Chapter 9

1556 Words
HINDI hinayaan ni Hiraya na umuwi si Hari nang araw na iyon. Matapos ang tanghalian ay sinama nito ang anak sa pribado nitong opisina. Buong hapon itong naroon. Nang mag-uwian na ay kinuwento agad ng anak ang mga ginawa nito. Hinayaan daw itong maglaro ng games sa computer. Pagkatapos daw ng trabaho nito ay nakipaglaro si Hiraya kaya naman enjoy at masaya ito. Nang mag-alok si Hiraya na ihatid sila ay hindi nagawang tumanggi ni Sam. Bumili lang sila ng pagkain ni Hari saka nagpaalam na aalis ulit sandali. Matapos ang mahigpit na bilin na huwag lalabas at i-lock ang pinto ng bahay ay saka sila umalis dalawa. Habang nasa daan at nagmamaneho si Hiraya ay wala itong kibo. Hindi siya sanay na tahimik ito. Alam at kilala naman niya noon pa kapag nagagalit ang isang Hiraya Santillan. Hindi ito magsasalita pero mamamatay ka sa pananahimik nito. Sa isang condominium building siya dinala ng lalaki. Sa penthouse sa pinakatuktok ng gusali sila pumunta. Pagdating sa loob ay hindi agad sila nakapagsalita. Hinubad ni Hiraya ang suot nitong blazer coat saka pumunta sa kusina. “You want anything?” alok nito. “No thanks,” sagot niya. Uminom lang ito ng tubig. Pagkatapos ay naupo sa sofa di kalayuan sa kanya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin nabuntis ka noon?” seryosong tanong nito. “I can’t. Huli na rin noong malaman ko na buntis ako. Dalawang buwan na tayong hiwalay at wala ka na dito sa Pilipinas at nasa Netherlands ka na. Nang mga panahon na iyon ay kakamatay lang nila mommy at daddy. Tuliro ang utak ko sa problemang iniwan sa akin ng mga magulang ko. Hindi ko alam ang uunahin ko ang hanapin ka, harapin ang iniwan problema nila Daddy o ang magbenta ng properties para makabayad ng utang.” Marahas na bumuntong-hininga si Hiraya saka pumihit paharap sa kanya. “Sinabi mo na nakausap mo ang daddy ko! Dapat sinabi mo sa kanya! Dapat gumawa ka ng paraan! Babalikan naman kita at papanagutan naman kita eh!” he yelled frustratedly. “Hindi ganoon kadali iyon noon para sa akin, Hiraya!” she yelled back. “Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa’yo kahapon?! Isa ang daddy mo sa inutangan at tinakbuhan ng daddy ko! Iyon lang humingi ng patawad sa nagawa ng daddy ko halos lumubog na ako sa kahihiyan. Wala akong mukhang maiharap sa kanya, pasalamat na lang ako at mabait ang daddy mo at hindi ako siningil, ni hindi niya hinusgahan ang buong pamilya namin. Paano ko sasabihin sa kanya na nabuntis ako ng anak n’ya?! Sa kabila ng ginawa ng daddy ko?!” “Samantha, labas tayo sa issue ng mga magulang natin!” “Anong gusto mo?!” sigaw din niya. “Basta na lang ako magpakita sa’yo sabay ‘hello, naanakan mo nga pala ako!’ Ganoon?! Hindi madali para sa akin sabihin sa’yo dahil ang tagal na natin hindi nagkikita. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa’yo nabuntis mo ako at kailangan ka ng anak mo ngayon!” “Nasa alanganin ka nang sitwasyon noon pero pride mo pa rin ang inuna mo!” galit na sigaw nito sa kanya. “That’s all I have that time, Hiraya! I have nothing and my pride is the only thing that kept me fighting!” Napaiyak si Sam. Binuhos niya ang emosyon na kaytagal niyang kinimkim. “Hindi mo ako maiintindihan kahit kailan, Hiraya. Hindi mo alam kung paano naging magulo ang isip ko noon. Ang akala ko nga… ang akala ko nga mawawala sa akin si Hari noon dahil ilang beses akong dinugo. Ang sabi ng doctor, dahil daw sa stress. Pero mabuti na lang malakas ang kapit ni Hari. Halos mabaliw na ako sa kaliwa’t kanan problema na pinamana sa akin ng mga magulang ko. Buntis pa ako. Wala akong mapuntahan noon, mabuti na lang at kinupkop ni Yaya Chona, iyong nagpalaki sa akin. Hindi niya kami pinabayaan mag-ina hanggang sa pumanaw na rin siya. Siya ang nag-alaga sa akin noon buntis ako hanggang sa manganak ako. Pero ngayon nagbibinata na si Hari, palagi ka na niyang tinatanong sa akin. Nag-apply ako sa kompanya mo na hindi alam na ikaw pala ang may-ari. Gusto ko kasi kapag nakaharap kita maayos na kahit paano ang itsura at kalagayan ko. Kaya laking gulat ko nang malaman ko na ikaw pala ang boss ko. Pero noong makita kita ulit sa personal sa malayuan, nawalan ako ng lakas ng loob dahil nakita ko may kasama kang babae, magka-holding hands kayo tapos hinalikan mo siya sa labi. Mula noon, kinalimutan ko na ang nauna kong plano na kausapin ka. Ayokong magulo ang buhay mo. Pero nagkita kami ni Yumi sa restaurant niya at sinabing gusto niya akong i-set up ng date sa’yo. Sinabi niya na naghiwalay kayo ng girlfriend mo kaya pumayag ako.” Kinuha ni Hiraya ang dalawang kamay niya. “I’m sorry,” emosyonal na sabi nito. Natigilan si Sam sa sinabi nito. Ang inaasahan niya ay magagalit ito ng husto sa kanya dahil sa paglilihim niya tungkol sa anak nila. Hinaplos nito ang pisngi niya. “I’m sorry I wasn’t there to take care of you. Sa dami ng hirap na pinagdaanan mo, hindi ko alam kung paano mo nalagpasan ‘yon. And I hate myself for living a life with so much comfort all these years, tapos wala akong kaalam-alam, ang mag-ina ko hirap na hirap sa buhay. I’m sorry I wasn’t there with you and Hari.” “Hiraya…” “Let me make it up to you and Hari. Hayaan mong punuan ko ang labinglimang taon na wala ako sa buhay n’yo. Simula ngayon, wala ka nang dapat alalahanin. Ako nang bahala sa inyong dalawa. Lahat ng pangangailangan n’yo, ibibigay ko. Pati oras at atensiyon ko sa inyo ko lang ibibigay. Gusto kong… gusto kong bigyan ng buong pamilya si Hari. Gusto kong maranasan n’ya iyong naranasan natin na lumaki na may masayang pamilya.” Labis na naiyak si Sam dahil sa tuwa sa narinig mula kay Hiraya. “Ang akala ko… ang akala ko itatanggi mo siya o kaya kapag nalaman mo ilalayo mo siya sa akin kaya natakot akong sabihin sa’yo agad…” pag-amin niya. Natawa si Hiraya sa pagitan ng pagluha. “Paano ko itatanggi? Eh kamukhang-kamukha ko, hindi mo maipagkakailang dugong Santillan. Saka paano ko siya ilalayo sa’yo? Eh nilalandi nga kita eh.” Natawa din siya ng wala sa oras. Pagkatapos niyon ay niyakap nila ang isa’t isa ng mahigpit. “Thank you, Hiraya. Thank you so much for making this easier for me.” “I’ll make things easier for you starting today. Hindi ka na mahihirapan, kayo ni Hari,” sagot nito sabay halik sa kanya sa ulo. “Kahit hindi na ako, kahit para kay Hari na lang.” “No. You’re the mother of my child. Simula ngayon, sa ayaw mo man at sa gusto mo, iisang pamilya na tayo. But you have to teach me, hindi ko alam kung paano maging isang magulang.” “It’s a natural parent instinct. It will come to you the moment you spend more time with him.” “Akalain mo ang galing din pala ng break-up remembrance ko sa’yo.” Natawa siya ng malakas at kinurot ito sa tagiliran. “Aray ko!” “G*go ka kasi, hindi ka yata nag-condom na gamit mo noon,” biro niya. Si Hiraya naman ang natawa ng malakas. Nang maramdaman na huminga ito ng malalim ay napapikit si Sam. Kaysarap pakinggan ng mga salitang iyon mula kay Hiraya. Pakiramdam niya ay may malaking bato na labinglimang taon nang nakadangan sa kanya ang tuluyan naalis. Ngayon ay nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay masabi niya ang totoo. Mayamaya ay bahagya siyang nilayo nito saka sinalubong ng tingin ang isa’t isa. “Paano ba ‘yan? After all these years, sa akin din pala ang bagsak mo.” Natawa na naman siya ng malakas. “Bakit pati ako? Ang anak mo lang ang usapan dito.” Mabilis itong umiling. “Ah, nope! Kasasabi ko lang, package deal kayo. Dapat pati ang nanay.” “Manghaharass ka na naman,” biro niya. “Wow, harass, big word! Kinikilig ka naman!” Nasa gitna sila ng pagbibiruan nang mag-ring ang phone niya. “Sandali, ang anak mo tumatawag,” sabi niya, saka agad sinagot ang tawag. “Hello, anak.” “Mommy, anong oras ka uuwi? Gabi na.” “Opo, pauwi na po boss.” “Uwi ka na ha?” “Yes, po.” Matapos mag-usap ay humarap siya kay Hiraya. “Kailangan ko nang umuwi, hinahanap na ako ng totoong boss ko. Gabi na daw.” “Sige na nga, ihahatid na kita. Wala akong laban doon, anak ko ‘yon,” sagot nito. Agad silang tumayo at kinuha ang mga gamit nilang kanina ay nilapag sa isang bakanteng sofa. Bago pa man pihitin ni Sam ang pinto ay hinawakan iyon ni Hiraya. Paglingon ay sinalubong siya ng mga tingin nitong puno ng emosyon. “Thank you, for coming back and for staying strong after all those hardships you’ve been through. Thank you for giving birth to Hari.” Ngumiti siya. “You and Hari are the best men I ever have in my life,” sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD