“AGA, AKI, choose what you want. What do you like? Batman or Spongebob?” narinig ni Sam na tanong ni Hari sa kambal matapos ipakita ang dalawang disenyo ng damit na napili niya. Gaya ng sinabi ni Hiraya, matapos nilang mag-breakfast ay nagbihis silang mag-anak at nagpunta sa mall. Una silang pumunta doon sa department store para bumili ng mga bagong pambahay ng mga ito. Mabilis kasing nagsisilakihan at ang ibang mga damit ay hindi agad kasya dito. Napangiti si Sam nang imbes na pumili sa pinakita ni Hari ay tinuro ng dalawa ang may design na superman. Pinagmasdan niya sa di kalayuan ang tatlo habang hawak niya si Ara. “Ito gusto n’yo?” tanong ulit ni Hari. Sabay tumango ang dalawa. “Okay? Ano pa gusto n’yo?” tanong naman ni Hiraya. “Sir, may iba pa po kaming designs at sizes dito

