PAGPASOK sa kuwarto ay agad sinalubong si Hiraya ng asawa niyang bakas pa rin sa mukha ang pagkabahala. Pasado alas-singko na ng hapon nang dumating siya. Matapos ang nangyaring gulo kanina sa department store bunga ng muntik na pagkawala ni Ara, pinakain lang muna ni Hari at Sam ang tatlong bata pagkatapos ay pinauwi na niya ang mga ito. Nagdesisyon siyang magpaiwan para personal na asikasuhin ang kaso. Kasama niya ay ang bayaw na si Edward at ilan pang mga pulis na rumesponde sa tawag nila. Agad na sinuri ng mga ito ang CCTV footages na naka-install sa paligid. Hindi nagtagal nakita nila sa monitor na may isang lalaking na sa di kalayuan, mukha itong ordinaryong customer at namimili rin ng damit. Nakasuot ng baseball cap, naka army green ng jacket at maong na pantalon. Malapit lang ito

