Chapter 19

2582 Words
“HELLO, everyone! Good morning!” masiglang bati ni Amihan pagpasok sa nito sa bahay. “Ate!” tawag ni Hiraya sa kapatid. Kasalukuyan siyang naroon sa sala at may importanteng email na sinasagot. Iniwan niya ang ginagawa at tumayo saka humalik sa pisngi ng kapatid. Kasama nito si Alvin at ang tatlong anak nito. “Pare, musta?” salubong sa kanya ng bayaw. “Okay naman.” “Nasaan na ang mag-ina mo?” tanong ni Amihan. “Nasa taas,” sagot niya. Kasunod nitong dumating ay ang kakambal niya na kasama rin ang pamilya nito. Pagkatapos ay halos magkasabay naman dumating si Musika at Edward pati na si Lia at Michael kasama ang kambal nitong anak. “Oh hey, you’re here!” bati ni Yumi sa mga kapatid. “Guys, I can’t wait for you to meet Hari. He’s so adorable and cute!” excited na pagmamalaki nito sa mga kapatid nila. Maaga itong pumunta doon gaya ng laging nakagawian para magluto. Kasama na nito kanina pa si Carlo na may kausap sa telepono sa garden. “Wait lang, si Daddy? Nasaan na siya?” tanong ni Lia. “Malapit na si Dad, kakatawag lang niya bago dumating si Ate,” sagot niya. “Where’s Sam?” tanong ni Musika. “Sandali, tatawagin ko lang.” Nagmamadaling umakyat si Hiraya at agad pumasok sa kuwarto. Naabutan niyang nakaharap ito sa salamin. Isang simpleng summer casual dress lang ang suot nito saka nag-apply ng light make-up sa mukha. “Love, nandiyan na sila,” sabi niya. “How do I look?” tanong nito na halata sa mukha ang kaba. Napangiti siya. “You look perfect!” sagot ni Hiraya saka lumapit at hinalikan ito sa labi. Huminga pa ito ng malalim bago humawak sa kamay niya. “Tara na, excited na silang makita kayo.” “Nasaan na si Hari?” tanong ni Sam. “Ewan ko, akala ko nasa kuwarto niya?” “Tignan ko na lang,” prisinta ni Sam. Paglabas ng kuwarto ay sinilip nila ang kuwarto nito ngunit wala doon si Hari. Pagsilip nila sa baba, nandoon na ito sa sala at kasalukuyan pinagkakaguluhan ng mga Tiyo at Tiyahin. “Oh my gosh, Samantha!” masayang bulalas ni Lia. Nakangiting sinundan ni Hiraya ng tingin si Sam nang nagmadali itong bumaba at sinalubong ng yakap si Lia. During college, dahil doon din sa university na iyon nag-aral ang quadruplets. Kaibigan at kakilala ng apat ang mga kaibigan nilang dalawa ni Migs. Pero mas lalong naging close ni Sam ang Quadruplets nang maging silang dalawa. Ang Ate Amihan naman niya ay nakilala si Sam nang dalhin niya ito dito sa bahay para ipakilala rin sa ama. Since then, Sam has been like a member of their family. “Mahalia, I missed you!” sagot ni Sam. Sunod naman sumalubong dito ay si Musika, pagkatapos ay bumati ito sa nakakatandang kapatid niya. Pagkatapos iyon ay pinakilala ng mga ito si Sam sa iba pa niyang in laws. “Grabe, aside from the fact you matured quite a bit, but nothing really changed. Sobrang ganda mo pa rin. No wonder hindi ka na pinakawalan ni Hiraya,” sabi pa ni Amihan. “Thank you, Ate. Ikaw rin, ang ganda mo pa rin. Hindi halatang nanganak ka na ng tatlong beses.” “Pareho tayo,” sagot nito saka nagtawanan ang dalawa. Umakbay si Migs kay Hari. “Ang pogi ng pamangkin ko!” sabi pa nito. “Walang pangit sa lahi natin, Kuya!” sabad ni Yumi. “Mapagkakamalan anak mo,” natatawang sabi ni Anne. “I know. Iisa rin kasi mukha nitong dalawa,” sang-ayon ni Sam sabay turo sa kanila ni Himig. “Grabe, may nagbibinata na kayong anak agad,” komento pa ni Musika. “Ang guwapo ng anak n’yo, Kuya. Sam, great job!” sabi pa ni Lia. “Bakit siya ang great job? Ako dapat, semilya ko ‘yan eh!” walang prenong sagot ni Hiraya. “Kuya! Bunganga talaga nito,” mabilis na saway ni Yumi sabay tawanan nilang lahat. Habang nagkakasiyahan ay sa wakas dumating na ang daddy nila. “Nasaan ang isa ko pang apo?” tanong agad nito pagpasok. Lumapit si Hiraya kay Hari. “Anak, magmano ka sa Lolo mo,” aniya. Nahihiya pang lumapit si Hari pero bakas ang saya sa mga mata nito nang ngumiti sa matanda at nagmano. “Kaawaan ka ng Diyos, anak. Teka, patingin nga kung talagang kamukha ka ng daddy mo,” sabi pa nito saka hinawakan sa magkabilang pisngi at tinitigan ito. Matapos iyon niyakap nito si Hari. “Nice to meet you, hijo.” Nang makita ng kanyang ama si Sam ay binuka nito ang dalawang braso. Nang yumakap ito sa daddy niya, doon naging emosyonal si Sam. Mahina itong umiyak habang matagal magkayakap ang dalawa. “Maraming salamat po sa tulong n’yo noon, Tito. Pasensya na po. Hindi ko na naibalik ‘yong hiniram ng daddy ko,” umiiyak na sabi ni Samantha. “Ano ka ba naman bata ka? Sabi ko naman sa’yo noon na walang kaso ‘yon, pera lang ‘yon at kaibigan ko ang daddy mo. Pero bakit hindi mo sinabi sa akin dati na buntis ka na pala noong mag-usap tayo?” “Naunahan na rin po ako ng hiya noon saka magulo ang utak ko, hindi ako makapag-isip ng maayos noon.” Bumuntong-hininga ito. “’Di bale, kalimutan na natin ‘yon. Ang mahalaga, makapagsimula ka ulit ng buhay kasama ang mag-ama mo.” “Opo.” “And please, ngayon magsasama na kayo ni Hiraya. Call me Dad.” Natawa si Sam at pinahid ang luha. “Sige po, Dad.” “Hayyy… this family is getting bigger. We need a bigger and longer family table to fit all of us. Hindi na tayo kasya dito sa mesa natin,” sabad ni Yumi. “Ang mabuti pa, kumain na tayo!” sabi pa ni Musika. “Si Laya tawagan n’yo mayamaya, nahuhuli na naman sa balita ang babaeng iyon,” sabi naman ni Migs. Nagpuntahan ang mga ito sa dining area. Samantala si Hari ay nagsimulang makipaglaro sa mga pinsan nito. “Dad, puwede ba kaming mag-swimming mamaya?” tanong sa kanya ni Hari. “Pagkatapos kumain,” sagot ni Hiraya. “Mommy, swimming din kami!” paalam naman ng panganay ni Amihan. “Later kids, after lunch.” “Yes!” masayang bulalas nito. Nang lapitan ni Hiraya si Sam ay agad niya itong niyakap. “Are you okay?” tanong niya dito. Nakangiti itong tumango. “Yes.” “Happy?” “Super.” Pinahid ng likod ng daliri niya ang luha sa gilid ng mata nito. “Stop crying, okay?” Marahan itong tumango ay yumakap sa beywang niya. “Halika na, kumain na tayo.” “GRABE, lumangoy si Hari, Samantha! Parang sirena!” sabi pa ni Musika pagpasok nito mula sa pool area. “Ten minutes away lang kasi ang dagat mula sa bahay na tinirahan namin sa Batangas. Eh lagi siyang dinadala doon ni Yaya Chona, kaya ayan natuto lumangoy doon.” “Batangas? Ang layo naman ng narating mo,” komento pa ni Lia. “By the way, hija, naikuwento sa akin ni Hiraya ang totoong nangyari sa’yo pagkatapos mawala sa inyo ang RJ Shipping Lines. Paano kayo nabuhay mag-ina?” tanong ng daddy ni Hiraya. “Sa tulong po ni Yaya Chona, ‘yong kasambahay namin na nagpalaki sa akin. Sinama niya po ako noong umuwi siya sa Batangas. Doon na po ako nanganak saka tumira,” sagot ni Sam. Kinuwento niya dito ang lahat ng trabaho na pinasukan mabuhay lang silang mag-ina at kung paano naging mahirap para sa kanya lalo nan ang mamatay ang kanyang Yaya Chona noong eight years old si Hari. Doon natuto si Hari na maging independent. Dahil kailangan niya itong iwan mag-isa sa bahay para makapasok sa trabaho niya sa pabrika nang mga panahon na ‘yon. Pasalamat na lang si Sam dahil hindi na siya naiyak habang nagkukwento. “Mabuti na lang talaga at nagkita tayo sa restaurant ko nang araw na ‘yon,” komento ni Yumi. “Oo nga eh, imagine, nasa paligid lang pala ni Kuya si Sam wala pa siyang alam,” sagot naman ni Lia. “Thank god, Kuya! Lana dumped you if not, wala kang Sam ngayon!” walang preno na sabad ulit ni Yumi. Nagsalubong ang kilay ni Sam pagkarinig sa pangalan ng ibang babae. “Lana? Sinong Lana?” tanong agad niya. Napapikit si Hiraya at umamba ng suntok sa kapatid. “Bakit pa hindi tinahi ng asawa mo ‘yang bibig mo, no?” “Huy, sino si Lana?” “Naku, yari! Away na ‘to,” nang-aasar na komento ni Alvin saka nakakalokong tumawa kasama si Migs at Michael. “Wala love, uh… medyo…” “Medyo kalandian n’ya noong bago kayo magkita ulit. Alam mo na, friends with benefits,” sabad ni Migs. “Naku talaga, makakaupak ako ng mga kapatid eh!” nanggigigil na sagot ni Hiraya. Natawa na naman ang mga kapatid. “Huy, ikaw Hiraya ngayon nandito na ang mag-ina mo. Tumino ka na,” sermon dito ng ama. Napabuka ang bibig nito na hindi makapaniwala sa narinig. “What?! Bakit ako?! Matino ako, dad! Never akong nagsabay ng dalawang babae!” pagtatanggol nito sa sarili. Kinurot niya ito bigla sa tagiliran. “Aray, love!” “Anong hindi?! Bago naging tayo noon college iyong babae sa Engineering Dept., saka ‘yong Nursing pinagsabay mo! Ako pa ginawa mong stage girlfriend noon para maiwasan mo ‘yong dalawa!” pambubuking niya. Lalong lumakas ang tawanan ng magkakapatid. “Samantha for the win!” sabi pa ni Michael at nakipag-high five sa kanya. “Santillan knock out!” sunod na sabi ni Alvin. Natatawa at napapailing na lang si Hiraya habang namumula ang mukha. “Pinagtutulungan n’yo ko ah, makakabawi din ako.” “Tama na ‘yan at baka magkapikunan pa kayo,” saway sa kanila ng ama. “Kailan n’yo planong magpakasal?” baling ulit nito sa kanila. Tinaas ni Hiraya ang kaliwang kamay niya at pinagmalaki ang engagement ring na binigay nito kagabi. “Very soon. Hindi pa kami nakakapag-usap kung kailan o iba pang detalye, but soon.” “You need help with events organizer? Just tell me, you know I have connections,” sabi ni Lia. “Kinakausap ko kanina ang anak n’yo, and he’s bright. Hari is a smart kid. Mana sa inyong mga magulang,” sabi pa ni Carlo. “I agree. When he talks, he sounded so matured.” Napangiti siya at lumingon sa labas at pinanonood na mag-dive si Hari sa pool. “Our situation before forced him to be matured, dalawa lang kasi kami noon. Lagi niyang sinasabi sa akin na siya daw ang bahala sa akin dahil siya ang lalaki.” Natawa ang magkakapatid. “Kaya nga mula nang malaman ko ang totoo at naipakilala ako ni Sam sa kanya. Hinahayaan lang namin siya sa gusto niyang gawin. We want him to enjoy his childhood.” “That’s good. Hindi pa naman huli ang lahat.” “Basta Sam, feel at home in this house. Kapag nagpakasal kayo nitong si Aya, sa’yo na rin ito. Pangalagaan ninyo at mahal na mahal namin ‘to ng Mommy Estelle n’yo. Uuwi pa naman din ako dito kapag lumuluwas ako,” bilin pa ng daddy ni Hiraya. “Huwag po kayong mag-alala, kami po ni Aya ang bahala dito.” “Bukod naman sa ilang rooms na ipapa-redecorate ko, wala na akong ibang babaguhin dito,” sagot pa ni Hiraya. “Pumasyal naman kayo sa farm, anak. Para makarating doon si Hari at itong si Sam.” “Sige po.” “Naku dad, baka hindi na umuwi dito ng manila ‘yang si Hari kapag dinala namin doon,” natatawang sagot niya. “Bakit? Mahilig ba siya sa halaman?” “Sobra po. Kahit anong itanim ng batang ‘yan nabubuhay. Napaka hilig sa halaman hindi ko alam kung kanino nagmana.” “Aba’y mana sa akin saka dito sa Tita Amihan n’ya! Mabuti kung ganoon, isang beses nga at isasama ko sa farm ito. Isang linggo siya doon.” “Hindi ‘yan tatanggi,” sagot pa ni Hiraya. Habang patuloy na nagkukuwentuhan ang magkakapatid. Sandaling nagpaalam si Sam at umakyat sa kuwarto nila. Bigla niyang naalala na naiwan pala doon ang kanyang phone. Agad niyang binasa ang message ni Rissa na isang oras na pala ang nakakalipas mula ng ipadala iyon. “Nagtext si Tita sa akin, natunton daw pala nung demonyo na ‘yon ang apartment?” sabi pa nito sa mensahe. Agad niyang tinawagan ito. “Sam,” bungad ni Rissa. “Hindi naman niya kami naabutan. Nasa loob pa kami ni Hari noong dumating siya pero nakapagtago kami,” sabi niya saka kinuwento ang nangyari. “Buti na lang nakaalis na kayo doon.” Bumuntong-hininga siya. “Hindi talaga siya titigil hangga’t hindi kami nahahanap.” “Hayaan mo na ‘yan hindi ka na lalo mahahanap no’n sa laki nitong Maynila. Mabulok siya ng kakahanap sa inyo. Safe na kayo ngayon dahil nariyan na si Sir Aya.” “Sana nga, Rissa.” “Hindi mo pa rin sinasabi kay Sir Aya?” “Hindi pa rin eh. Hindi ako makatyempo. Ngayon alam na rin ni Hari na si Aya ang daddy niya. Ayokong sirain ang magandang mood ng dalawa. Hay naku Ris, kung nakikita mo lang ang araw-araw kong nakikita mula nang magkasama sila.” “Hindi ko rin alam ang dapat mong gawin, girl. Pero siguro hayaan mo na lang ang panahon ang mag-desisyon. I-enjoy mo lang ang mayroon kayo ngayon. Huwag mo munang isipin ang tungkol sa hayup na ‘yon! Basta masaya ka at deserve mo ‘yan! Deserve ninyong mag-ina ‘yan! Kaya, kalma ka lang diyan.” Napalingon si Sam nang biglang pumasok si Hiraya. “Rissa, bukas na lang ulit tayo mag-usap ha? See you tomorrow,” paalam niya pagkatapos ay mabilis na dinelete ang text message nito. “Busy ka?” tanong nito. “Hindi naman. Nangamusta lang si Rissa. Bakit nandito ka? Tapos na kayong mag-usap sa baba?” “Sila hindi pa, tinignan ko lang kung anong ginagawa mo.” “Hinanap ko lang muna itong phone ko.” Huminga ng malalim si Hiraya at hinalikan siya sa labi. “I’m so happy, love.” “Me too,” sagot niya. “Marami tayong gagawin ngayon linggo. Papaayos natin ang passports n’yo at papeles n’yo para makapag travel tayo. Then, this week, mag-shopping tayong tatlo. Pagkatapos ipa-renew natin ang driver’s license mo.” Gustong malula ni Sam sa mga sinabi ni Hiraya. Totoo nga ang sinabi nito. Marami itong plano para sa kanilang mag-ina. “At ngayon na ikakasal tayo, kung gusto mong tumigil sa pagtatrabaho, walang kaso sa akin. Kaya naman kitang suportahan kayo ni Hari. Graduate ka naman din ng business school with high honors pa. Why don’t you just put up a business? I’m sure you can do it.” Huminga siya ng malalim. “Puwede huwag muna akong mag-resign ngayon? Nag-eenjoy pa kasi ako sa trabaho ko sa Marketing Department eh.” “Sure. Hindi man kita nira-rush. It’s just a suggestion.” “Okay, but I’ll think about it.” “Tara na, doon na tayo ulit sa baba.” “Sige.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD