CANDIS' POV Tumawag sa'kin si Lyndon para makipagkita. May mahalaga daw s'yang sasabihin sa'kin. Agad na nagbihis naman ako. Ano kayang sasabihin n'ya? Pagbaba ko sa hagdan ay nakasalubong ko si Mavy. Nakita kong hinagod n'ya ako ng tingin at napakunot noo. Nag-iwas ako ng tingin dahil lalo lang akong naiinlove sa kanya pag tinitingnan ko s'ya. Nakakainis kasi. Ewan ko ba kung bakit mula nang marealized kong mahal ko s'ya ay mas lalo yata s'yang gumwapo sa paningin ko. Parang araw-araw lalo akong na-fafall sa kanya. Nakakairita. Lalo na at alam kong mayroon naman s'yang mahal na iba. At ewan ko ba kung bakit sa dinami rami ng mamahalin ay dito pa ako sa may sabit napadpad. Sadya nga yatang mahirap pigilan kapag dumating ka na sa puntong iyon. Pero hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo p

