Alas tres pa lang ng hapon naunang umalis si Martin ng araw na iyon dahil may pupuntahan daw na mahalagang bagay. Saka na lamang nakahinga ng maluwag si Shan sa paglabas pa lang ng lalaki sa pintuan. Kanina pa siya pigil hininga sa mga pangyayari hindi siya mapakaling magkasama sila ni Martin sa loob ng opisina nito. Naasiwa siyang kumilos dahil tingin niya sa kanya nakatuon ang pansin ng lalaki. Ilang beses niya kanina nalingunan na napakalagkit ng titig nito. “Oh uuwi ka na? si Annie nang makasabay niya sa elevator pababa ng building “Kamusta ang trabaho mo kay Sir Martin, hindi ka natulala man lang sa kagwapuhan niya or baka nabighani na yang puso mo sa kamandag ng dila ni sir? natatawang kaibigan “Bakit matinik ba talaga yan si Sir sa nga girls? “Kaya nga winawarningan na kita gir

