May kakaiba sa umagang ‘yon. Tahimik ang buong mansion, pero hindi ‘yung tipong mapayapa—kundi ‘yung klase ng katahimikan na parang naghihintay lang ng pagsabog. Yung parang bago mag-bagyo. At si Serena, habang nakasilip sa bintana ng veranda, ay hindi mapakali. Suot niya ang manipis na silk robe na may prints ng magnolia—regalo ni Gello noong birthday niya. Pero ngayong umaga, tila ang lambot ng tela ay hindi sapat para pagaanin ang kabang bumabalot sa dibdib niya. Ang malamig na simoy ng hangin ay lalong nagpapalutang sa alaalang hindi niya na dapat binabalikan: ang gabing hindi dapat nangyari. Ang gabing ginugol nila ni Elio sa greenhouse. Sa pagitan ng mga halaman, lampara, at bulaklak na amoy gabi, doon niya naramdaman ang init ng isang halik na hindi niya inaasahan. Isang halik na

