Chapter 7

1676 Words
HINDI alam ni Sam kung paano haharapin ang mapanuri at mapanuksong mata ng mga kapwa niya empleyado na nakakita sa kanila ni Hiraya kanina. Pero saka na niya iisipin iyon. Dahil ang mas importante niyang harapin ngayon ay itong makulit na lalaking ito sa harapan niya. “I said, get inside.” Bumuntong-hininga siya saka pumasok sa loob ng pribadong opisina nito. Narinig niyang sumarado na ang pinto pero hindi na nag-abala pang lumingon si Sam, dahil natigilan na siya nang tumambad ang magandang opisina ni Hiraya. May konting inggit siyang naramdaman. Mabilis na bumalik sa kanyang alaala ang nakaraan. “Come on, sit down,” pag-imbita sa kanya ni Hiraya. Naupo siya sa sofa. Ito naman ay naupo sa coffee table na gawa sa kahoy na nasa harapan niya. Pagkatapos ay hinawakan siya sa mga kamay. “Samantha, alam kong may hindi ka sinasabi sa akin kagabi pa. Don’t get me wrong, I’m happy to see you working in my company. But it doesn’t make sense. You are the sole heir of RJ Shipping Lines. You are supposedly the CEO. What are you doing here?” Natigilan si Sam. Pilit man pigilan ang luha ay kusang kumawala iyon mula sa kanyang mga mata. Marahan siyang umiling at tumungo. “Fifteen years na mula nang nawala sa amin ang RJ Shipping Lines,” pag-amin ni Sam sabay tingin kay Hiraya. Gulat at hindi makapaniwala ang bumakas sa ekspresiyon sa mukha nito. He remained speechless for a while before he gets to talk again. “Eh sila Tito at Tita, ang parents mo? Nasaan na sila?” Muli siyang umiling at doon na siya tuluyan naging emosyonal. “Wala na sila. Fifteen years na silang patay, Aya.” “What?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Wala kaming kaalam-alam ni Mommy noon na nalulugi na pala ang negosyo namin. Hindi namin alam na nalululong na si Daddy sa pagsusugal sa casino. Kung tumaya siya libo-libo, umaabot pa sa milyon-milyon minsan. Hanggang sa nabaon siya ng husto sa utang, nagalaw niya ang pera ng kompanya. Nalaman ng mga board members ang lahat kaya nagalit sa kanya. Pinatalsik si Daddy sa sarili niyang kompanya. Dinamdam niya iyon ng husto. Huli na nang nalaman ko ang lahat, noong araw ng graduation natin, pag-uwi namin ni Mommy sa bahay. Doon lang nila sinabi sa akin ang totoo. That night, daddy took his own life. Nagbaril siya sa sarili niya. Hindi nakayanan ni Mommy ang pagkawala ni daddy at ang problemang iniwan nito. Just five days after my dad died, inatake sa puso si mom at hindi na umabot sa ospital.” Isang mabigat na buntong-hininga ang narinig niya mula kay Hiraya pagkatapos ay inangat ang kamay niya na hawak nito at pinatong doon ang noo. “Ako ang sumalo lahat ng iniwan problema ng mga magulang ko. May isang negosyante ang bumili ng RJ Shipping Lines. Ang sabi nila sa akin, matagal na daw iyon may interes sa kompanya namin. Sinalo niya ang utang ng kompanya. Sa kondisyon na hindi ko pag-iinteresan iyon. Wala akong nagawa kung hindi ipaubaya ang RJ Shipping Lines. Ang pinagbentahan sa kompanya ay pinambayad ko utang ni daddy, napilitan akong ibenta lahat ng natitirang properties namin. Luxury cars, jewelries, iyong farm, mga bahay namin. Salamat sa Diyos at nabayaran ko lahat ng utang niya.” “Samantha, bakit hindi mo sinabi sa akin?! You know very well that you can come to me and ask for help! Magkaibigan ang daddy mo at daddy ko!” “Wala akong mukhang maihaharap sa inyo. Isa ang daddy mo sa inutangan ni daddy.” Hindi nakapagsalita si Hiraya sa gulat. “Sampung milyon ang utang ng daddy ko sa daddy mo. Hindi na pinabayaran iyon ng daddy mo, kaya mas lalo akong nahiya. Wala akong mukhang maihaharap sa inyo.” “Where did you go after? Saan ka tumira? Anong trabaho pinasok mo?” “Iyong natira sa akin galing sa mga pinagbentahan ko ng properties. Ginamit ko ‘yon, umupa ako ng maliit na apartment. Sinubukan ko mag-apply sa mga malalaking kompanya dahil degree holder naman ako, c*m laude naman din naman ako. Pero walang gustong tumanggap sa akin. Iyong bumili ng RJ Shipping Lines, masyado siyang maimpluwensiya. Pinagkalat niya ang ginawa ni dad, kaya tuloy naka-ban ako sa mga big companies. Walang gustong tumanggap sa akin kapag nalalaman nilang anak ako ng dating may-ari ng RJ Shipping Lines. Kung saan-saan ako nagtrabaho. Factory Worker, sa mga convenience store, pati nga pagtatrabaho sa mga tiangge at palengke ginawa ko na.” Nakita ni Sam ang awa at simpatya sa mga mata ni Aya para sa kanya. “Please huwag kang maawa sa akin. Wala naman akong pinagsisisihan sa mga trabaho na pinasok ko. Marangal naman ‘yon. Mahirap. Pero kung hindi dahil doon, hindi ako matututo sa buhay. Imagine, from someone who lives like a Princess, hindi marunong maglaba, magluto, at iba pang gawain bahay. Sa isang iglap kinailangan ko matutunan lahat.” “I’m sorry… I didn’t mean to give that kind of impression. Alam ko na marangal na trabaho iyon. It’s just that… I know you very well… hindi ko lang ma-imagine dahil alam ko kung gaano naging kahirap para sa’yo.” “Himala na lang kung paano ako naka-survive ng fifteen years, Aya.” Muling bumuntong-hininga si Hiraya pagkatapos ay hinila siya saka niyakap ng mahigpit. “I’m sorry… I’m sorry I wasn’t there beside you back then.” Gumanti ng yakap si Sam. Hinayaan niya ang sarili na maramdaman sa unang pagkakataon ang suporta at pagdamay ng isang matagal nang kaibigan. Mga yakap na hinanap niya noon pero pilit na pinagkait sa sarili. “You’re not alone now. Nandito na ako. Hindi kita pababayaan, Sam. Just tell me anything you need.” Kumalas siya sa pagkakayakap at umiling. “Salamat, Aya. Noon pa man bago naging tayo mabuti ka nang kaibigan. You’re one of my best friends since college. Maayos naman ang trabaho ko dito at malaki ang sweldo ko. Kaya kuntento na ako ngayon. Mas maayos na ang buhay ko ngayon kumpara dati. Mas nakakaraos na.” “Hindi. This can’t be,” sagot nito. Napakunot noo siya nang bigla itong tumayo at naupo sa swivel chair nito. “I know you, Sam. Your knowledge and skills are greater than a regular marketing agent. Ang alam ko may opening ng managerial position sa ibang department,” sabi pa nito sabay dampot ng phone. Agad siyang tumayo. “Hiraya, hindi na!” “No, let me do this for you.” Umikot siya sa likod ng mesa pagkatapos ay siya mismo ang nagbaba ng phone. “Please, huwag na. Kung mapupunta man ako sa ganoon mataas na posisyon. Gusto ko, na-promote ako dahil pinaghirapan ko hindi dahil ni-recommend ako ng may-ari ng kompanya. Pinagsigawan mo na sa lahat kung magkaano-ano tayo. Ayoko simulan tayong pagchismisan ng mga tao dito.” Bumuntong-hininga si Hiraya saka tumayo pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya. “Sige, pagbibigyan kita. Pero sa isang kondisyon… hindi dalawang kondisyon pala.” “Ano ‘yon?” “First, if I want to go out on a date with you, you can’t say no. Second, if I call you to come here to my office at any time of the day, pupunta ka. Kapag na-late ka ng fifteen minutes, may parusa ka.” Marahas siyang napabuntong-hininga at umiling. “Apaka-abusadong boss,” natatawa nang sagot niya. “Ayaw mo o ayaw mo?” “Oo na! Para naman puwede akong tumanggi? Eh di kinulit mo na naman ako sa baba.” “’Yan, good girl.” Muli siyang humugot ng malalim na hininga pagkatapos ay ngumiti saka tumingala kay Hiraya. Tila unti-unting natunaw ang puso ni Sam nang gumanti ng ngiti ito sa kanya pagkatapos ay maingat na ginagap siya sa magkabilang pisngi at hinalikan sa noo. “Halika na, lunch time na rin pala. Simula ngayon araw, kailangan sabay tayong dalawa kumain!” “Hay… ayan ka na naman. Ginagamit ang privilege mo sa akin dahil boss kita.” Ngumisi ito. “Siyempre!” mabilis na sagot nito sabay hila sa kanya palabas ng pribadong opisina. “Ay teka, mag-a-out muna ako, mauna ka na sa canteen.” “Hindi na samahan na kita.” Wala nang nagawa si Sam kung hindi isama si Aya pabalik sa department nila. Hindi na siya nakipagtalo pa dahil alam din naman niyang hindi siya uubra sa kakulitan nito. “Hi Ems!” bati ni Hiraya sa head nila. “Oh, boss! Lunchtime na!” “Oo nga, kain na kayo baka mangangayayat kayo, kasalanan ko pa! Sabihin n’yo ino-overwork ko kayo,” biro pa nito. Hindi siya talaga nilubayan ni Hiraya hanggang sa makalapit siya sa cubicle niya. Doon sa kompanya, kailangan pa rin ng bawat empleyado na mag-time-out at time-in tuwing break time. Para sa ganoon ay mamomonitor kung sino sa mga ito ang late na bumabalik sa trabaho. Base sa naging experience ni Sam at sa kuwento na rin ng mga kasama kung anong klaseng boss si Hiraya. Sobrang bait daw nito at talagang palabiro, bagay na hindi niya maitanggi dahil ganoon na talaga ang ugali nito. Pero pagdating sa trabaho ay sadyang mahigpit. He always aims for always the best. Pero hindi ito gaya ng ibang boss na kakatakutan kapag nagkakamali. Hiraya always approaches his employees in a nice way and explain everything in a modest and calm way. Paglapit sa computer ay hindi na siya naupo at bahagya na lang tumungo bago nag-time out. Napalingon siya nang humawak sa beywang niya si Hiraya. Lumingon siya dito. “Iyong kamay mo,” bulong niya. “Ay, sorry. Kung makakalusot lang naman,” sagot nito. Matapos niyang mag-time out ay saka sila umalis ulit. Bago lumabas ay kumaway pa si Hiraya sa head nila. “Bye Ems, hiramin ko muna itong alaga mo ah,” paalam nito. “Sige lang, Sir! Gusto mo pakasalan mo pa eh!” pakikisakay nito. “Alright!” tumatawang bulalas ni Hiraya sabay high five ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD