Chapter 17 (SPG)

1480 Words
ALAS-OTSO pa lang ng umaga ay nagising na si Sam. Nang lumingon sa gilid ay himbing pa rin na tulog at nakadapa si Hiraya. Sa halip na gisingin ay hinayaan muna niya itong matulog. Sabado naman ng araw na iyon at walang pasok. Nagsuot siya ng robe pagkatapos ay lumabas ng silid at nagtungo sa kuwarto kung saan natulog si Hari. Nagtaka siya dahil pagdating doon ay wala na ito sa kama. Hinanap niya ito sa banyo ngunit wala din ito doon. Kaya nagdesisyon siyang bumaba at sa dining area niya natagpuan ang anak. Katapat kasi ng dining table ay may malawak na sliding door at sa labas ay ang malaking swimming pool. Bumaba si Sam at nilapitan ang anak. “Morning, nak.” Isang maganda at masiglang ngiti ang sinalubong sa kanya ni Hari. “My, ang sarap ng tulog ko dito!” sabi pa nito. “Oo nga, pinuntahan ka ng Daddy mo kaninang madaling araw himbing na himbing ka.” “Aba, gising ka na pala.” Napalingon si Sam at mula sa kusina ay lumabas si Manang dala ang serving bowl na laman ay fried rice. “Good morning po.” “Good morning din naman. Itong anak mo ang aga nagising tapos dumiretso sa kusina, nagpi-prisinta na siya na daw ang magluluto ng sinangag. Noong hindi kami pumayag ay sabi naman siya na lang maglilinis ng bahay, nakakatuwa at napakasipag! At kung magsalita ay akala mo matanda na, napaka-matured,” naaaliw na kuwento ng matanda. Natatawa na hinaplos niya ang buhok ni Hari. “Nakasanayan na po kasi niya na iyon ang gawin mula ng magbakasyon siya. Palibhasa kaming dalawa lang noon pa kaya maaga ko siyang naturuan sa gawain bahay.” “Napakabait ng anak mo. Kailan ba daw kayo pinapalipat ni Hiraya dito?” “Baka rin po mamaya o bukas, pinapag-impake na nga kami ni Aya.” “Ay mabuti nga iyon at nang magkabuhay na ulit itong bahay na ito. Naging malungkot na dito mula nang bumukod na ‘yong magkakapatid. At maganda rin naman dahil may binata na ulit dito.” Napangiti si Sam. “Manang, salamat po sa pagtanggap n’yo sa akin dito.” “Ay naku, ito naman batang ito. Hindi ka naman na iba sa amin dito lalo na sa pamilya nila Sir. Masaya nga kami at may bago na kaming makakasama dito sa bahay.” Yumakap siya sa mabait na mayordoma. “Thank you po.” “Anak, dito ka lang muna?” baling din niya kay Hari. “Opo. Ang sarap dito eh. Puwede ba ako mag-swimming, ‘My?” tanong nito. “Paalam ka sa Daddy mo pagkagising,” sagot niya. “Ay, gisingin mo na nga ‘yan si Hiraya at baka lumamig itong pagkain,” sabi pa ng matanda sa kanya. “Sige po.” Mula doon sa dining area ay saglit niyang iniwan ang dalawa. Pagpasok niya sa kuwarto ay tulog pa rin ito at nakadapa sa kama. Nang humiga siya sa tabi nito ay doon ito kumilos at yumakap sa beywang niya. Mayamaya ay dumilat ito. “Morning, handsome,” bati niya dito. “Morning, gorgeous,” sagot nito. Marahan natawa si Sam. Iyon kasi ang pamamaraan nila ng pagbati noon pa sa umaga. Ngumiti ito at hinalikan siya sa labi. Hinapit ni Hiraya ang katawan niya palapit dito. Niyakap ni Sam ang isang binti sa hita nito. “Bangon na, naghanda na si Manang ng breakfast,” sabi niya. “Puwede bang ikaw ang breakfast ko?” bulong nito sa kanya saka siya sinimulan halikan sa balikat pagkatapos ay kinalas ang pagkakabuhol ng suot niyang robe. Gumapang ang kamay nito at naglikot sa loob ng suot niyang oversized shirt. Humawak ito sa dibdib niya at minasa ang mga iyon. “Gising na ang anak mo, baka biglang kumatok ‘yon,” sabi niya. Huminga ng malalim si Hiraya. “Weekend naman, bakit ang aga n’ya magising?” “Excited eh, nagpapaalam na nga kung puwede daw siya mag-swimming,” natatawang kuwento niya. “Sana sinabi mo mag-swimming muna, para makaisa ako ngayon, please…” pakiusap nito. Natawa siya. “Grabe ka, nakailan tayo hanggang kaninang madaling araw.” Sa halip na sumagot ay sinunggaban nito ang kanyang labi sa masuyo at mapusok siyang hinalikan. Hindi naman nagdalawang isip si Sam na tumugon at yumakap sa leeg nito. Sa ilalim ng kumot ay gumapang pababa ang kamay nito at dumiretso sa loob ng underwear niya. Napaigtad si Sam nang igalaw nito ang daliri sa ibabaw niyon. “Hold me,” paanas na utos nito sa gitna ng halik. Sinunod niya ang sinabi nito at hinawakan ang buhay na buhay nitong p*********i. When they stopped kissing, she bit her lower lip and smiled seductively as she held his hard sh*ft. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ginalaw ang mga kamay. They are breathing heavily as they both pleasure each other. At first, she thought Hiraya is just teasing her. Pero kalaunan ay naging mabilis na ang pag-ulos ng daliri nito sa loob niya. Binilisan niya ang pagtaas-baba ng kanyang kamay na labis nagbibigay na ligaya dito. He claimed her lips and they kissed each other passionately. “F*ck,” mahinang bulalas nito sabay hugot ng daliri mula sa kanya kaya nabitiwan niya rin ito. Pagkatapos ay mabilis na tinutok ang p*********i sa bungad niya. “Aya, baka dumating si Hari,” natatawang saway niya. Impit silang napaungol nang itulak nito ang sarili sa kanya. “Sandali lang ‘to,” paanas na sabi nito saka mabilis na umulos. Napakagat siya ng labi at kumapit ng mahigpit sa balikat nito. Hiraya thrusts faster and deeper. Niyakap siya nito at doon narinig niya ang mahina ngunit marahas nitong pag-ungol. “Ahh… Sam…” ungol nito sa kanyang pangalan. “Oh my gosh… this is so good,” hindi niya napigilan sabi. Bahagya itong lumayo para tignan siya sa mukha. “Kung ganito tayo araw-araw, except your period days, baka masundan na natin si Hari,” natatawang sabi nito habang patuloy na gumagalaw. “I don’t mind… ahh gosh…” sagot niya bago biglang napaungol nang buo nitong pinasok ang p*********i sa kanya. “Gusto ni Hari na magkaroon ng kapatid…” “Iyon naman pala eh, ibibigay natin sa kanya ang gusto… f*ck! I’m getting there!” They claimed each other’s lips again as Hiraya thrusts faster and harder. Ilang sandali pa ay kapwa na sila umuungol nang tuluyan naabot ang sukdulan. Hingal na hingal na huminto sila paghalik at natawa nang magkatinginan. “I love you, love,” malambing na sabi nito saka hinaplos ng likod ng daliri nito ang kanyang pisngi. “I love you too, love,” sagot niya. Eksakto naman na biglang may kumatok sa pinto. Mabilis nilang inayos ang sarili at ang damit na suot. “Mommy!” tawag ni Hari. “Sabi sa’yo eh!” natatawang wika niya paglingon kay Hiraya pagkatapos ay nagmadali silang ayusin ang mga sarili. “Pumasok ka dito,” sagot niya. Binuksan nito ang pinto at agad sumampa sa kama at nahiga ito sa gitna nila. “Baba na daw kayo sabi ni Nanay,” sabi nito. “Sabihin mo susunod na,” sagot ni Sam. Nagkatinginan sila ni Hiraya nang pumaling ito paharap dito at yumakap sa beywang ng ama. Napangiti silang dalawa. Pagkatapos ay gumanti ito ng yakap sa anak. “Daddy…” “Hmm?” “Wala lang po gusto ko lang sabihin ‘yon. Akala ko kasi hindi na kita makikilala.” Marahan natawa si Hiraya. “You can call me anytime you want from now on.” “Daddy…” ulit nito. “Hmm?” “I love you po.” May mainit na emosyon humaplos sa kanyang damdamin sa narinig mula sa anak. Maging si Hiraya ay maluha-luhang napangiti. “I love you, so much, anak.” Matapos iyon ay mas mahigpit na yumakap si Hari sa ama na para bang ayaw nang bumitaw pa dito. “Okay lang ba sa’yo na magpakasal na kami ng Mommy mo?” tanong ni Hiraya. “Oo naman po! Magiging masaya ako kapag nangyari ‘yon.” Umurong si Sam at sumama sa hugging session ng mag-ama pagkatapos ay pinakita ang engagement ring na binigay ni Hiraya. “We’re getting married soon, anak.” Malapad na ngumisi si Hari at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila. “Talaga po?” “Oo, sa lalong madaling panahon!” sagot ni Hiraya. “Yehey!” masayang bulalas ni Hari. Nang sabay nilang halikan sa magkabilang pisngi si Hari ay natawa ito. Huminga ng malalim si Sam. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ng mga mata. Ang makitang buo at masaya ang pamilya nila ay tila isang panaginip pa rin ang sandaling iyon para sa kanya. Ngayon, maipagmamalaki niyang sabihin na hindi siya nagkamali na muling tanggapin si Hiraya sa kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD