Nakaw tingin niya itong sinusulyapan ng makaupo silang magkatabi sa passenger seat pero sa tuwing magkahulihan sila saka naman siya yuyuko para makaiwas. “Sir saan ba tayo dadaan mamaya sa Marcos Highway ba? Tanong ni Kuya Evan “Kayo na ang bahala basta makakarating tayo as earlier time! By the way, daan muna tayo sa drive thru para sa pagkain natin later.”at sumandal si Martin ng kanyang likod na tilang pagod sabay pikit ng kanyang mata. Samantala si Shan umusog ng kunti sa dulo para makahinga ng maayos dahil habang ang sobrang lapit niya sa kasama ay tilang mas lalo siyang nasuffocate sa bango nito. “Bakit? Liningon siya ng lalaki na nairita sa kanyang ikinilos. “Natatakot ka bang tumabi o lumapit sa akin ba’t ka umusog diyan sa dulo? “Ok lang ako rito, mas maganda nga para makakil

