Patapos na siyang kumain at hawak ang plastic bag na mga pinamili ng biglang natanaw nito si Manong John sa pintuan ng fastfood chain, may pawis ang noo na tilang nagmamadali sa pagkakita sa kanya. “Mam Shan, sa wakas nakita na rin kita! Halika na po! At kinuha ang dalang plastic bag “Manong, bakit mo po ako sinundo, kaya ko naming pong umuwi! “Naku Mam, galit na galit si Sir Martin ngayon, mabuti nga lang na track niya ang cp mu kaya kita natunton dito.” “Saan si Sir mo? “Nasa loob po ng sasakyan, hinihintay ka! Napabuntong hininga siya sa narinig. “Ready ka na lang Shan! “bulong sa sarili Aburidong mukha, magulo ang buhok at namumulang noo ng lalaki tanda ng galit ang awra nito, ang kanyang nadatnan sa loob ng sasakyan. Ang sama ng tingin nito ng siya’y umupo. “Mabuti nahagilap p

