Ilang minuto pa ang nakalipas sa executive meeting na iyon, pero heto ngayon si Martin sa loob ng receiving area ng opisina ng ama tilang nagmamadali at kunot ang noong pumasok sa loob. Hindi man lang siya tinapunan ng pansin. Nagulat si Shan ng ipatawag siya ng mag-ama sa loob. Mas lalo pa nanginig ang kanyang mga tuhod ng magkasalubong ang kilay ni Martin na nakatitig sa kanya pagbungad pa lamang sa loob ng opisinang iyon. Kahit malamig ang aircon pero tilang uminit ang mukha’t katawan ni Shan sa lagkit na pagkatitig ng binata. “Martin, just behave okey! Boses ng ama na nagputol sa mainit na titigan ng dalawa. “Sit down here Ms. Daza! Nang nakaupo na siya sa sofa kaharap ang dalawa saka siya napabuntong hininga para makaipon ng hangin dahil ramdam niya kanina pa siya kinakapos ng hang

