ABALA si Sam sa pakikipag-usap sa kasamahan niya tungkol sa total sales ng complete console set mula sa nakaraan online sale. Hindi naman ganoon ka-busy sa araw na iyon kumpara sa mga nakaraan na grabe ang pasok ng orders, walang tigil ang pasok ng tawag tungkol sa mga inquiries ng mga customers na gustong mag-purchase ng game console, tapos dumadagdag pa sa iniintindi niya ang pangungulit ni Hiraya. Pero hindi nagrereklamo si Sam, ang pangungulit nito ay nagsilbing stress reliever niya. Sa tuwing pinapatawa siya ni Hiraya, nakakalimutan niya ang mga hindi magagandang naranasan niyasa buhay sa nakalipas na fifteen years. Gumaan ang kanyang pakiramdam at gumaganda ang araw niya kapag kasama si Hiraya. Aaminin ni Sam na nakabawas sa kanyang alalahanin na alam na nito ang tungkol kay Hari.
And speaking of Hiraya, ngayon lang niya na napansin na mula kaninang umaga ay wala pang paramdam sa kanya ito. Mula nang araw na malaman nitong doon siya nagtatrabaho, nasanay na si Sam na palagi itong sumusulpot doon sa Marketing Dept., o kaya naman ay panay ang text o tawag nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang sarili na panay ang lingon sa pinto o pagsulyap sa kanyang phone.
“Baka busy lang kaya hindi pumupunta.”
Napapitlag si Sam saka mabilis na lumingon. Bumungad sa kanya ang nakangiti na may halong panunudyong mukha ng kasama niyang bading na si Marcia.
“Ha? Hindi ko naman hinihintay si Sir,” tanggi niya sabay tawa.
Nilapit nito ang mukha sabay turo sa mukha niya. “Uy huli, wala akong sinabi si Sir ‘yon.”
“Ay, nakakainis ka naman!” natatawang komento niya sabay palo sa braso nito.
“Uy, si Sam! Mahal mo na ulit?” nanunuksong tanong pa ni Rissa.
“Huy, ano ba ‘yang sinasabi n’yo?!” saway niya sa mga ito.
“Girl, ano naman ang masama? May nakaraan naman kayo, sa mga nasaksihan namin nitong mga nakaraan araw sa pagitan n’yo. Mukha naman hindi naging masama ang break up n’yo,” sabi pa ni Marcia.
“Hindi nga,” sagot niya.
“Ano ba kasing inaalala mo? Dahil siya ang may-ari nito? Iyong sasabihin ng mga marites sa paligid? Hay naku, deadma sa sasabihin ng mga tao! Basta ikaw happy ka! Kapag happy ka! Happy ang flower!” eskandalosong sabi pa ni Marcia.
Nagtawanan sila ng malakas at nag-high five.
“Grabe ka sa flower!” natatawang komento niya.
“Alam na ni boss ‘yong tungkol sa junakis mo?” tanong pa ni Marcia.
Napakunot noo siya sabay lingon kay Rissa.
“Uy ah, wala akong kinukuwento!” mabilis na tanggi nito.
“Paano mo nalaman?”
“Girl, paano ko di malalaman? Apat na taon na ako dito sa The Empire, palagi kong nakikita si Sir Hiraya. Kaya noong unang beses mong dinala anak mo dito, sabi ko agad carbon copy ni Sir. Noong malaman ko na ex mo si Sir, alam na this!”
Huminga ng malalim si Sam at ngumiti.
“Pasensya ka na hindi ko sinabi.”
“Ay, kaloka ka! Okay lang ‘yon, siyempre personal na buhay mo ‘yon. Ayoko naman makialam o magtanong kaya iyong napapansin ko. Akin na lang ‘yon.”
Nakangiting yumakap siya sa beywang nito. Si Marcia ang kauna-unahan nakasundo niya doon matapos siyang ipakilala ni Rissa noong bago pa lang siya. Hanggang sa kalaunan ay naging magkaibigan sila.
“Sam!” narinig niyang tawag ng Head nila.
“Po?” sagot niya agad sabay lingon.
“Delivery,” nanunudyong sagot ni Emy.
Napakunot-noo siya nang makita ang isang delivery boy dala ang isang malaking bouquet of assorted flowers. Inulan siya ng kantiyaw ng mga kasamahan.
“Nakakainis na ‘yang ganda mo, ha! Ang sarap mo ng saktan!” biro sa kanya ni Marcia.
Hindi na napalis ang ngiti niya hanggang sa tanggapin ang bulaklak. Pagbalik sa mesa ay saka niya binasa ang nakaipit na card.
“Beautiful flowers to the most beautiful woman I ever met. Love, Aya.”
Umabot hanggang sa puso niya ang kilig. After reconnecting with Hiraya, things became so much better for Sam. Muli niyang naramdaman kung paano maging masaya. Pinaramdam sa kanya nito kung paano muling alagaan at pahalagahan. Matagal nang alam ni Sam na napaka-sweet ni Hiraya, pero hindi niya akalain na magiging malakas pa rin ang dating ng mga ginagawa nitong effort para sa kanya. Sa kabila ng naging relasyon nila noon, kahit na palaging nagbibiro at nanghaharot si Hiraya, his efforts towards her are now a lot more serious, and she appreciates and happy with everything he’s doing for her.
“Nakakaloka, ang ganda! Kailan kaya ako makakatanggap ng ganyan kagandang flowers!” komento ni Rissa na may halong inggit.
“Uy wait lang, baka naman puwedeng pabasa ng card!” ungot ni Marcia.
“Oo nga, pa-share naman ng kilig!” sang-ayon naman ni Rissa.
“Oh, eto na!” natatawang sagot niya sabay abot ng card.
Sabay-sabay nagtilian ang mga ito, si Marcia at Rissa ay nagsabunutan pa sa sobrang kilig.
“Oh, wait lang, ‘yong paa, baka matapakan ang mahabang buhok ni Sam,” biro pa ulit ni Rissa.
“Teka, hindi puwedeng ikaw lang ang masaya!” sabi pa ni Marcia.
Pagkatapos ay tinapik-tapik nito ang card sa buong katawan nito gaya ng ginagawa sa pera na tinatapik sa katawan para daw swerte.
“Pampaswerte sa love life!” sabi pa ni Marcia.
“Uy, ako rin!” sabi naman ng iba pang kasama niya.
“Oh sige, pampaswerte sa love life at pandilig sa nanunuyo n’yong kipay!” patuloy na sabi ni Marcia habang tinatapik ang card sa boobs ng mga kasama niya.
Napuno ng tawanan ang department nila. Laking pasalamat na lang sila dahil mabait ang department head nila at gaya ngayon ay nakikipagtawanan pa.
“Okay, guys, back to work na! Ipagpatuloy ang kilig mamayang lunch break!” saway na sa kanila ng Dept. Head nila.
“Sam, speaking of Boss. Tapos ka na ba sa ginagawa mo?” tanong pa nito.
“Malapit na po.”
“Oh, pagkatapos mo diyan akyat ka sa office niya, bigay mo itong report. Hinihingi niya kasi. Kabilin-bilinan n’ya, ikaw daw ang mag-akyat,” sabi pa nito.
“Sige po,” nakangiting sagot niya.
Tinapos lang ni Sam ang ginagawang report pagkatapos ay tumayo na siya at umakyat sa pribadong opisina ni Hiraya. Dahil puro salamin ang dingding ng elevator, sinipat niya ang sarili doon. Sinuklay pa niya ang hanggang balikat na buhok gamit ang mga daliri saka siniguradong maganda ang pagkakalagay niya ng make-up sa mukha. Noong isang araw ay natanggap na ulit niya ang kanyang sweldo kaya nakabili siya kahit paano ng bagong make-up pagkatapos ay bumili din siya ng multi-vitamins.
Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ni Sam nang sa wakas ay makarating siya sa top floor kung saan naroon ang opisina ni Hiraya. Agad bumungad ang mesa ng executive assistant nito bago makarating sa pinto.
“Good morning, Sir. Pinapunta po ako ni Sir Aya,” magalang na sabi niya.
“Ay, kayo po si Ma’am Samantha?” sagot nito.
“Opo, pero Sam na lang po mas mataas posisyon mo sa akin,” nahihiyang sagot niya pagkatapos ay nagkatawanan lang silang dalawa.
“Nasa loob si Sir, naghihintay na.”
“Okay, salamat.”
Kumatok pa siya ng tatlong beses bago buksan ang pinto. Pagpasok niya ay siyang angat ng tingin nito. Tumalon ang kanyang puso nang salubungin siya nito ng ngiti.
“Ang tagal, kanina pa kita hinihintay eh,” sabi nito.
“Sorry boss, may tinapos pa ako bago umakyat dito,” sagot niya sabay lapag ng mga folders na dala.
“Thanks,” usal nito.
“May kailangan pa po kayo? Kasi kung wala na, bababa na ako.”
“Kailangan?”
Hiraya stood up and went around in front of his office desk, then, sat on the edge and crossed his arms. Muling kumabog ng malakas ang dibdib ni Sam nang mataman siyang titigan nito na para bang ano man sandali ay susunggaban siya nito.
“Kailangan kita.”
She rolled her eyes and chuckled.
“Iyang mga linya mo talaga, Aya,” napapailing na sagot niya. “By the way, thank you so much for the flowers. They’re beautiful, I love it! Pero para saan ba ‘yon? Ano bang okasyon?”
“Para sa’yo, para maganda ang araw mo. Hindi kasi ako makababa ang dami kong ginagawa, para hindi mo ako mamiss,” sagot nito.
Natawa siya. “Ang kapal, feeling mo naman!”
“By the way, mamaya may lunch meeting ako, hindi ako makakasabay sa’yo kumain,” sabi pa nito.
“Okay, nandyan naman si Rissa at Marcia, lagi naman ako sumasabay sa kanila.”
“And next week, mawawala ako ng limang araw. May pupuntahan akong Gaming Convention sa Singapore.”
Hindi pinahalata ni Sam pero nakaramdam siya ng lungkot. Nasanay na siyang palaging nakikita at nakakausap si Hiraya. Nasanay na siya sa pagpapa-cute, pagpapakilig at panggugulo nito sa kanya araw-araw sa opisina. Kaya isipin pa lang na hindi niya ito makikita ng limang araw ay parang hindi makukumpleto ang araw niya.
“Oh, bakit bigla kang nalungkot?” natatawang tanong nito.
Doon siya napakurap sabay ngiti. “Hindi ah!” tanggi niya.
“Uy, nagde-deny! Kita ko sa mga mata mo malungkot ka,” nanunuksong sagot nito.
“Ay naku, Hiraya! Ayan ka na naman!” akma siyang aalis nang hablutin nito ang kamay niya.
“Sandali, dito ka lang, may sasabihin pa ako.”
“Ano?”
Kinuha nito ang wallet sa ibabaw ng table, pagkatapos ay kinuha ang isa sa tatlong black card na naroon sa loob.
“Here, take it. Unlimited ang credit limit n‘yan. Hawakan mo na. Kung may kailangan si Hari, o ikaw, bilin mo diyan. Kahit ano,” sabi pa nito.
Agad niyang binawi ang kamay. “Ay hindi na! Sobra na ‘yan!”
Nahawakan ulit nito ang kamay niya at pilit nilagay doon ang black card.
“I insist!”
“Hiraya, please! Hindi ko matatanggap ‘yan!”
“Samantha, para na lang sa anak ko. Para sa inyo.”
Natigilan siya.
“Alam ko na kahit anong ibigay ko na materyal na bagay. Alam ko na hindi mapupunuan no’n ang mga panahon na wala ako sa buhay niya. At wala ako sa tabi mo noong nahirapan ka habang pinagbubuntis siya. Wala ako sa tabi mo noong nagla-labor ka hanggang sa manganak ka. Pero kahit sa ganitong paraan man lang, maiparamdam ko sa kanya na may tatay siya. Sa iyo, na hindi ka na mag-isa sa pagtataguyod sa kanya mula ngayon. Nangako ako sa’yo na hindi ko kayo pababayaan, at lahat ng pangangailangan n’yo ay ibibigay ko. Marami pa akong plano para kay Hari, sa’yo, sa atin tatlo. I just… I just don’t know where to start. I’m still trying to grasp the reality that I’m already a dad.”
Napangiti siya at kinuha ang credit card. Pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito. Tinanggap ni Sam ang card hindi dahil kailangan niya. Tinanggap niya iyon bilang pagtanggap sa effort ni Hiraya. Huminga siya ng malalim.
“Thank you for this.”
“Mamaya, puwede bang sumama ako sa’yo pag-uwi? Puwede bang kumain tayong tatlo na magkakasama?” tanong nito.
“Oo naman,” sagot niya.
“Salamat. A-Ano bang mga paborito n’yang pagkain? May pagkain ba na may allergy siya?” natatarantang tanong nito.
“Maniwala ka man o hindi. Lahat ng paborito mong pagkain, iyon din ang paborito niya. Iyong mga kinaayawan mo, iyon din ang ayaw niyang kainin. At wala siyang allergy sa kahit anong pagkain.”
“Talaga?”
“Oo. Hindi ko alam kung paano nagkaganoon pero napansin ko na ‘yon habang lumalaki siya. Masyadong malakas ang dugo mo! Kaya sabi ko noon, parang hindi ka rin nawala sa buhay ko, because he’s a total reflection of you.”
Nakita ni Sam ang kakaibang saya sa mukha ni Hiraya nang marinig iyon mula sa kanya. Pero hindi pa rin nawawala ang kaba at takot doon.
“That’s great,” komento nito. “Pagbalik ko galing Singapore, punta tayo sa beach. Tayong tatlo? Gusto mo?”
“Sige! Siguradong matutuwa iyon, he loves beach!”
“That’s great!”
Huminga siya ng malalim. “Kailangan ko nang bumalik sa baba,” paalam niya.
“Wait,” awat nito sabay hila sa kanya.
Bahagya pa siyang napapitlag nang bumalandra siya sa katawan nito. Panalangin na lang niya na hindi naririnig ni Hiraya ang lakas ng kabog ng kanyang puso sa mga sandaling iyon. Ang kabang iyon ay tila bumaba sa tiyan at naging mga paruparo na paikot-ikot doon.
“Don’t you think I deserve a reward for giving you those flowers?”
Sinantabi ni Sam ang kaba at bahagyang natawa.
“Naniningil ka ba? O sadyang ginawa mong excuse ang mga bulaklak na ‘yon para makahingi ka ng reward?”
Nagkibit-balikat ito. “Actually, yes to both.”
“Anong reward ang gusto mo?”
Bumaba ang tingin nito sa labi niya.
“Can I kiss you?”
Umangat ang kamay ni Sam at hinaplos ng marahan ang pisngi nito. Hindi na niya hinintay na kumilos ito sa halip ay siya mismo ang humalik dito bilang sagot sa tanong nito.
Mabilis na yumapos sa likod niya ang mga braso ni Hiraya. Kasunod niyon ay ang paglalim ng halik nito nang buksan niya ang bibig para dito. Sam closed her eyes and wrapped her arms around his neck. Tinugunan niya ng kaparehong init ang halik nito. Mainit, mapag-angkin at mapusok ang halik na binigay nito sa kanya. It’s been fifteen years since the last time they kissed like that. That same kind of passion and intensity.
Marahan siya napaungol nang hawakan siya ni Hiraya sa batok at mas lalong diniinan ang paghalik sa kanya. They allowed themselves to continue kissing. Pansamantala nilang nakalimutan kung anong oras na o nasaan sila. Nang mga sandaling iyon ay para bang binalik silang dalawa sa nakaraan. The way he embraced her, the way the warmth of his touch lingers through her body, the soft moan, and the taste of his lips. It’s the same old Hiraya Santillan. The same man who has this ability to melt her in his arms with his kiss. Hanggang sa maramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya.
“Hmmm…” ungol niya sabay tapik sa balikat nito.
Napilitan silang huminto at kapwa humihingal nang binitiwan siya nito.
“F*ck, I missed kissing you like that,” paanas na sabi pa nito habang patuloy siyang pinapatakan ng halik sa labi. Pagkatapos ay pinunasan pa nito ang gilid ng labi niya at hindi inaalis ang pagkakayakap sa kanyang beywang. Hindi huminto sa paglalambing si Hiraya, bumaba ang labi nito sa leeg niya at pinatakan siya ng halik doon. Habang si Sam naman ay hinugot ang phone mula sa likod ng bulsa ng suot na pantalon.
“Baka si Hari ‘to,” sabi niya sabay tingin sa oras mula sa relong suot ni Hiraya. “Baka nakauwi na ‘to sa bahay.”
“Saan galing?” tanong nito saka huminto.
“Doon sa landlord ng apartment. May tindahan kasi ‘yon doon sa street namin, kapag may pasok ako, madalas doon siya pumupunta maghapon. Natutuwa kasi sa kanya ‘yong mag-asawa na ‘yon, mabait daw at matalino. Pinagbabantay ng tindahan, binibigyan naman siya kahit paano. Hinayaan ko na wala naman siya ginagawa sa bahay. Pagkakain babalik ‘yon doon.”
Nang basahin niya ang mensahe ay napangiti si Sam, gaya ng kanyang hulo, si Hari nga ang nag-text.
“Mommy, nakauwi na po ako.”
Tinawagan ni Sam ang numero nito.
“Anak, naglunch ka na?” tanong niya pagsagot nito.
“Hindi pa po, ngayon pa lang.”
“Magpahinga ka lang diyan ah. Uuwi ako agad pagkatapos ng trabaho ko mamaya. Kasama ko ‘yong boss ko, kasama natin siyang kakain mamaya,” sabi pa niya saka ni-loudspeaker ang phone.
“Ay sige po! Ang bait nga po ni Boss! Ang saya niya kasama maglaro!”
Napahinto si Hiraya sa ginagawa nitong paghalik sa kanya at napangiti sa sinabi ni Hari.
“Ah, anak, gusto mo ba si boss? Ibig kong sabihin, nababaitan ka sa kanya?”
“Opo. Sana nga po siya na lang ang daddy ko, magkamukha po kasi kami eh.”
Nangilid ang luha ni Hiraya. Sinandal nito ang noo sa kanyang balikat at doon mahinang lumuha. Muli niyang nasaksihan ang kakaibang saya sa mga mata nito. Hinaplos niya ang likod ng ulo nito.
“Mamaya, pagdating namin, kuwentuhan mo siya ha? Iyong tungkol sa’yo, sa dreams mo, lahat ng tungkol sa’yo.”
“Okay po, Mommy.”
“Oh, kumain ka na. Nandyan sa table iyong pagkain niluto ko kanina.”
“Sige po. Ay ‘My, nahulog pala itong cellphone ko kanina, nabasag ‘yong gilid ng screen,” daing nito.
“H-Ha? S-Sige, kapag naka-sweldo bibilhan kita ng bago.”
“Yey! Thank you, Mommy!”
“Mag-ingat ka mamaya paglabas mo ha? I-lock mo ‘yong bahay, dalhin mo ‘yong susi.”
“Opo.”
Nang matapos mag-usap ay pinunasan niya ng daliri ang luha sa mga mata ni Hiraya. “Oh, ayan ah, binida na kita sa anak mo.”
“Thank you,” garalgal ang tinig na sagot nito.
“Sige na, bababa na ako. Marami pa akong tatapusin.”
“Okay, dadaanan kita mamaya.”
Hindi nawawala ang ngiti na tumango siya. Pagkatapos ay muli siyang kinabig nito palapit at masuyong hinalikan sa labi.
“Buti na lang hindi kumalat ang lipstick mo,” biro pa nito pagkatapos.
“Buti na lang nga, grabe ka kasi kung makahalik eh. Sige na, bababa na ako.”
Lumabas si Sam sa opisina nitong magaan ang damdamin at bawat hakbang. Hindi akalain na sa pagbalik ni Hiraya sa buhay niya ay muling madudugtungan ang kuwento nilang minsan ay inakala niyang matagal nang natapos.