bc

Time Chaos -FILIPINO-

book_age18+
651
FOLLOW
1.6K
READ
adventure
revenge
time-travel
others
drama
tragedy
twisted
bxg
mystery
genius
like
intro-logo
Blurb

Kilalanin si Solidad at Vicente, magkasintahan noong 1940's. Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa isang misteryosong pangyayari.

Fast forward sa taong 2015, si Patricia, apo ni Solidad, ay may nabasa sa diary ng kanyang lola. Tungkol ito sa isang anghel na di umano ay nakilala nito sa isang abandonadong bahay. Pinuntahan niya ang nasabing bahay para mag-imbestiga. At doon nakilala niya si Benson, isang broken-hearted na lalaking maaaring makatulong sa kanya.

Lingid sa kaalaman nilang dalawa ang bahay na iyon ay nababalot ng hiwaga. Hiwagang maaari kang dahil sa iba't ibang panahon.

Kung may pagkakataon si Patricia na makapunta sa nakaraan, ano ang gagawin niya? Tutulungan niya kaya ang kanyang lola na ayusin ang first love nito lalo na’t nasaksihan niyang pumanaw ito ng hindi masaya?

©CrystalineG

chap-preview
Free preview
Simula
                                                                                    Solidad Bukas na ang araw ng kasal namin ni Itchiro, isang sundalong Hapon na sapilitang kinukuha ang aking mga kamay. Labis na nakakalungkot dahil ang mismong magulang ko pa ang nag-udyok sa akin na gawin ang bagay na ito. Hindi ko sila maintindihan kung kaya’t madalas kong tanungin ang aking sarili. “Mahal ba nila ako? Paano nila ito nagagawa sa akin?” Alam ko naman na sadlak kami sa kahirapan ng buhay ngunit sa aking pananaw ang pagpapaksal kay Itchiro ay hindi ang tamang sagot para rito. Oo, mayaman siya at makapangyarihan subalit hindi ko siya mahal. Hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal at alam ko rin na hindi ako magiging masaya sa piling niya. Magiging masaya lang ako kasama ang taong mahal ko. At iyon ay walang iba kundi si Vicente. Si Vicente ang aking kasintahan at may tatlong taon na kaming nag-iibigan. Naalala ko ang araw kung kailan ko ibinigay ang aking ‘matamis na oo’. Ang bata pa namin noon, labing anim na taong gulang ako samantalang siya naman ay labing pito. Tila ba wala pang muwang sa mundo ngunit kahit na ganoon, sigurado na kami sa aming nararamdaman. Alam kong mahal niya ‘ko at ganyon din naman ako sa kanya. Kung kaya’t ngayon, siya lang ang nag-iisang taong aking pinagkakatiwalaan at sa tingin ko ay ang tunay na nagmamahal sa akin.   Kagagaling ko lang sa isang burol kung saan kami nag-usap ni Vicente. Nagplano kaming tapusin na ang kahibangang magaganap bukas. At ngayon, kasalukuyan kong tinutumbok ang daan pauwi sa ‘ming bahay habang binabalikan ang masasayang alaalang aming nabuo ng aking mahal.  Hindi ko sinasadyang mapatingin sa isang malawak na bukirin sa bandang kaliwa. Nanariwa sa aking isipan ang isang pangyayari noon. Sa bukiring ito rin kami unang nagkakilala ni Vicente. Bagong salta pa lamang kami noon sa bayang ito, mga dose anyos pa lang ako. Nagmamasid ako noon at binabaybay ang tagiliran nitong bukid nang sigawan ako ng tatlong batang lalaki. “Hoy! Hilaw bawal dito ang mga hilaw na tulad mo! Umalis ka rito!” Kinutsa nila ako dahil sa maputi kong kutis. Isa sa kanila ang mabilis na dumapot ng bato at ibinatikal sa akin kasabay nang pagsigaw.“Umalis ka rito hilaw!”  Hindi ko na nagawang umilag, tanging pagpikit na lang ang aking nagawa. Lumipas pa ang ilang segundo ngunit walang bato ang pumukol sa akin hanggang sa may marinig na lang akong tinig ng isang batang lalaki. “Umalis na kayo!” Maingat kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang pagharurot palayo ng mga ito. Sunod niyon ay maingat kong ipinaling sa bandang kanan ang aking paningin at doon…Doon ko nasilayan sa unang pagkakataon ang mukha ng aking mahal na si Vicente.  Habang nananaginip nang gising hindi ko mapigilan ang mapangiti, marahil dahil sa imahen ng mukha ni Vicente na gumuguhit sa ‘king isip. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may bitibit na saya hanggang sa mapatigil ako matapos mapadaan sa isang bakanteng lugar na katabi ng isang puno. Sa lugar na ito mayroong isang puntod. Hindi ito bago sa ‘kin. Unang beses ko itong nakita nang minsan kaming napadpad ni Vicente rito.  “Solidad! Hali ka tignan mo!” Hindi ako nag-atubili na lumapit kay Vicente dahil sa kanyang pagsigaw.  “Ano ba ‘yan? Nakakagulat ka naman ay. Maari bang ‘wag kang pabigla-bigla. Ang bilis tuloy ng kabog sa dibdid ko.” Laking gulat ko noon nang bumungad sa amin ang isang puntod. Hinawi ni Vicente ang mga sanga at damo na nakaharang dito. Sunod niyon ay ususero siyang nagsalita. “Sino kaya ang nakalibing dito?”                                                     “Araw ng Kamatayan: Agosto 24, 1920.” Iyan ang mga salitang nakaukit sa isang patag na bato sa puntod na iyon. Walang nakalagay na pangalan dito, tanging araw ng kamatayan lang at mga bantas. Kung hindi ako nagkakamali, dapat may nakasulat na pangungusap sa pagitan ng mga batas na iyon. Pangungusap na huling binitiwan ng yumao.   “Oh! Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Kung kailan siya namatay saka naman ako ipinanganak,” namamanghang sambit ni Vicente ngunit agad rin siyang bumalik sa pagiging serysoso. “Kaawa-awa naman ang taong nakalibing dito. Mukhang wala ng nakakaalala sa kanya.”  Bilang maawain, naisipan ni Vicente na alayan namin ng dasal ang taong nakalibing dito, kahit ilang beses man lan sa isang taon. At ang bagay ngang iyon ay nakasanayan na namin. Ganyang kabuti si Vicente kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit madaling nahulog ang puso ko sa kanya. Sa kabilang banda, kabaliktaran ko ang aking mga magulang. Matagal na silang tutol sa pag-iibigan naming dalawa. Parati nilang isinasampal sa mukha ko na hindi raw ako kayang buhayin ni Vicente. Wala raw itong pinag-aralan at isa lamang hamak na magsasaka. Sa katunayan, mas mahirap pa sa ‘min sina Vicente.  Matagal ng ulila sa ina ang mahal kong si Vicente, ang ama naman niya ay pinaslang ng mga Hapon nang mapagkalaman itong isang gerilya. Kaya naman wala na siyang ibang kasama sa buhay kundi ang kanyang tiyuhin na si Tiyo Lando at kapatid na si Bibo. Isang beses, sinubukan niyang umakyat ng ligaw sa aming bahay bilang pagbibigay respeto sa aking mga magulang. Ngunit ang mismong magulang ko pa ang hindi rumespeto sa kanya. Pinaulanan siya ng masasakit na salita at inilapusta ng lubusan. Sa halip na magalit, inintindi na lang ni Vicente ang mga ito. Ganoon siya kabuti. *** Malapit na ako sa aming bahay, sa di kalayuan natanaw ko si Inay. Nagtagpo ang aming mga mata at napansin ko ang pagsalubong ng kanyang kilay. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinablot ang aking braso. Kinaladkad niya ako papasok ng bahay kahit na pinagtitinginan kami ng mga tao.  “Saan ka galing?! Nagkita na naman ba kayo ng hampas lupang ‘yon?!” Si Inay na halos umuusok ang ilong sa galit. “Punyeta naman Solidad, ikakasal ka na bukas! Kung saan-saan ka pa nagpupupunta. Paano kung malaman ito ni Itchiro? Malilintikan tayong lahat! Sinasabi ko sa’yo. Marami na silang pinatay na kabaryo natin. Kaya sumunod na lang tayo.” Hindi ko na napigilan pang bumuhos ang aking luha. Naiintindihan ko ang takot na nararamdaman nina Inay. Pero mali ito. Maling mali.  “Matuto kang makinig! Para sa atin itong gagawin mo. Alam mo naman na kapag nakasal kayo, malalayo tayo sa kapahamakan mula sa kanila. Bukod doon, mababahagian ka rin ng kayamanan niya. Hindi lang ikaw ang aahon sa hirap kung hindi tayong lahat! Hindi mo ba kami mahal?” bulyaw pa niya.  Mas lumakas ang pagbuhos ng aking luha. Maihahalintulad ito sa malakas na ulan tuwing may bagyo. Kaya naman halos mabasa na ng luha ang aking buong mukha. Gusto kong magsalita at sambitin lahat ng aking kinikim ngunit hindi ko alam kung papaano. Sandaling nabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid at nabasag lang ito nang lakas-loob akong nagsalita. “Bakit Inay, ako po ba mahal n’yo? Paano n—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin. Mabilis na humaplit ang palad ni Inay sa aking pisngi. Napansin ko ang panlalaki ng mata niya, marahil nabigla siya sa kanyang nagawa. Sa bigat ng nararamdaman ko, minabuti ko na tumakbo na lang sa aking kwarto. Alam ko namang walang patutunguhan ang pag-uusap na ito. Kahit ano pang sabihin ko sa bandang huli sila lang ang masusunod. Inilabas ko ang lahat ng aking sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak. Noong mga oras na iyon pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak at halos maubos ang luha ko. Nakaramdam na rin ako ng bahagyang pananakit ng ulo. Kasabayan ng mga ito ay hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras. *** Tuluyan nang dumilim ang paligid at sa palagay ko, tulog na rin ang lahat ng kasama ko sa bahay. Iginayak ko na ang aking mga gamit. Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto at palihim na nagtungo sa kainan. May nakita akong pagkain sa banggirahan. Agad ko itong kinain nang sa gayon ay makaalis na ako. Matapos punuin ang tiyan mabilis akong tumungo sa kwarto upang kuhain ang aking mga gamit. Sumulyap ako sa aming orasan. Alas otso na, tamang tama lang ito. Kahit mamaya pang alas nuebe ang usapan namin ni Vicente.  Wala akong sinayang na oras, walang pag-aatubiling nilisan ang aming bahay. Dala ang isang gasera at mga gamit, matapang kong binaybay ang madilim na daan papunta sa abandonadong bahay na aming napiling tagpuan. Sana lang walang makakita sa akin, lalo na ng Hapon. Ilang sandali pa ay namataan ko na ang abandonadong bahay, lugar kung saan kami magkikita ni Vicente. Ayon sa mga hakahaka, ang abandonadong bahay na ito ay pag-aari raw ng isang pamilyang may apilyedong Agoncillo ngunit matagal na itong inabandona.  Walang patumpik-tumpik na pinasok ko ang pintuan ng bahay. Malapit na palang mabaklas ang pinto nito. Habang tinatahak ang pasilyo, nararamdaman ko na ang paglalaho ng tyansang ikasal ako sa iba, kasabay nito ang unti-unting pagkabuo ng pag-asang makasama si Vicente habang buhay.  Mahal ko handa na akong makipagtanan sa ‘yo.  *** Humigit kumulang dalawang oras na akong naghihintay ditto subalit wala pa rin si Vicente. Ano na kayang nangyari sa kanya? Hindi kaya may nakakita sa kanyang Hapon? Vicente nasan ka na ba? Nag-aalala na ako. Walang anu-ano ay may narinig akong paparating. Agad kong tinuyo ang aking mga mga mata. Napasulyap ako sa may pintuan at doon may nabanaagan akong isang lalaki.  “Vicente?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook