HANA’s POV Matapos ako masundo ni Oba-san ay agad ako nitong isinama sa kanyang kwarto. “Oba-san, ano na naming gagawin natin?” tanong ko rito. Sa totoo lang ay may kutob na ako pero gusto ko lang siguraduhin ang lahat at depende lamang iyon sa magiging sagot niya. Sapilitan ako nitong pinaupo kama nito kaya wala na akong ibang nagawa pa kundi pagmasdan ito habang abala sa ginagawa. Napangiwi na lamang ako nang makita ang hawak nitong dress. ‘Hmmm, mukhang alam ko na kung para saan ang lahat.Kailangan ko nang gumawa nang rason para makaalis sa kwartong ito. Agad akong napatayo para sana lumabas na rito. Napaiwas muna ako tingin nang lumingon ito sa akin habang suot ang kakaibang ngiti. Alam ko na ‘to!!! “Si-siya nga pala Oba-san, hi-hindi pa ako kumakain hehehe,” palusot nito saka

