Isang umaga sa lobby pa lang siya ng building, medyo late na ang dating niya dahil sa traffic, tilang may nangyayari na pinagkakagulo ng mga empleyado. Ang haba ng pila ng papasok sa loob.
“Fall in line lang po! Pasensya na as per advice lahat na empleyado sa building na ito kailangang makunan ng picture or ma-capture nga camera, sa lahat na papasok ngayon sa office..sabi ng security guard
“Äno namang gimik ito! Inis na sabi ng mga kasamahan sa trabaho.
“For documentation lang mga mam, sir! Isa-isa lang po tayong humarap sa CCV camera sa bandang kanan bago pumasok sa elevator.” Paalala gwardiya.
Nagmadaling humarap si Shan sa camera at naghakbang papasok sa elevator.
“Ms. Daza, wait! “pigil ng security.
“Bakit sir! kinabahan si Shan sa pagtawag sa kanya. Wala naman siyang kasalanan, tama naman ang ginawa niya tiyak na capture din ang mukha niya ng CCTV kung iyon ang talaga ang itinawag nito.
“As per notification here, diretso ka sa executive board room, 12th floor…ani nito
“What? Ano naman ang gagawin ko dun sa 12th floor, sa 6th floor po ang office ko guard, baka nagkamali ho kayo!” katwiran dito
“Iyan po ang itinawag sa akin mam, hindi ko rin alam, basta just proceed to executive board room! Nanginginig ang paa at kinabahan, bago pa lang siya dito may kapalpakan ba siyang nagawa sa mga reports na naipasa niya. Bakit siya pinapupunta doon, hindi kasi malinaw ang sinabi ng guwardiya sa kanya.
Sakay sa elevator diretso siya sa floor na sinasabi ng gwardiya. Ito ang una niyang pagpunta sa floor na ito. Pagbukas palang ng elevator pawang mga room lang ang naroroon at sirado lahat. “General Manager, CEO, Executive Director, COO…palakad lakad siya..sa dulo ang isang pintuan na may ngalang executive board room. Kumatok muna siya sa pintuan, walang nagbukas, pinihit nito ang pintuan para makapasok.
Isang nakatalikod na lalaking na naka-tuxedo ang kanyang nadatnan. Ang lapad ng likod nito at ang tikas ng pangangatawan. Matangkad at halatang laking ehersisyo ang hubog nito. Kahit muscles pa lang mapapalunok ka na. Tilang may tinatawagan dahil kakababa lang nang cellphone nito.
Tumikhim siya para iparamdam dito ang kanyang presensya.
“Good morning po! Kinakabahang boses.
“Ï’m glad you come! Boses ng nakatalikod na lalaki at sabay napalingon ito.
Halos lulubog si Shan sa kinatatayuan nito nang makita ang mukha nga lalaki. Ang lalaking sa kanyang harap ngayon ay ang estrangherong lalaki na kanyang nakasama sa villa. Ang lalaking gumulo sa kanyang buong pagkatao nitong nakaraan. Ito rin ang nakaharap niya sa elevator kamakailan. Kahit madilim at munting ilaw lang ang nagbigay liwanag sa gabing iyon pero hindi maiwaglit sa kanyang memorya ang mukha ng kanyang nakaniig. Ito siya ngayon sa kanyang harap, nakatayo at totoong abot kamay na niya, hindi na ito ilusyon lang o panaginip lang. Napayuko siya at napalunok, ano ba ang masasabi niya sa ngayon. Tama kaya ang hinala niya.
“Shan Marie Daza, am I right? Seryosong boses nito.
“Yes po sir! Nakayuko habang sumasagot dito. Kahit boses niya naginginig.
“You’re working for a month already! So, what's the feeling working with this company? Seryoso ang boses nito umupo sa executive table na sa tabi lang nito.
Natameme si Shan tilang wala siyang masabi.
‘” You’re silence Miss Daza, are you thinking of something?”.’seryoso ang mukha at tumayo na nakapamulsa ang dalawang kamay nito. Hindi pa rin ito nagbabago kay amo pa rin ng mukha at ang ganda ng mata nito na sa bawat titig mo sigurado makapanglimot sa tulad niyang Eva.
Sunod sunod ang lunok niya ng laway, bakit ba kay aga ito ngayon ang makaharap niya na halos lulubog sa kanyang buong pagkatao. Heto siya ngayon nakatayo pero nanginginig ang mga tuhod sa pagkabigla.
“So tatayo ka lang ba diyan, yuyuko ka lang ba!, come on tayo lang dalawa sa silid na ito, no one knows!” seryoso ang boses na tilang nairita.
“Sir, hindi ko po alam na…putol ang pagkasabi
“So yuyuko ka lang ba diyan! Hindi ba puwedeng tingnan mo ako sa mata kung sumasagot ka! Naramdaman nito ang paglapit ng lalaki at tumayo sa kanyang harapan ng malapitan.
“You owe me a lot, gusto kita parusahan ngayon sa mga kamay ko dahil sa ginawa mo sa akin pero hindi ko yun gagawin ngayon dahil abot kamay na kita.”
Natulala lang si Shan. “Bakit siya pa yata ang galit, samantala ako ang naagrabyado, ako ang babae…sa isip nito
“Sir!
“Engr. Martin John Ramirez”
Namilog ang mata nito.
“Tatayo ka lang ba, manahimik ka lang ba? Di ba yan din ang ginawa mo sa akin matapos mo ako patulugin at takasan nung gabing iyon!
Halos pulang pula ang mukha ni Shan sa sinabi nito. Bakit ito pa yata ang galit.
“Kung hindi mo ako tinakasan, e di pormal sana kitang nakilala!
“Sorry!
“s**t that sorry! Yun lang ang masabi mo? Halos nabaliw ako sa kakahanap sa’yo sa buong dalampasigan. Nag hire pa ako ng mga tao para magmasid doon. Hindi mo ba alam na nababaliw ako sa kakaisip na totoo ba iyon or panaginip lang, pero sa tuwing kapain ko ang sugat sa noo ko, I still believe its all true.!
Napahawak si Shan sa kanyang mukha at ikinusot ang mata. Kung panaginip lang ito ayaw na niyang magising pa.
“Its me! At hinawakan ang kamay ng babae. “Maybe God is good to me”, dito lang pala sa gusali na ito ang babaeng hinahanap ko,’ at hinawakan ang mukha ni Shan. Sa pagdantay ng kamay ni Martin ay mas lalong namutla si Shan at napaatras.
“Paano mo ako nakilala? Inosenteng boses
“My princess, you asking me that way? Siyempre nakaukit na ang mukha mo sa memory ko, even in that dim & memorable night.
“Sorry!
“Kanina ka pa sorry ng sorry sa akin! Wala ka na bang sasabihin, o kaya sampalin mo ako sa ginawa ko sa’yo.”
Umiling ito at tilang naguguluhan. “So ibig sabihin ang ipinatawag mo ako dahil dito? How did you know me?
Tumawa si Martin na tilng naaliw. “This building is equipped with CCTV camera, all of it has access on my device, kahit saan man ako I can monitor what happening around.” I saw you everyday, every minute here..sabay taas ng cellphone nito.
Napakagat ni Shan ang ibabang labi sa narinig. “Sinusubaybayan mo ako”
Tumawa ito at hinawakan ang kamay ng babae at dinala ito sa kanyang bibig at dinapian ng halik.” Oh my God, I miss you so much.
Kaagad binawi ni Shan ang mga kamay. Pulang pula na ang kanyang mukha sa hiya at uminit ang kanyang buong katawan sa damping halik na iyon sa kanyang kamay.
Naguguluhan si Shan sa nangyayari. Tilang fairy tale o nanaginip lang ba siya. Is it really happening. Tilang kay bait naman ng panginoon sa kanyang dasal na sana magkita sila ulit ng lalaking ito, pero tilang sobrang sobra naman sa hiniling niya ang ibinigay dahil tilang pinaglaruan pa siya ngayon ng tadhana.
“Kaano-ano mo si Sir Tony Ramirez?
“He is my father!
Mas lalo pang namilog ang mata ni Shan sa narinig. Anak ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan niya ang lalaking ito. Mas lalo siyang lumiit sa paningin niya sa sarili. Nakabukas lang ang kanyang labi pero wala siyang nasagap na salita sa harap ni Martin.
“Okey! I knew naging mabilis ang nangyari, kahit ako din hindi ko din alam basta gusto ko makaharap na kita, so I decided to call Mr. Guard kanina para mapapunta ka dito.
“Sir pwede na ba akong bumalik sa trabaho ko..umiiwas
Biglang umiba ang awra ng mukha nito, bumalik sa pagiging seryoso na tilang may narinig na hindi maganda. “Ngayon lang tayo nagkaharap iiwanan mo na kaagad ako, were not yet finish, princess!
“May trabaho pa po ako Sir! Baka hanapin po ako ni Sir Timmy mamaya dun!
Tilang walang narinig si Martin bumalik ito sa table niya at may tinatawagan sa telepono. “Please tell Timmy, Ms. Daza is in my office, she’ll be late to report, we have things to settled! At ibinaba na ito pagkatapos makipag-usap.
“So, what now? Iyon ba ang ikinabahala mo, natatakot ka ky Timmy pero sa akin na anak ng may-ari hindi ka natatakot? At ngumiti ito.
“Sir please give enough time to digest all of this..naguguluhan ako, hindi na ako nakapag-isip ng mabuti para sa sarili ko siguro nga nabigla lang ako!
“Its me! Let me handle of this okey, don’t bothered so much! Lumapit ito at biglang hinagip ang beywang ni Shan at niyakap ito ng buong higpit. “Ikaw pa lang ang unang babae na nagpagulo sa buong pagkatao ko, I don’t know what to do after that night with you…at inilapit ang mukha.”Princess you drive me crazy! At lumapat ang labi nito sa nakabukang bibig ni Shan. Padampi dampi lang noong una pero nang lumaon ay mas dumiin pa ito at hindi na mapigilan ang kapwa damdamin at pinagsaluhan ang maalab na halik. Nahinto lang nang kapusin sila kapwa ng hininga, napabitiw at sabay napatitig sa isa’t isa.
“You miss me?
Isang tango lang ang naisagot ni Shan. Alangan naman na hindi, sa pagkasarap ng halikan nila paano pa siya makapagsinungaling pa rito na kahit siya tangay na tangay sa mga halik na iyon.