“Ehhh??” hindi makapaniwalang tanong ni Honey matapos makita ang score niya sa statistics. Hindi katulad ng inaasahan ay mas mababa ng sampung puntos ang nagging grado niya. Wala namang ibang ginawa si Zane kundi tawanan ang kaibigan. “HAHAHHA, ‘yan gala pa!” pang-aasar pa sa kanya ng kasama. Napangiwi na lamang siya hangggang sa mahagip ng mata niya si Kael na parang tanga na nakangiti. Maging si Zane ay napataas ang kilay nang mapansin ang kakaibang ngiti ng kaibigan. “Anong nangyari dun?” takang tanong ni Zane habang si Honey naman ay natahimik lamang hanggang sa makarating sa kanilang direksyon ang kaibigan. Sa hindi malamang dahilan ay nailing si Honey sa presensya ni Kael. “Happy ka ata ngayon ‘pre ah,” komento ni Zane sa kaibigan sabay akbay sa balikat nito. Mukha namang n

