Chapter 4 - Bridge to Love

1661 Words
“Hindi ka pa ba nakahanap ng trabaho, anak?” tanong ni Ninang “Hinihintay ko lang po ang tawag ng inaaplayan kong kompanya Ninang! “Saan ba yan? Nakapag-apply ka na pala at ang bilis mung kumilos kahit mag-isa ka lang, buti hindi ka naligaw sa paglabas mo? “Ninang naman, matanda na po ako at saka may google map naman pag ako maligaw mabilis ko lang mahanap agad.! nakangingiting sagot ko. “Baka saan-saan ka makapunta sa paghahanap ng trabaho, saan ka ba nag-apply? “Sa Ramirez Group of Company po,” Kaya lang sobrang hirap pala pasukin ang kompanyang iyan batay sa pinagtatanungan ko. “Ano? Doon ka nag-aapply ng trabaho? Tilang nabigla ang ninang. “Bakit po? Nabasa ko kasi na maganda ang compensation at salary ng kompanyang iyan, nag research na po ako dyan, at saka malakas ang market ng negosyo nila,” sagot “Nabigla lang ako, dahil kung alam ko lang na dyan ka mag-aapply, e di sanan kinausap ko na lang si Sir Tony, ang amo ko ang may-ari niyan.” paglalahad nito “Nang ibig sabihin boss mo ang may-ari nun? Tumayo ako at niyakap ko si ninang Lorna. “Please po tulungan mo po ako na makapasok dun, para pag makaipon po ako mabibili ko na ulit ang lupain naming sa probinsya.. at ngumiti “Hayaan mo, bukas kausapin ko si sir Tony tungkol sayo! Lumipas ang dalawang araw, may tumawag sa kanya isang babae at nagsasabing kailangan niyang magpunta sa Ramirez Group of Company. “Just report to the office of Human Resource department tomorrow, 4th floor for your interview! Sharp 9:00 a.m., be on time! Ang sabi ng babaeng nakausap niya sa telepono. Ibinalita niya ito agad sa kanyang ninang ang update sa usapan nila bago ito bumalik sa trabaho sa malaking bahay. Alam niya na kung hindi dahil dito hindi siya tinawagan ng kompanyang iyon. “Salamat talaga ninang, lakas mo! At tuwang tuwa naman ang matanda sa balitang iyon. Makailang ulit siyang paikot-ikot sa salamin, nag-apply ng kunting blush-on sa mukha. Tensyonado siya talaga. “Hoy Shan, mag-ayos ka ito ang unang mong trabaho kung sakali huwag kang tanga” Kahit ngayon lang mag focus ka muna! Sita ko sa sarili ko dahil alam kong simula ng gabing iyon lagi na lang itong nakatulala. Halos may mga gabi na hindi makakatulog at bumabalik sa alaala ang isang gabing bangungot na iyon. 30 minutes to 9:00 o’clock naroon na siya sa labas ng building. Tanaw na tanaw na niya ang nagtataasang mga gusali sa paligid kasama na rito ang gusaling kinatatayuan nito. Pagkatapos tanungin ang gwardiya, kampante siyang sumakay ng elevator papunta sa 4th floor. Nauna siyang pumasok, kasunod ang lima pa, may paparating pang isa na pilit humabol, tilang nagmamadali ang mga kilos ng mga tao sa kompanyang ito. “4rth floor! Sabi ng katabi at saka siya natauhan. Inayos ang sarili at lakas loob na lumabas. “Be yourself kahit ngayon lang Shan, you need this job! Huwag kang tatanga-tanga.” kausap ang sarili. “May schedule po akong interview ngayon! sabi nito. Tiningnan pa siya ng guard mula ulo hanggang paa. “Naku, may pagkakaguluhan naman ang mga bachelor ngayon sa floor na ito..sabi “Ano po.. “Wala Miss..sa room na iyon, hinihintay ka na ni Mam Michelle. Diretso ako sa HR department kung saan itinuro ng gwardiya. Isang may katandaang babae ang nakaupo sa table. “Just come in Miss Daza,” sabi nito “Thank you Mam.. “I read your resume, last week wala sana akong balak na tanggapin ka dahil mas maraming nakapilang aplikante na well deserve to be part of this company. I knew your newly graduate, pero pasalamat ka dahil highly recommended ka ng may-ari siya talaga tumawag sa akin to give you a chance…so congratulations..Welcome here..at nakangiti ito. “Salamat po mam..pangako pagbutihin ko po ang trabaho ko. “From now on, your be assign at record section, as Data Analyst, probitionary period of 3 months. Si Timmy na ang bahala sayo magturo ng dapat mo gawin,”ang babae. “Kailan mo na balak mag-start, ngayon na? at isang tango naman ang naisagot. Ipapahatid kita doon sa 6th floor para sa iyong orientation.”wika nito. Excited si Shan, gusto niya agad ibalita kay Ninang Lorna nito ang magandang balita sa araw na ito pero may time para diyan. Kailangan niya munang pagtuunan ng pansin ang maaaring mangyari. Ëveryone, I want to introduce to you, our new co-worker Ms. Shan Marie Daza, siya young bago nating hire na staff dito, so I’m requesting everyone, please guide her, maaasahan ko ba iyan”, si Mam Michelle. “Ok po Mam…at lumapit ang lalaking nagngangalang Timmy. “Hi glad to meet you! Timmy Calderon! Sabay lahad ng kamay. Tansya niya mga mid-30’s ito, matangkad at maamo ang mukha. “I’m glad to be here! Thank you po! Pagkatapos ng orientation diretso siya agad sa isang table na may isang computer na sa tingin niya ito ang kanyang gagamitin. Tinuruan din siya kung ano ang mga trabaho niya. “Ï need to train you in a week, kung ok na saýo, you can told me, so I’ll be stop coaching you! Si Timmy na nakangiti. Lumipas ang isang araw na naging nakakapagod para kay Shan. Kailangan niya pag-igihan ang trabaho para tumagal siya rito. Ibinalita niya sa kanyang ninang ang unang araw ng trabaho sa pinapasukan at masaya rin ito dahil nakapagtrabaho na siya at hindi na ito mababahala sa kanya. Araw-araw nagbabaon lang si Shan para hindi magastos dahil wala pa siyang sahod, kailangan niyang magtipid sa perang ibinigay ng ninang nito. Nahihiya rin siyang humingi ulit kaya kailangan niya pagkasyahin sa isang buwang budget. “Bakit hindi ka na lang kumain sa cafeteria para makasama ka namin..si Annie ang katabing table niya at napagkagaanan niya ng loob. “No thanks, sayang din naman itong baon ko kung hindi ko kakainin, sa susunod na lang! pag-iiwas niya. Sa dami ng trabaho niya araw-araw nalibang na rin si Shan at nag-eenjoy sa kanyang trabaho. “Shan, tingnan mo si Gino tilang hindi mapakali pag dumaan dito sa table mo, tilang balisa at panay ang tingin sayo, sa tingin ko crush ka niyan!”si Annie na nanunudyo, “Hayaan mo na ‘yan! Wala akong time sa mga boys sa ngayon, marami ang priority ko na dapat paglaanan sa buhay!” buntong hininga nito. “Which means you haven’t gone with relationship? Ow, hindi naman yata ako makapaniwala sa ganda mung yan, zero talaga?’ interview ni Annie “Its not really my priority! At ang lalim ng buntong hininga. “I think you must try and enjoy life, mararami ang mga bachelor sa kompanyang ito, super huggable at take note macho!” pahagikhik si Annie sa kaibigan. Dahil sa traffic nalate si Shan ng araw na ito. Nagmamadali siyang bumaba ng taxi at kaagad pumanhik sa elevator. Sobrang tagal bago bumukas ito, may nauna yatang nakapindot nito pababa kaya naghintay muna siya saglit. Bumukas ang elevator at tumambad sa kanya ang isang magandang babae na nakapulupot ang kamay sa beywang ng nakasuit na lalaki nakatalikod pa sila na tilang nagtatalo. Nakayuko siya hindi man lang tiningnan ang dalawa, nakakaasiwa kasi ang actuation na bumungad sa kanya. ‘Miss! Nagtatakang lingon niya sa boses lalaki na nagsalita bago nya pindutin ang up. Halos nanlamig siya sa kabiglaan, bakit sa dinami dami ng taong makaharap heto siya “the man who bothering her for almost a week”. Ang nakainiig niya sa villa nasa harap niya ngayon at nakapanlambot ng tuhod. Sa building na ito pa sila magkikita ulit. Maging ang babaeng na kasama nito palipat lipat ng titig sa kanilang dalawa na tilang nagtataka. Sa taranta napindot nito ang up at saka kaagad pumasok sa elevator. Nataranta at nanginginig ang buo niyang katawan sa kabiglaan. Its not a coincidence anymore, dito din ba nagtatrabaho ang lalaking ito. Nabigla si Shan isang umaga na may nakapatong na bulaklak sa kanyang table pagdating niya. “Ipinareceive yan kanina sa akin ng delivery boy, tingnan mo nga ang aga pa ng suitors mo ha, bago ka pa lang dito pero may pa-flowers ka na..nakangiting si Annie Namumulang binuksan ang maliit na papel ‘Your mine! Ang nakalagay. Namula si Shan na itiniklop ang maliit na papel at inihagis sa basurahan, kasama ng bulaklak. “Oh, ba’t mo itinapon, ang mahal kaya noon! Pag ako ang binigyan ng ganyan, iuwi ko talaga at ipreserve, sayang naman! Si Annie Nang sumunod na araw ganoon pa rin ang nangyari, halos araw araw may nagpapadala sa kanya ng bulaklak. “Sino kaya ang secret admirer mo na ipinapadaan pa sa bulaklak’’, Girl baka si Gino at hindi kayang sabihin sa bulaklak lang idinadaan! “Ewan ko, nagsasayang lang siya ng pera niya! “Extra ordinary kasi ang beauty mo, na tilang nang-aakit ang mga mata mo, tingnan mo yan kahit kasama natin dito halos nahuhulog ang mata sa kakatitig sayo…sabay nguso kay Gino sa dulo. Napangiti na rin si Shan sa sinabi ng kaibigan. Kinahapunan, nagmamadali si Shan na bumaba ng building dahil ito ang araw na uuwi ang Ninang Lorna niya sa bahay. Nang biglang sinabayan siya ni Gino pagpasok sa loob ng elevator. “Uuwi ka na,” mahinang boses nito “Oo, uuwi na rin! “Sabay na tayo, gusto mo ihatid na lang kita sa inyo! Nagmagandang loob sa dalaga “No, thanks, may lakad pa kasi ako eh! Next time! Alam niyang may balak ang lalaking itong manligaw sa kanya. Pero paano siya maging normal na dalaga na may nakaraan na pilit bumabagabag sa kanya lalo na sa gabi, hindi siya makalimot sa isang gabing iyon. Pilit niyang maging normal at ibuhos ang oras sa trabaho para kahit saglit makalimot din siya. Hanggang kailan niya kikimkimin ang mga bagay na ito. Hanggang kailan ito pilit bumabangungot sa kanyang buong katinuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD