Chapter 3- True Mistakes

1454 Words
Mabuti sobrang himbing ng tulog ng lalaki kaya hindi nito naramdaman ang kanyang pagbangon. Ilang ulit niya pinasadahan ng tingin ang mukha nito bago tumalikod at maingat na lumabas sa kubong iyon. Lakad takbo ang kanyang ginawa hanggang sa maabot ang quarters ng malaking bahay kahit namamanhid ang pagitan ng kanyang dalawang hita pero hindi nito pinansin. Masakit ang kanyang katawan bunga ng kanilang ginawa. “Kasalanan mo ito, kaya pagtiisan mo! bulong nito Nabigla ang kanyang ninang sa kanyang mukha pagbungad pa lang. “Saan ka ba galing na bata ka, kanina ka pa namin hinahanap sa labas at sa dalampasigan pero hindi ka naming nakita!” si ninang nito. ‘At bakit namumutla ka? “Nasobrahan yata ng langoy Ninang! Pasensya na po! Napalakad lakad po ako at napadpad sa dulo ng villa, naaaliw ko sa paglalangoy kaya hindi ko napansin na gabi na pala masyado,’pagsisinungaling. “ Nag-alala kami lahat sa’yo, hinanap ka namin sa buong bahay wala ka! “Sorry po, sobrang ganda kasi ng tubig kaya napapalusong ako doon! “Wala ka rito, e di sana nakisaya ka rin doon kanina sa labas! Tiyak mag-enjoy ka! “Okay lang po ‘Nang, hindi naman ako sanay sa ganyang kagarbong okasyon! At saka wala rin akong kilala sa mga bisita! “Ö hala, kumain ka na dun at magpahinga na, at kami ay magligpit muna ng pinagkainan ng mga bisita sa labas! Habang nasa loob ng silid natulala si Shan, sa isang libong pag-iisip hindi niya naisip na mangyayari sa kanya ito. Tilang tanga siya na ipaubaya ang sarili sa lalaking iyon na walang pag-alinlangan. "Panginoon, bakit nangyari ang lahat ng ito! Ano ang mukha na iharap ko sa mga magulang ko na nilayasan ko! Yung anak nila na inayawan si Romano, ibinigay lamang ang sarili sa isang estranghero." tumulo ang kang luha na hindi man lang namalayan. Namalayan niyang pumasok ang kanyang Ninang sa silid, natitiyak niyang tapos na ito sa lahat ng gawain. "Bakit gising ka pa Anak? Gabi na ito! sita nito "Hindi po kasi ako makatulog, naninibago yata ako sa lugar!" Pagsisinungaling nito. "Baka na mimiss mo lang ang probinsya kaya ka maraming naiisip. Hayaan mo ma-realize din ni Tatay mo na hindi tama yung desisyon nila! "Sana nga Ninang, iniisip ko rin si Nanay baka nag-alala na siya sa aking kalagayan. Hindi pa naman ako nagpaalam sa kanya sa aking pag-alis! napabuntong hininga. "Oh siya ako na bahala magpaliwanag sa Inay mo pagdating ng araw! basta ikaw ipakita mo sa kanila na hindi ka nagkamali sa iyong desisyong ito! Parang nabulunan siya ng laway sa narinig. One mistake has already done! Maling-mali ka talaga Shan Marie at kahit kailan hindi na maituwid pa! Lalo na ngayong nadagdagan pa ng isang pagkakamali. Anong mukha ang kanyang ihaharap sa lalaking kanyang ipapakasal balang araw dahil isinuko na niya ang sarili sa hindi niya kilalang tao. Bakit napakabilis niyang bumigay at hindi man lang nakapag-isip ng tama sa mga oras na ‘yon! Nakakabaliw ang haplos at halik ng lalaki na nagpagulo sa kanyang buong pagkatao. Pero bakit parang wala siyang pagsisisi sa kanyang ginawa bagkos hanggang ngayon damang dama pa niya ang lahat na eksenang naganap ng estrangherong iyon. Kinaumagahan, mataas na ang sikat ng araw pero tulog pa rin si Shan. Nagising lang siya nang marinig ang kuwentuhan sa labas. “Tiyak ko galit naman si Mam Marsha dahil hindi man lang nakisali kagabi si sir sa kanila, kahit nga si Makie sira ang gabi! Ang narinig niyang kwentuhan. “Narito na si sir kahapon pa kaya lang hindi man lang nagpakita sa party ng kapatid! Sabi ng ninang niya sabay lingon sa kanya na pahikab hikab pang lumabas ng kusina. “Mabuti naman at gising ka na, tulungan mo na kami dito, ikaw na nag maghuhugas ng mga ito! Sabi nito Napakislot si Shan at napangiwi ng lumakad ito palapit. Änong nagyari saýo? May sakit ka ba?”at dinama ng ninang nito ang kanyang leeg. “Teka anong nangyari dito sa namumulang leeg mo? Nagtatakang tanong nito na tilang nagtataka. Hindi man lang siya humarap sa salamin bago lumabas para Makita man lang ang kanyang mukha pagkagising, may naiwan yatang bakas ang estrangherong ito kagabi kaya nakita tuloy ng kanyang ninang. “Wala po yun baka sa sobrang langoy ko kagabi nakagat lang ng maliliit na isda sa dagat..marami kasi dun banda sa nilalanguyan ko..pagsisinungaling dito. Alangan naman na sasabihin niya ang nangyari sa kanya kagabi. Ano ang sasabihin ng ninang niya. Habang ginagawa ang paghuhugas napatulala siya. Kinakabahan at gulong gulo ang kanyang isipan sa ngayon. Kanina pa nasabunan ang lahat ng mga pinggan pero heto siya nagbabanlaw pero halos abutin ng 15 minutes ang isang pinggan na hawak niya at paulit-ulit lang inilulubog sa tubig. “Okay ka lang ba diyan? Na siyang nagpakislot sa kanya. Nahahalata yata ng kasamahan nilang pumasok na nakatayo pa rin siya doon at ganoon pa rin ang ginagawa. “Tatapusin ko lang ito, ate! At napailing sabay sita sa sarili. “Nahahalata ka na Shan! Nang matapos niya kaagad niyang pinunasan ang mga plato para maibalik sa lalagyan. Kung makapagsalita lang ang mga kubyertos na hawak siguro kanina pa siya pinagalitan ng mga ito sa sobrang tagal niyang mabitiwan. “Hay naku Shan, hindi na talaga ito tama! Natutulala ka na oh! sita mismo sa kanyang sarili. Kinahapunan, napatawag daw ng meeting sa lahat ng katulong na sumama doon sa Tagaytay, maging ang mga natirang guest na hnidi pa nakauwi. “Hindi ka ba sasama diyan sa labas! Para maipakilala kita kay Sir at Mam! “Ninang hindi na po, sa kuwarto lang po ako,” Magpapahinga muna ako dun” “Sige ikaw ang bahala hindi ka naman kasali sa pag-uusapan namin. Nag-ayos at magligpit ka na ng gamit natin baka uuwi na kaagad tayo maaga pa bukas..habilin ng ninang nito bago humabol doon sa harapan ng bahay. Baka nagpatawag ng meeting para masigurado na maayos ang lahat bago nila lisanin ang lugar. Napakarami pa naman ng bisita at halos inabot ng hating gabi ang kasayahan. Lumipas ang isang oras bumalik rin ang mga ito sa kusina na tilang may pinag-uusapan. “Kung ako kay Sir, pababayan na lang niya! Matanda na yan para pakialaman pa nila! “Dalawa nag ang anak nila kay hayun, hindi mapapabayaan! Sagot naman nung isa pa. “Ano kaya ang hinahanap nya? Bakit tilang abalang abala si Sir? Ang sabi ng isang katulong “Baka nag-away sila ng syota niya at iniwan na naman siya nito sa ere, alam nyo naman walang magtatagal dun..sagot naman nung isa. Hindi naman naiintindihan ang mga pinag-uusapan kaya hindi na rin siya nakisali pa. Lutang ang kanyang kaisipan hanggang ngayon. Kinaumagahan, maaga pa sila iginising ng ninang Lorna nito para makabalik agad sa lungsod. Nauna na daw umalis ang ibang guest maging ang pamilyang Ramirez. “Ninang bakit uuwi tayo agad akala ko ba tatlong araw tayo rito? tahasang tanong ko. “Lulusong pa sana ako ulit sa tubig dagat mamaya! Biro dito. “Marami pa namang pagkakataon, malay mo makakabalik tayo dito sa susunod! Sa pamilya Ramirez rin ang buong villa na ito kaya pag ginusto ng pamilya anytime pumupunta kami rito! “Sobrang ganda dito Ninang, hindi pa nga ako nakapag-ikot! “Oh, siya maghanda ka na! Kailangan na nating makaalis ng mas maaga para mas maaga tayo makarating sa lungsod! May hindi magandang nangyari…mas lalong umiinit ang panahon para sa atin dito…nailing na sagot “Bakit ho? “Huwag ka nang magtanong dahil hindi mo rin maintindihan”, “Ito naman oh! nagcurious lang naman! Mabilis niyang naihanda ang mga dala nila. Maging ang kapwa mga katulong bumubulong na rin sa mabilisan nilang pag-uwi. ‘Hay, naku saying lang ang binili kung swimsuit sa Uk hindi ko naman pala magagamit! Parinig ng isang kasamahan. “Kaya nga, ako rin nagsaglit pa naman akong bumuli bago umalis dahil akala ko makatapisaw na ako sa dagat! Naku naman po! “Kayo ha, may marami pang pagkakataon! Hayaan nyo pagbalik natin dito magrequest tayo na magpapaiwan! Dalian nyo na at makakaalis na tayo! Sita ng Ninang Lorna nito Kaagad siyang binalingan nito at inutusang sasakay na sa nakaabang na sasakyan sa tapat ng bahay. Nagsipaghandaan na rin ang ibang kasamahan nila para sa kanilang pag-alis. “Villa Ramirez!” paalam! Isang buntong hininga ang iniwan ni Shan habang tanaw ang tabing dagat at ang kabuuang tanawin sa lugar na ito. Isang alaala na kailan ma’y hindi niya makalimutan. Sa isang gabing alaala na hindi niya lubos maisip at tilang panaginip lang ang lahat. Kahit malayo na ang sinasakyan pero nakalingon pa rin siya sa daan kung saan sila nanggaling. “Paalam estranghero ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD