagkalito. “Am I look like a w***e to you? Ganoon ba? Katawan ko ba ang habol mo sa akin kaya nakipagmabutihan ka kay Dad? Tell me, Lionel para matapos na ito!”
Nagtagis ang bagang niya hanggang sa lisanin niya ang kama at tinungo ang pinto. Saglit na tumigil saka malakas na pinagsusuntok iyon. Napanganga ako nang muli na naman umagos ang napakaraming dugo mula sa kamay nito. Wala itong balak tumigil kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na lapitan siya at pigilan.
“Lionel, tama na!” Hindi ko alam kung bakit umiiyak pa rin ako. “Lionel!” malakas kong sigaw pagkatapos kong makita na umiiyak na rin pala ito. Kasabay ng pag-agos ng dugo nito sa kamao ay ang pagtulo ng luha nito. Agad ko siyang niyakap. “Tama na, please!”