Halos alas-siyete na ng gabi nang makarating ang dalawa sa pinagtatrabuhan ni Kael. Agad na bumungad sa kanila si Charmy habang hawak-hawak ang isang box na may lamang mga chichirya sa loob. Kasalukuyan kasi nitong pinupunan ang mga bakanteng lagayan ng paninda sa shelves na kanina ay naubos ng mga mamimili. “Aba naman. Buti at naisipan mo pang pumasok huh?Kanina pa ako nandito oh!” walang lingon-lingong reklamo ni Charmy habang patuloy pa rin sa pagbuhat ng mga boxes. Bahagya namang nahiya si Kael lalo pa at kasama lamang niya sa tabi ang kanyang guro.Palihim siyang napakagat ng labi at napakamot ng ulo. Habang ang kanyang guro naman ay patuloy lamang sa paglakad sa loob. Sakto naming napaharap sa kanila si Charmy.Bahagya itong natigilan nang makita niya ang dalang bag ni Kael. Napaiwa

