Chapter 7 - The Boss

1287 Words
“By the way upon request of Sir Tony doon ka muna mag duty sa opisina niya pansamantala. Kailangan niya kasi ngayon ng bagong PA dahil kakaalis lang ng tauhan niya nag-asawa.”si Timmy “Eh bakit ako, ang dami naman natin dito!” tilang nagtataka “Äba, ewan ko ba! At saka baka ikaw alam mo yan. Kung seryoso ang anak mas lalo pa ang ama niyan. Kaya mag-ingat ka.. panakot ni Timmy “Totoo nga? Kung ganoon si Annie na lang kaya. Bago pa lang ako rito at wala pa masyadong alam sa trabaho, ano naman ang maari kong gawin pag ganoon! “Hay naku Shan, si Sir Tony na lang ang tanungin mo.! Sa pagbukas pa lang ng elevator napaikot agad ang tingin ni Shan sa paligid parang nakakaasiwa parang panay naman nakasirado ang nga office dito. Pwede mabilang ang mga tao na nakasalubong nila at tilang lahat may hawak ng kani-kanilang mga tablets or di kayaý laptops. Pumasok sila sa isang malaking silid. Elegante ang disenyo sa pagbungad mu pa lang sa receiving area at may adjacent door pa na nagsisilbing connecting door sa tilang isa pang office. “Dito ang puwesto ni Shara dati, I’ll be asking sir Tony kung ganoon pa rin ang set-up pagdating saýo.”Lingon sa kanya ni Timmy sabay bukas ng pintuan. “Good morning Sir! “bati ni Timmy sa isang nakaupong may katandaang lalaki kaharap ang napakaraming mga papeles sa kanyang table. “Let me guess you’re Ms. Daza, if I’m not mistaken! Sabi nito “Thank you so much Sir sa opportunity na ibinigay mu sa akin! Sinalubong nito ang mapanuring titig nito. Tiningnan siya nito from head to toe..”Hindi nabanggit sa akin ni Lorna napakaganda mu pa lang bata”..huwag mo sana mamasamain ang sinabi ko! You have an angelic face! Dugtong pa nito “Kaya nga sir, buti nga dito siya muna na assign sayo dahil pag doon siya sa record section tiyak, hindi na makapagtrabaho ng maayos ang mga bachelors doon, ilang linggo lang iyan dito pero nakita ko na ang mata ni Gino dyan tilang lulukso…tawa ni Timmy Namula tuloy si Shan sa biruang iyon. Alam naman niyang may ibubuga siya pero hindi naman sa ganoong kakaisip nila. “So as temporary dito ka muna sa office ko, I read your resume, at siguro naman hindi mo ako ipahiya in terms of work..! Isang tango lang ang naisagot ni Shan dito. Same set-up ang table nasa labas si Shan ng private office ni Sir Tony may intercom lang pag kakailanganin siya sa loob. Nandito na rin ang lahat na kakailanganin niya. Itinuro ni Timmy ang mga dapat niyang gagawin at maging sa mga trabaho na natalaga sa kanya araw araw. Unang araw sa bagong assignment napasabak siya agad sa trabaho. Maraming mga tawag ang kanyang naisagot at lahat tungkol sa negosyo ng kompanya at ang boss nya ang hinahanap. Kailangan niya ang trabahong ito kaya dapat pag-igihan niya talaga para tumagal siya rito. Nang sumunod na mga araw parang nakapag-adjust na siya sa araw-araw na routine nito. Maging si Sir Tony ay nagustuhan din siya dahil mabilis siyang natuto. Nagtataka lang si Shan kung bakit hindi niya nakita si Martin or tumawag man lang sa kanya pagkatapos ng pangyayari sa restaurant. Baka nagalit ang lalaki or baka nawalan na ito ng gana sa sobrang pakipot niya dito. Sa totoo na mimiss niya ang lalaki mabuti nga lang at naging busy siya sa trabaho simula ng nailipat siya sa opisini ni Sir Tony. “Be ready Shan dahil sasama ka mamaya sa akin sa board room para sa Executive meeting. Gusto ko ikaw ang mag note down ng lahat na mapag-uusapan namin, alam mo naman matanda na ako minsang makakalimutin na rin!”at hinawakan ang sintido nito. “May masakit ba saýo sir..nagtatakang tanong. Umiling lang ito habang patuloy sa pagpirma ng mga natirang papeles. “Ito sana ang sinasabi kong dapat magpahinga na ako sa trabaho and have a time with my wife travelling to places we want, pero parang matagalan pa yata mangyari tilang mga anak ko hindi priority ang negosyong ito! Buntong hininga nito na tilang kay lalim ng pinaghuhugutan. “Akala ko ba sir katulong mo ang anak mo dito sa pamamahala! Sagot “Maybe he is, but minsan nababahala ako especially in his work ethics, ewan ko nga ba! Or baka hindi ko lang lubos siya pinagkatiwalaan sa pamamahala nito.” Magkasunod sila ni Sir Tony na pumasok sa isang silid na pagdadausan ng meeting. Halos lahat nakaupo na at sila na lang ang hinihintay. Itinuro ng nito ang isang upuan sa bandang kanan nito para doon siya paupuin. “Where’s Martin? Kailangan pa bang ipasundo ko siya sa opisina niya para pumunta dito?’malakas na boses ni Sir Tony sa isang babae na nakaupo sa bandang kaliwa nila sa tansya ito ang sekretarya. “Paparating na po Sir, sa Tagaytay pa po siya nanggaling eh, pero kakatawag lang po nasa parking lot na po & his coming!” nanginginig na sagot ng babae sa dulo. “Mabuti naman, please remind him about the status of project in Tagaytay as well as in Baguio, ayaw kung mas lalong tumagal pa iyon.”salita ng salita ito Halos lahat at nakikinig lang dito, yung iba nakayuko lang na tilang may binabasa sa kanilang mga cellphone. “Ökey gentleman, I want you to present all the status of our projects & sales throughout the Philippines. Nag-umpisa na sila sa meeting na iyon. Naputol lang ng may pumasok sa pintuan ang isang lalaki na hapong hapo pa. Lahat nga taong naroroon ay doon napatutok ang tingin. “Gentleman, i’m sorry for being late! Ang boses ng lalaking pumasok sa silid na iyon. Pag-angat ni Shan ng tingin, namilog ang mata nito sa pagkabigla si Martin ang pumasok at tilang kakarating lang. Tiyak niya natatingin ito sa kanyang banda at umasim ang mukha na tilang galit. Nagkasalubong ang kilay at napalitan ang nakangiting mukha sa tilang galit. “Sit down Martin, everytime I call for a meeting lagi ka na lang huli..sabi ni Sir Tony “Sorry Dad, promise it won’t happen again.’Maybe its not a good day for me, I came late! “Sa kanya nakatingin si Martin na sobrang lagkit ang titig nito. At doon pumunta sa bandang kinauupuan ni Shan. “Can I have a seat beside this beautiful lady, Dad! Nanunudyong boses nito. “Maupo ka na, at lets continue what we have started. Halos pigil hininga si Shan sa pagkalapit nila ni Martin, dahil alam niya kanina pa ito masama ang tingin sa kanya. Nakaupo at tilang pinag-aaralan ang bawat kilos at ginagawa niya. Maging ang paghawak nito nga ballpen at tilang tinititigan nito. Napatulala si Shan ng umpisang magsalita si Martin sa harap at nagpapaliwanag ng bawat detalye ng kanyang proyekto. Maging boses at pananalita nito ay kagalang galang at ang seryosong tono nito na hindi mu kayang arukin ang nilalaman ng isip. Napaputol ang seryosong meeting ng pumalakpak si Sir Tony. “Ï think, its about time to file a retirement in this business soon, Martin..you amaze me today! “Its my pleasure Dad! Siguro naman sa pagpalit ko sa posisyon mo pwede na rin ako makapag settle down..nakangising sabi. “Sir Martin tuloy na ba ang engagement nyo ni Mam Marie? Ang tinig ng babae sa dulo na tingin ay sekretarya ito ni Martin. “You should know soon! Sagot naman ni Martin na ang sarap ng ngiti nito Isang hindi magandang pakinggan sa tainga ang kanyang narinig “soon to engage “ kay Marie si Martin. Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kirot sa puso sa balitang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD