Chapter 20

1829 Words
SAM woke up from a nap that afternoon from the same day. Matapos kumain ng tanghalian at makipagkuwentuhan sa mga kapatid ni Hiraya ay nakaramdam siya ng antok. Kaya nang magsiuwian ang ibang mga kapatid ng nobyo ay nagdesisyon siyang matulog saglit. Agad niyang tinignan ang oras. Mag-aalas singko na rin pala ng hapon. Nag-inat siya saka niyakap ang unan nang pumasok sa loob ng silid ang malamig na simoy ng hangin. Muli siyang napadilat nang marinig ulit ang boses ng mag-ama. Doon siya bumangon at sumilip sa labas, napangiti agad si Sam nang makitang nakikipaglaro pala ng basketball si Hari sa ama kasama ang dalawang tiyuhin nito, si Carlo at Migs. Nang maka-shoot si Hari ay nag-high five ang mag-ama. Madali niyang kinuha ang phone at kinuhanan ng video ang dalawa. Nang hindi maka-shoot si Carlo ay naagaw ni Hari ang bola. Maging si Sam ay napa-wow nang maliksing kumilos ito at nagawang lituhin si Carlo. Wala itong tigil sa pagdi-dribol at akmang kakaliwa kaya sumunod din si Carlo pero bigla itong kumanan sabay ikot ng bola sa likod nito at sabay pasa sa ama, nang ihagis iyon ni Hiraya papunta sa ring ay agad iyon na-shoot. “Nice shot, dad!” tuwang-tuwa na bulalas ni Hari. Tumalon pa ang dalawa saka nag-high five. Tuwang-tuwa na ginulo ni Hiraya ang buhok ni Hari. Namana nito ang height ni Hiraya maging ang abilidad sa paglalaro ng basketball. Hindi nga niya alam na ganoon ito kagaling maglaro. Sa edad nitong magla-labinlimang taon ay halos pumantay na ito sa kanya. Hindi lang iyon, mula nang manirahan sila dito sa Maynila ay naging maayos na rin ang pangangatawan nito. Naging magana kumain kaya namilog ang katawan nito. Matapos panoorin ang mag-ama niyang maglaro ng basketball ay bumalik siya sa kama at umupo sa gilid niyon. Dumako ang tingin ni Sam sa drawer ng bedside table. Wala sa loob na binuksan niya iyon, ngunit bahagya siyang na-shock nang makita ang nasa loob niyon. Kasama ng iba pang gamit ni Hiraya naroon ang picture nilang dalawa na kuha pa noong college sila. Napangiti siya at kinuha iyon. That photo was taken on their fifth month anniversary. They travelled and went to New Zealand. Their first travel together as couple. Hanggang ngayon ay maliwanag pa rin sa kanyang isipan ang mga nangyari sa bakasyon nilang iyon. Walang kaalam-alam si Hiraya na nang mga panahon na iyon ay mahal na niya ito. Isa rin sa napansin ni Sam ay ang paraan ng kanyang pananamit. Back then, she’s a walking fashion. Ang ganda niyang magdala ng damit at nangunguna siya sa tuwing may bagong trend sa fashion. But after what happened in her life, one thing that she realizes was none of those are important. Ngayon ay kuntento na siya sa kung anong mayroon silang mag-ina. Basta ligtas at malusog si Hari wala na siyang mahihiling pa. Nahinto siya sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Hiraya. Nagulat pa ito nang makitang gising na siya. “When did you wake up?” tanong pa nito at agad siyang nilapitan at hinalikan sa noo. “About less than ten minutes ago.” “Nagising ka ba sa ingay namin? Sensya na, nagkasarapan sa paglalaro ng basketball eh,” sagot pa nito. Nilapag ni Sam ang picture sa ibabaw ng table pagkatapos ay kumuha ng towel saka pinunasan ang katawan ni Hiraya na puno ng pawis. “’My!” narinig niyang tawag sa kanya ng anak. “Dito sa kuwarto, Hari!” sagot niya. Pumasok sa loob ang anak. “’My, papunas naman po ng likod ko,” sabi nito saka lumapit sa kanya. Habang salitan niyang pinupunasan ng pawis ang dalawa ay hindi napigilan matawa ni Sam kaya napalingon ang mga ito sa kanya. “Ngayon ko lang na-realize na nadagdagan pala ang anak ko,” biro niya. Agad nakuha ni Hari ang sinabi niya at natawa sabay lingon sa ama. Si Hiraya naman ay nagsalubong ang kilay kaya lalo silang natawa. “Sige na, mayamaya maligo ka na, nanlalagkit ka. Huwag kang mahihiga sa kama ha! Baka dumikit pawis mo!” bilin pa niya sa anak. Nang lumabas na ito at tuluyan silang naiwan ay muli na naman niyang tinuon ang atensiyon kay Hiraya. Pinunasan niya ang mukha nito na pawisan din. “Nandyan pa ba sila?” tanong niya. “Nakaalis na silang lahat. Si Dad kanina pa umalis, kailangan din daw niyang bumalik agad sa Zambales eh. Hindi ka na nila pinagising dahil ang sarap ng tulog mo.” “Naku nakakahiya naman,” sabi pa niya. Pumalatak ito at bahagyang natawa. “Ano bang nakakahiya? Para ‘yon lang.” Natigilan siya sa ginagawa nang hawakan nito ang kamay niya saka kinuha ang towel na hawak at ihagis iyon sa kung saan. Pagkatapos ay sinandal siya sa hamba ng pinto ng banyo. “Love, you are too busy taking care of Hari. And ever since we got back together, you became way too busy taking care of us,” sabi pa nito at kinuha ang kamay niya saka hinalikan ang likod niyon. “Malaki na si Hari at nandito naman na ako. Ngayon, puwede mo naman asikasuhin ang sarili mo. Mag-shopping ka. Go to the gym. Magpa-parlor ka. Pamper yourself. Pagkatapos ng hirap na pinagdaanan mo. You deserve it.” Napangiti siya saka hinila ang mukha nito at hinalikan siya sa labi. “Wala naman akong kailangan eh. Masaya naman ako sa ginagawa ko para sa inyo. Iyong makita ko lang na masaya kayo na magkasama, gaya kanina naglalaro kayo ng basketball. Masaya na ako doon. Saka hindi naman ganoon kalaki ang naipon ko para gawin ko ‘yong mga sinasabi mo.” Pumulupot sa beywang niya ang isang braso nito at hinapit ang kanyang katawan palapit dito. “That’s why I gave you the card. I told you, you spend it as much as you want.” “Ayokong abusuhin ka.” Marahas itong bumuntong-hininga pagkatapos ay bigla siyang hinalikan ng mapusok. Bahagya pa siyang napaungol habang magkahinang ang labi nila nang buhatin siya nito at dalhin sa loob ng banyo, pagkatapos ay iupo sa ibabaw countertop. Bago ito lumayo ay kinagat pa nito ang ibabang labi niya. “Ahh!” daing niya saka nakatawa at pinalo ito sa balikat. “Nanggigigil ako sa’yo, ang kulit mo kasi! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Hindi naman ako ibang tao. Ikakasal na tayo, ibig sabihin, lahat ng mayroon ako ay sa’yo na rin.” “Eh kahit na.” “Love, I only want what’s best for you. Kung ako sasamantalahin ko na hangga’t marami kang oras. Dalhin kapag nabuntis ka ulit, mahihirapan ka ulit.” “Buntis? Gusto mo nang sundan si Hari?” Nagkibit-balikat ito. “Hindi pa naman ngayon. Gusto ko pa rin muna i-enjoy na may time tayo sa isa’t isa. Mga next year sana. We’re not getting any younger, inaalala ko lang ikaw baka mahirapan ka na magbuntis.” “Kung mahirapan man ako, nandiyan ka naman na. Wala akong dapat alalahanin.” Ngumiti ito at muli siyang hinalikan sa labi. Mabilis na tumugon si Sam at yumakap sa leeg nito. She opened her mouth and allowed him to explore inside. Hinapit ni Hiraya ang katawan niya palapit dito at kusang niyakap ni Sam ang kanyang mga hita sa balakang nito. Hanggang ang mga halik nito ay gumapang papunta sa tenga niya at ang kamay nito’y nagsimulang humimas sa kanyang hita paakyat sa dibdib. Napapikit siya sa klase ng sensasyon na sumalakay sa kanya. A soft moan came out from her mouth when he licked her ears and bit her earlobe. Mula doon ay bumaba ang labi nito sa leeg niya. “You want to do it now?” paanas na tanong nito habang walang tigil sa paghalik sa labi niya. Bahagya niyang inangat ang mukha ng nobyo saka tumango at halikan ito sa labi. Ilang sandali pa ay naramdaman na niyang binaba nito ang strap ng dress niyang suot. Huminto sila sa paghalik at tumingin sa isa’t isa pagkatapos ay pinatakan ng halik ang kanyang balikat. Hanggang sa naramdaman ni Sam na huminto ito. “Bakit? May problema ba?” tanong niya sabay tingin dito. Hindi agad sumagot si Hiraya. Sa halip ay nakatitig sa likod niya mula sa repleksiyon sa salamin. “Ano ‘tong nasa likod mo?” tanong nito na may bahid ng pag-aalala, sabay hila pababa ng damit niya. Lihim na nataranta si Sam nang lumingon ay nakita ang mga peklat doon. Kasunod niyon ay agad siyang inatake ng takot. Kaybilis ng kabog ng kanyang dibdib. Bigla ay nagulo ang isip niya at naghanap ng maaaring idadahilan. “W-Wala ‘yan… ah ano lang, medyo clumsy ako kaya palagi akong nababangga kung saan-saan, kaya nagkaganyan ang likod ko,” tanggi niya saka akmang itataas ang damit pero pinigilan siya ni Hiraya. “No. Wait,” sabi nito saka siya binaba mula sa countertop at pinatalikod at lalong hinila pababa ang damit nito. Exposing her bare back. Tumambad sa harapan ni Hiraya ang likod niyang may mga peklat na bakas ng kanyang masamang nakaraan na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya masabi. “What’s this? Napaano lahat ‘to? Are these bruise marks even here on the first night we made love? Bakit hindi ko napansin?” sunod-sunod na tanong ni Hiraya. Puno ng pag-aalala ang boses nito. Hindi makasagot si Sam. Nang gabing unang beses na may mangyari sa kanila maging sa mga sumunod pa. Nagkataon na malamlam ang ilaw sa kuwarto kaya hindi nito napansin ang mga iyon. Pinihit siya nito paharap. Inayos ni Sam ang damit at iniwas ang tingin. “Samantha, mayroon ka bang hindi sinasabi sa akin?” Sa pagkakataon na iyon ay seryoso ang tinig nito. “Sinabi ko na nga sa’yo—" “Sam. Stop lying to me. You’re not good at that and you’re the least clumsy person I know. Kilalang-kilala kita. Now, tell me the truth. Anong nangyari sa likod mo?” Huminga ng malalim si Sam at kinalma ang sarili bago tuluyan nagsalita. “Can we please stop talking about this?” Natigilan si Hiraya. “Look, Aya. May mga pangyayari sa buhay ko noong wala ka pa na hindi pa ako handang sabihin sa’yo. It’s even hard for me to think about it. I promise. When the time is right. I will tell you everything,” paliwanag niya sabay tingala sa nobyo. Marahas itong bumuntong-hininga at sumandal sa pader. “You’re scaring me,” sagot nito na puno pa rin ng labis na pag-aalala. “Wala kang dapat ikatakot. Okay naman ako. Peklat na lang naman itong mga ‘to.” “Sige. Pagbibigyan kita. Pero kapag nag-desisyon ka nang sabihin sa akin ang tungkol diyan. Mangako ka na sasabihin mo sa akin ang lahat.” Marahan siyang tumango. “I promise.” Hindi na nagsalita ito. Sa halip ay hinila siya ni Hiraya palapit at mahigpit na niyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD