Chapter 6 - Meeting you

1725 Words
Habang lulan siya ng elevator pababa ng 6th floor parang nakalutang pa rin siya sa ere. Lahat yata nang nangyayari sa kanya ay biglaan. Simula sa kanyang paglayas hanggang sa pagpasok niya sa kompanya ng mga Ramirez. “Saan ka ba galing Shan? Sabi daw ng mga kasamahan natin pinapunta ka sa 12th floor, ano ang ginawa mo doon? Si Annie “Ipinapunta ako sa executive board room ipinatawad ni Sir Ramirez? “Si Sir Tony? Bakit daw? Ano pinagalitan ka? Sunod-sunod na tanong Umiling siya dito. “Hindi, si Sir Martin! Napahawak si Annie sa kanyang dibdib. “So, ibig mo sabihin nakaharap mo si Sir Martin John Ramirez ng malapitan? So, ano ang pinag-usapan nyo? My God Day!” tilang kilig na kilig ang kaibigan. “Whats your first impression with him? Halos hindi niya alam kung saan ang una nyang sasagutin sa mga tanong ng kaibigan. “Ano nga ba? At nag-isip. Paano niya sasabihin kay Annie ang totoong naganap kanina sa loob ng opisinang iyon. Na pinagsaluhan nilang halik ng lalaki, na kahit siya natulala na rin hanggang ngayon. “Hindi siya naging arogante sayo? Nagagalit ba ang mukha o nabulyawan ka? Super strict kasi yan ang image sa kompanyang ito. Lahat natatakot yan kay Sir pag bumaba dito yan halos lahat nakayuko dahil baka sa isang pagkakamali mo lang ay sigawan ka na niya.” kuwento ni Annie “Ganoon ba? At ngumiti “Bakit ganyan ang ngiti mo? Huwag mo sabihin na nahulog ka rin sa kamandag niya. Baka sa titig pa lang ni Sir Martin matulala ka na, kuwentuhan mo nga ako, ano ang ginawa mo doon! “Wala, nag-usap lang kami, tinanong lang ako ng ilang mga bagay! “For that, kailangan mo talagang umakyat doon sa 12th floor, Oy ha! Pogi kaya ni Sir, sa tingin mo? “Hindi masyado, mas pogi yung balak ireto ng tatay ko sa akin doon sa probinsya!’pilit tapusin ang kakiligan ng kausap. Pero ang totoo, sino ba talaga siya, eh tangay na tangay nga siya kahit halik palang kanina. “Alam mo ba na halos linggo lang ang pagitan na may bumibisita mga sosyal at seksing babae diyan sa opisina ni Sir Martin, pero ang pinagtaka ko lang ba’t hanggang ngayon bachelor pa yang anak ni Sir Tony.” mahabang bida ni Annie “Siya pala ang anak ng may-ari ng Ramirez,” “Yap, at halos lahat na mga single na babae dito nagpapapansin diyan sa batang bata na Engr na yan, kaya lang sobrang taas yata ng standard hirap abutin.” Kinahapunan, nakisabay siya sa mga kaopisina na umuwi. Past 5:00 na siya ng makababa ng building. Nalala niya kanina ang usapan nila ni Martin bago siya bumalik ng trabaho. “Ï’ll fixed you after office, hindi iyan pakiusap, that’s an order! Sa di kalayuan, may nagbusina na isang sasakyan. Hindi nito pinansin dahil kausap pa niya si Timmy. “So you can make a ride with me,” sabi ng lalaki “Mam, excuse me, may nagpapabigay ng notes na ito. inabot ng guwardiya ang maliit na papel. “Mauna ka na lang Sir Timmy, may dadaanan pa kasi ako eh! Pag-iiwas dito. Nang makapagpaalam na ang kausap saka niya binasa ang nakasulat sa papel. [Go at the right side of the parking lot, I’m waiting for you, blue car..Martin] Napakamot si Shan at nagmadaling pumunta sa bandang sinabi sa notes. Nang bumukas ang pintuan ng kulay blue na sasakyan napagtanto niya na iyon ang description na ibinigay. “You’re late! Ang boses ng lalaki na nakaupo sa driver seat. “Just get in! nahina pero buo ang boses nito. Nakatitig ito naghihintay ng kanyang ikikilos. Pumasok na siya at umupo. Dumukwang ang lalaki at inayos ang seat belt niya kaya tuloy napalapit naman ang mukha ng lalaki sa kanya at maging ang bango ng hininga nito nararamdaman niya sa pagdantay ng kamay nito sa kanyang balikat. Sa akalang tapos na, mas lalo pa siyang namula nang iniwanan siya nito ng damping halik sa labi. “How’s your day? Tilang wala lang nangyari, diretso ang pagkaupo at paghawak sa manibela. “Ök lang! “So hindi mo ako naalala sa buong maghapon? Napasulyap siya saglit sa maamo nitong mukha. “Which means, you don’t miss me! Pasulyap-sulyap habang nag da drive. Hindi na sumagot sa halip ibinaling nito ang tingin sa labas ng sasakyan. “Ang lalim naman ng iniisip mo, bakit hindi mo sabihin! Galit ka ba sa ginawa ko? Pasensya ka na I’m assume that we both feel the same way! Siguro nabigla nga kita, sobrang bilis ng mga pangyayari.” “Hindi naman kita inoobliga eh! Kung iyon ang iniisip mo..pabulong na sabi. Biglang tumigil ang sasakyan. Hinarap siya nito na tilang galit. “Don’t dare & told me on what to do, iyan ang ayaw ko!’bumuga ito ng hangin na tila inis ang boses. Hinarap niya ito “Hindi lang ako ang babae na nagalaw mo di ba? So ano ang ikinagagalit mo, dapat ako ang magalit saýo sa ginawa mo sa akin, may narinig ka ba? Wala! Isang sagot na nagpamula sa pisngi at noo ng lalaki, hindi maipinta nag mukha nito. Gumagalaw ang adams apple nito at tilang tinitimpi ang galit. “You’re diffirent with them Princess!’bumaba ang tinig at dumukwang sa pwesto ni Shan para gawaran ito ng halik sa labi. Isang hudyat na nagpatahimik sa mga nais pa sabihin nito. Ang halik na iyon ay isang susi na nagdadala ng magnet sa pagitan nila. Lumambot ulit ang titig nito, ang mapupungay nitong mga mata na tilang nagpapalimot sa buong katauhan ni Shan. “Ï won’t allow you to speak it again, Shan! I warn you, sasabihin ko sayo I’ll be punish you more than on what I’ve done with you that night,”sabi at pinaandar nito ulit ang sasakyan. Dinala siya ni Martin sa isang class na restaurant para kumain. Hawak kamay silang pumasok doon. Alagang alaga siya nito kahit sa pagbigay nito ng upuan, pag-order ng menu, panay ang tanong nito sa nga gusto niyang kainin. “Starting today, ito na ang daily routine natin, after office I’ll pick you up..give me your phone.. Inisave ni Martin ang number nito.[Your mine] ang naka phonebook. Napatitig siya rito. “Ïkaw ang nagpapadala ng mga bulaklak sa akin? Si Shan “Yes, princess, kaya lang sinayang mo lang ang effort ko basurahan lahat ang punta ng bulaklak! Nakasimangot. “Sorry, hindi ko alam! Salamat sa bulaklak! Ay ipinatong ang kanyang kamay sa nakapatong na kamay ng lalaki, at napakagat nito ang ibabang labi niya. “Princess..huwag ganyan ang titig sa akin..pwede! Dito tayo sa loob ng restaurant baka hindi ako makapagpigil dito..mahinang warning ni Martin na nagpamula ng mukha ng babae. Napayuko ito dahil alam niya ang ibig iparating ng kaharap. Ang lagkit ng titig nito sa kanya. “I think this is the start of our getting to know each other! Alam ko naman na hindi maganda ang naging simula ng pagkakilala natin, hindi pa naman huli na nagkakilala tayo.” si Martin na nilagyan ng pagkain ang pinggan nito “Salamat! Sir! mahinang sabi Malakas ang pagkapatong ng lalaki ng hawak nitong kutsara na tilang galit. “Martin! Just call me in my real name.Tayo lang dito, were not in the office anymore, okey! At ayaw ko yung matigas ang ulo! Tumahimik na lamang ito at patuloy sa pagkain, iniwas na lamang na magkahulihan sila ng tingin. Sa suit na suot ng lalaki tilang nanliit siya sa sarili sa kanyang suot na simpleng type B office uniform lamang. Kanina pa kasi pinagtinginan sila ng mga empleyado ng restaurant. Makikita sa mga mata ng mga ito ang mapanuring tingin. “Bakit kunti lang ang kinain mo halos hindi mo nagalaw ang inorder kung pagkain,hindi mo ba nagustuhan? “Masarap siya, sobrang sarap kaya lang hindi kasi ako sanay kumain ng marami lalo na sa ganitong oras! Mas gusto kung kumain ng dinner na nasa oras! “Oh..ibig mo sabihin nag dadiet ka? Mukhang nasobrahan ka naman ng paglimita sa sarili mo na halos sa lunch mo kunti lang ang kinakain mo! Ha? Paano mo nalaman? “Wala akong pinapalampas, I have my own investigation and I have my resources to do so..at nguimiti ito. “I’ll fix you home, saan ka ba nakatira? “Huwag mo na akong ihatid, kaya ko na ang sarili ko, magtataxi lang ako! Paiwas na sabi “At sa tingin mo hayaan kitang umuwi lang? Ako ang nagdala at nagyaya sayo dito, so its my responsibility to take you home! Tumayo si Shan ng tuwid at hindi sumunod sa pahakbang na lalaki pabalik sa sasakyan nito. “What? Tatayo ka lang ba dyan? Halika na! Nairitang boses Umiling si Shan. Ayaw niyang ihatid siya nito at mas gustuhin niyang hindi malalaman ng lalaki ang tinitirhan niya para hanggang doon sa trabaho na lang ang komunikasyon niya rito. Ayaw niyang mahatid siya nito dahil nag-iisa lang siya sa bahay at wala siyang tiwala sa kanyang sarili pagdating sa mga bagay na sila na ang magsolong dalawa. Hindi niya mapanindigan sa sarili kung sakali na minsang natangay siya sa kanyang emosyon at iyan ang iniiwasan niyang mangyari ulit. “Magtataxi na lang ako! Please..mahinang boses niya “Paano kung I insist, seryoso ang boses. “Hindi na kita kakausapin pa simula bukas kung ayaw mo magpahatid ngayon..Oh ano na, halika na? ay hinila siya nito sa kamay. Nanatiling nakatayo si Shan. “Mauna ka na, Ok lang ako! “Are you serious? Hindi ka talaga magpahatid ha! Tilang nainsulto ang lalaki at galit na pumasok sa loob ng sasakyan nito. Ilang segundo siyang naghintay na umandar ang sasakyan pero hindi nangyari sa inaakala niya. Hindi naman niya makikita dahil tinted ito at kung ano ang ginagawa ng taong nasa loob nito. Nang makita niyang umabante ang kotse nito saka siya nagpara ng taxi. Alam niya na naiinis si Martin sa kanyang pag-iiwas na maihatid nito. “Bahala na, nakakahiya pag may makakita sa amin na inihahatid ako ng boss ko! At saka wala akong tiwala sa damadamin kong marupok! Bago umuwi dumaan muna siya sa isang department store para mamili ng kakailanganin niya sa bahay. Hindi tiyak ang uwi ng ninang Lorna niya kaya dapat siya na lang ang gagawa kung ayaw niyang magutom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD