Chapter 16

1330 Words
PASADO alas-dos na ng madaling araw. Katatapos lang niyang maligo at mag-toothbrush. Nakapagpatuyo na siya ng buhok at nakapagbihis na rin ng t-shirt na kinuha lang niya sa closet ni Hiraya. Pero paglabas ni Sam mula sa banyo ay wala doon sa kuwarto si Hiraya. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kuwarto ni Hari. Gaya ng kanyang hinala, doon nga niya natagpuan ang hinahanap. Lihim niyang pinagmasdan ang kanyang mag-ama. Nakaupo sa gilid ng kama si Hiraya habang himbing na sa pagtulog si Hari, nakatulugan ang paglalaro ng games dahil hawak pa nito ang phone. Dahan-dahan iyon kinuha ni Hiraya at nilapag sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos ay marahan hinaplos ang buhok ng anak at hindi nawawala ang ngiti nito saka ilang ulit hinalikan si Hari sa noo. Hindi na muna siya nagpakita at hinayaan lang ang dalawa, sa halip ay bumalik na lang siya sa kuwarto at doon naghintay. Dumiretso siya sa bintana at binuksan iyon, sinalubong si Sam ng marahan ngunit malamig na simoy ng hangin, pagkatapos ay tumanaw sa malawak na hardin ng mansion ng mga Santillan. Pumikit siya at huminga ng malalim. Napakatahimik doon. Para siyang nasa ibang mundo. Malayo sa kahirapan. Malayo sa magulong mundo na nakasanayan na niyang galawan sa nakalipas na labinlimang taon. Mayamaya ay naputol ang kanyang pag-iisip nang bumalik na si Hiraya. Nang isarado nito ang pinto ay nilapitan siya nito at yumakap sa kanyang leeg mula sa likod. Napangiti si Sam nang halikan siya nito sa sentido. “Are you happy?” tanong nito sabay hinga ng malalim. “Sobra, ikaw?” “You have no idea,” he sighed. “Full packed ang schedule ko mula Monday pa lang pagdating ko doon sa Singapore hanggang kaninang umaga. Iyong sinalubong n’yo ako ng balita na alam na ni Hari ang totoo. Parang biglang nawala ang pagod ko tapos hindi ko maipaliwanag ang saya ko noong narinig ko na tinawag niya ako ng daddy. Ganoon siguro ang feeling ng ibang tatay nang unang beses nilang makita ang baby nila. Tapos noong unang beses silang tinawag na daddy. This must be how it feels. And you, you’re here again with me in my arms. Nayayakap kita. Nahahalikan. Nasasabi ko kung gaano kita kamahal. And most of all, making love with you again. You have no idea how much happy I am today. Pakiramdam ko kumpleto na buhay ko.” Humawak siya sa mga braso nito. “I think I know how you feel, because I feel over the moon too. Napakasaya ko. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas naging totoo na rin ako sa nararamdaman ko. Iyong mga hindi ko nasabi noon na ilang taon kong pinagsisihan. Sa wakas, nasabi ko na rin.” Muling huminga ng malalim si Hiraya at humigpit ang yakap nito sa kanya saka sinandal ang ulo sa gilid ng mukha niya. “Kung alam ko lang noon na mahal mo rin pala ako, hindi ako pumayag na maghiwalay tayo.” “Pero nangyari na ‘yon, nakalipas na. And I’m sorry kung napagkait ko sa’yo ‘yong mga panahon na dapat nasaksihan mo na pinanganak si Hari. Sorry kung napagkait ko sa’yo iyong mga firsts niya. First step, first haircut, first word, pati na rin noong nagpatuli siya,” sabi pa niya saka natawa sa huling sinabi. “Natatandaan ko, ikaw hinanap niya noon, dinala ko siya sa clinic, sabi n’ya dapat daw daddy n’ya kasama n’ya hindi ako.” Marahan natawa si Hiraya. “Ang importante nandito na kayo ngayon sa akin. And speaking, mamaya kapag nagising na si Hari. Bumalik tayo sa apartment n’yo, then, pack all your clothes. Dito na kayo titira mula ngayon.” “Alam na ba ng Daddy mo?” “Oo, nakausap ko na si Dad pati mga kapatid ko. Nasabi ko na sa kanila ang tungkol kay Hari. I also told them that I want us to start all over again.” “Anong reaction nila?” Marahan itong natawa. “Excited silang lahat makita kayo ni Hari. Ate Amihan even insisted to bring you guys on the family lunch this Sunday. Sabi ko sa kanya hindi ako sure, kasi noong mag-usap kami, hindi pa alam ni Hari ang totoo. But since everything’s okay now. Ipapakilala ko na kayo sa kanila sa Linggo.” “Nakakalula. Ang bilis ng mga pangyayari, parang kailan lang nagkita lang tayo sa isang blind date.” “Ganoon talaga kapag sigurado ka na sa isang bagay o tao.” Natawa siya. Mayamaya ay natahimik si Hiraya. Hanggang sa maingat nitong pihitin ang mukha niya paharap dito. His face is glowing in so much happiness. Nangungusap ang mga mata nito at samu’t saring emosyon ang naaaninag niya roon. “Let’s get married, Sam. As soon as possible. There’s no reason to prolong what we have right now. I’m offering you not just my heart, but my name and call you Mrs. Samantha Lagman-Santillan soon. I want you to be the permanent woman in my life. I want to give Hari a complete family. I want to give him the life that he deserves. I want to bring back your life that once robbed from you.” Mabilis nag-unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha. “Are you serious?” Bumaba ang tingin nito sa kanyang labi at mariin siyang hinalikan. “Yes. I’m serious,” sagot nito nang ilayo ang mukha at tumambad sa kanya ang diamond ring na hawak nito. “I saw this ring in Singapore and the moment I laid my eyes on it. I knew that moment that this is made for you. At alam ko na ito ang tamang gawin na dapat noon pa nangyari. Hindi lang para panagutan ko kayo ni Hari kung hindi dahil mahal ko kayong dalawa.” “Aya… this is… ridiculous,” hindi makapaniwalang komento niya. “It will be a lot more ridiculous if you will not say yes,” sagot nito kaya natawa siya ng wala sa oras. “Samantha, will you marry me?” Emosyonal ngunit puno ng sobrang kasiyahan na tumango siya. “Yes!” Nanginginig pa ang mga kamay niya sa nerbiyos nang isuot nito ang singsing sa kanyang kamay. Habang kaybilis naman ng pintig ng puso niya. Pagkatapos ay masuyo nilang hinalikan ang isa’t isa. Hiraya pulled her away from the window and lay her down on the bed. Nang huminto ito sa paghalik ay agad nitong hinubad ang suot na sando. “Ready for round two?” tanong nito sabay tungo at angat ng t-shirt niyang suot. Humagalpak siya ng tawa at pinanood itong patakan ng halik ang tiyan niya. “Tulog na si Hari, wala nang makakarinig sa atin,” nakangising sabi pa nito. “Tayo? Anong oras matutulog?” natatawang tanong niya. Pumantay ito sa kanya at tinitigan siya na puno ng pagmamahal. “Depende, kung anong oras matatapos ang round three?” Nanlaki ang mata niya. “Two palang ito may plano ka na agad na round three?” “Because you my love is a f*cking irresistible woman. Once is not enough. Nakalimutan mo na? Noon ‘di ba kapag nagse-s*x tayo, laging three rounds! Ang sarap mo kasi!” nanggigigil na sabi nito sabay pisil sa kanyang hita. Humagalpak na naman siya ng tawa. “Bata pa tayo noon!” “So? Kalabaw lang ang tumatanda! Daddy ko nga naka-pito, kaming anim kamay lang gamit niya dahil surrogate babies kami!” Lalo siyang natawa. “G*go ka talaga!” sabay hampas sa braso nito. “Ganyan-ganyan ka pero kanina todo ungol ka, sarap na sarap ka!” patuloy na pang-aasar nito. “Huy!” “Bakit? Hindi? Tinawag mo nga ako sa endearment natin noon, sabi mo love.” Tinakpan niya ang bibig para itago ang pagkapahiya sabay iling. “Hindi ah,” tanggi niya. “Ah ayaw mong aminin ah, pasisigawin kita mamaya,” banta nito. Hindi na nakakontra si Sam nang bigla na siyang sunggaban ng halik sa kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD