MAVERICK'S POV Natatawa ako habang pinapanood na nagmamartsa palayo sa akin si Candis. Kung bakit naman kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong inisin s'ya tuwing makikita ko s'ya. Ang dali n'ya kasing mapikon at halatang halata pa ‘yon sa mukha n'ya. Namumula kasi ang pisngi n'ya na parang nagbablush pag galit s'ya. Nawala ang ngiti ko nang may bumasa sa akin mula sa pool. Takang tinignan ko kung sino at nakita ko ang nakakalokong ngiti ni Candis. Tumayo ako at nagcross-arms habang nakatingin sa kanya. "Bakit ka ba nambabasa d'yan?" "Para ka kasing baliw, ngingiti ngiti ka d'yan mag-isa! May toyo ka yata talaga eh!" pang-iinis n'ya. Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya. Ako pang sinabihan n'ya ng baliw eh s'ya nga itong sumasayaw ng kung ano-ano. "Sinong baliw sa ating dal

