Ang katahimikan ng gabi sa mansyon ng Villanueva ay tila bang pinipigil ang hininga ng bawat sulok ng bahay. Maagang natulog ang lahat, maliban kay Serena na hindi pa rin mapakali sa kwarto niya. Nakatingin siya sa kisame, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari sa pagitan nila ni Elio. Ang dampi ng kamay nito sa kanyang balat. Ang titig. Ang hindi niya makalimutang ngiti. Para bang may init na kumakawala sa bawat alaala. Pero kasabay ng kilig ay ang matinding guilt na bumabalot sa dibdib niya. Alam niyang bawal. Hindi lang dahil sa estado ni Elio bilang house boy, kundi dahil na rin sa kasunduan ng pamilya niya kay Lucio. "Tanga ka, Serena," bulong niya sa sarili. "Wag kang papahulog." Tumayo siya sa kama at lumapit sa bintana. Mula roon, tanaw niya ang garden na

