Chapter 2
Holy crap! Nakakainis!
Parang ayaw ko na yatang pumasok simula bukas dahil sa nalaman ko. Bakit kasi ako pa?!
The f**k who's that girl?
Sino ba yang babaeng yan para awayin si Yeshua ko?!
Taga Computer science department daw.
Really? Ang kapal naman ng mukha nyan!
"Arghhhh!" Inis kong sinara ang loptop ko ng mabasa ang issue sa campus. "Kasi naman eh!"
Bakit kasi siya pa ang swerte kong nakabungguan? Sigurado akong pag-uusapan ako nyan sa Campus dahil sa nangyari kanina. Tsk.
Yung lalaking yon? Isa siya sa pinaka iniiwasan kong tao sa Campus. Ang letsyeng hari ng Ephesians.
Sikat siya hindi lang sa ang goodlooking niyang lalaki, sikat din siya sa pagiging fuckboys ng Campus na magaling daw mag basketball na palaging mvp sa Varsity. Tsk. Anong laban ng kapogian ko dun?
"Hayst, bahala na!" Hindi naman ata niya namukhaan ang magandang mukha ko kanina eh!
***
Kinabukasan, sinadya kong late pumasok sa Campus para unti lang ang makakasalubong kong mga chismosa, bago pumasok sa first class subject.
Medyo binilisan ko na ang paglalakad papunta sa napakalayong building dahil malapit ng magtime, at baka madetention pa ang katahimikan ko.
"Gusto mo bang basagin ko yang mukha mo?!"
Napatigil ako sa paglalakad paakyat ng hagdan, ng may narinig akong sumigaw.
"Ano yon?"
Bumalik ako sa baba mula sa pagkakaakyat ng hagdan at takang pinuntahan ang pinag-mulan, palihim akong tumingin sakanila. May binubully sa likod ng eskinita sa likod ng building. Mga engineering students ata.
Walo silang mga estudyante na puro mga lalaki at mukhang maasim habang ang isa ay dinidikdik nila sa dingding at pinagtutulungan. Tsk.
"Ibibigay mo sakin yung hinihingi ko o uupakan kita?!" Maangas na amba ng isang lalaki sa kawawang first year ata.
"W-Wala na t-talaga sakin, M-Migs." Naiiyak na ani ng lalaking pinagtutulungan nila.
Dahil sa inis ng lalaking kulay green ang buhok, marahas niyang hinatak ang kwelyo sa likod ang lalaking binubully nila, at agad na ilang beses na pinag-susuntok.
"Ibibigay mo o ibibigay mo?!"
Kinuyom ko ang kamay ko sa awa at agad na nilapitan ang lalaki para tulungan.
Tangkang susuntukin ulit ng lalaking greeny hair ang mukhang first year ng bigla kong hinubad ang suot kong bag at binato ko sakanya para tamaan siya para tumigil.
"Aray! Put-tangina" Bumagsak siya ng tamaan ko ang ulo niya.
Boom headshot.
Napatingin siya sakin pati narin ang mga kasamahan niya ng bigla akong lumitaw sa kung saan.
Dali-dali akong pumunta sa lalaking binubully nila para tulungan. "Hey, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sa kawawang lalaki.
Malamang hindi! Ano ka ba naman Seah?
Tinapik ko ang lalaki para sagutin ako nito pero napatingin lang siya sakin. Dumudugo ang labi niya at puro pasa ang katawan, lukot narin ang suot niyang uniform.
"Girlfriend?" Natatawang tanong ng isang bully na lalaki sa likod ko. Malakas silang nagtawanan ng mga kasamahan niyang maasaim sa tanong niya.
"Princess Charming ata tol! HAHHAHAHAH."
Princess Charming? Kung sapakin ko kaya mukha mong kulugo.
"Chix pre!"
"Ganda ah, magkano ka ba?" Tanong pa ng isa.
"WHAHHAHAHAHHAHA"
"Sexy, pare!"
Naiinis ko silang nilingon habang natatawa silang pinapanood kami.
"f**k you." Inis kong mura sakanilang lahat na ikinatawa muli nila. Papanget niyo tanga!
"Wow palaban, masarap sa kama yung mga ganyan eh." Pagnanasang sabi sakin ng lalaking nakaheadband na blue habang pinasandahan niya ng tingin ang mga hita ko.
Dahan-dahan niya kong nilapitan at hinimas ang buhok ko, iniwas ko ang tingin ko sakanya.
"Titigilan niyo siya o irereport ko kayo sa Guidance?" Lakas loob kong hamon habang pinoprotektahan ang lalaking nasa likod ko na binugbog nila.
Hinuli niya ang tingin ko at tinitigan ang labi ko habang nag-iisip. Manyak!
Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa tenga ko at bumulong. "Basta ikaw ang kapalit." Sabi niya na ikinataas ng balahibo ko.
Tinulak ko siya ng malakas at agad na sinuntok ang mukha niya. Kapalit pala ah!
"A-Aray lintek! Hawakan niyo siya!" Malakas na sigaw niyang utos, na agad namang sinunod ng mga kasamahan niya habang natatawa.
Marahas akong hinawakan ng dalawa niyang kasamahan sa magkabila braso ko at tinapunan niya muli ako ng tingin.
Natatawa niyang hinihimas-himas ang panga niyang sinuntok ko habang galit siyang pinapanood ako. Tsk. Ulitin ko pa yan eh!
"Ayoko sa lahat yung mga bastos na kagaya mo."
Inis niya kong tinitigan at dahan-dahan siyang lumapit sakin at malakas akong sinampal. Mali atang nakielam ako.
Sakit p-pucha.
Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang palad niyang tinama sa mukha ko.
Marahas niyang hinawakan ang buhok ko at nilapit sa mukha niya. Napatayo ako sa ginawa niya. "Gusto kitang tikman." Manyak niyang sabi at hinawakan ang batok ko ng mariin para mapalapit sakanya.
Hindi pa man nagdidikit ang mga labi namin ng may biglang may humaras na humatak sakanya palayo sakin at agad siyang malakas na sinuntok.
Muntikan na yon.
Namilog ang mga mata ko sa gulat ng makitang may lalaking nakikipag-laban mag-isa laban sakanilang lahat. Nakatalikod siya sakin at nakasuot din ng school uniform.
Ang tikas niyang tignan, at parang walang kinakatakutan, kung babae lang sana ako baka nahulog na dito ang panty ko.
Malakas niyang nilabanan ang mga kasamahan ng lalaki at sinipa pa ang isa ng muntikan pang makaulit sakanya ng tama, tankang susugudin pa siya ng dalawang bully na may mga hawak ng mga kahoy, ng mabilis siyang kumilos at inunahan niya na.
Parang hindi natatakot...
Ang lakas ng dating parang si Superman.
Mabilis na nagsisitayuan ulit ang mga kalaban niya kapag natutumba para kalabanin siya, pati narin si m******s ayaw rin magpatalo, napasin kong palihim na kumuha sa bulsa niya ng patalim habang nakatalikod sakanya si Superman.
Holy Crap!
"Pakielamero!"
Taranta akong napakilos para pigilan ang m******s sa balak niyang gawin sa lalaki at nagmadali akong tumakbo palapit sakanila, hinila ko ang damit ni m******s sa likod para mahatak siya para tumigil nang nabitawan niya ang patalim na hawak niya at galit na galit niya akong sinabunutan ng makielam ulit ako sakanya.
"Kanina ka pa! Gusto mo talagang makatikim?!" Pikon na galit na sabi sakin ni m******s habang pilit akong kumakawala sakanya.
"T-Tangina." Daing na mura ko ng matumba ako sa ginagawa niyang pananam-bunot sa buhok ko.
Tankang susuntukin niya ulit ang mukha ko ng may pumigil sa kamay niya at hinatak siya. Nabitawan niya ko at bumagsak siya ng malakas ng makatikim ulit siya ng uppercut kay Superman.
Astig!
Yung mga mata niya walang emosyon kahit napakarami niyang mga kalaban. Mabilis, malinis, at malakas siyang makipag rambulan, napakalakas ng dating niya parang nasa action movie!
Nagkasalubong ang mga mata namin ng matapos siya sakanila sa pakikipaglaban.
Hindi ko siya mabasa, nakakatuwa.
Nang nakabulagta na ang mga nakalaban niya, nagmadali agad akong tumayo at mabilis siyang nilapitan at tinignan kung nasaktan ba siya. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko habang tinitignan ang sugat sa pisngi niya sa mukha na dumudugo. Daplis lang naman pero masakit parin siguro.
Hindi siya sumagot at tinitignan niya lang ang mukha ko. Gusto ko lang naman tanungin kung okay lang siya, para namang walang narinig.
Nag-iwas ako ng tingin sakanya ng mapansin kong malalim niya lang na tinititigan ang mga mata ko. "Sorry." Mahina kong sabi ng mapasin na malapit pala ako sakanya. Tsk.
Tinalikuran ko nalang siya at pinuntahan ang pinagtulungan ng mga bully kanina nang makuha ko ang bag kong binato sa kung saan sa lalaki.
"Punta tayo sa Clinic, ha?" Ngiti kong tanong sa napagtulungan at agad naman siyang tumango bilang pagsagot.
Maingat na nilagay ko ang kamay niya sa balikat ko para hindi siya mahirapan maglakad kahit napaka mabigat.
"Ako ng bahala dito." Napaligon ako sa lalaking tumulong samin ng biglang malamig na nagsalita ito. Parang familiar yung boses niya. San ko nga narinig?
Tinignan ko lang siya saglit at agad na kaming umalis ng mukhang first year at maingat na tumungo sa Clinic.